060

5 1 0
                                    

Messenger

Broke Peeps

Theo:
Ayaw akong reply-an ni Elite
Ghosted na yata ako

Dash:
'Di ba gusto mo ngang 'wag na kayo mag-usap dahil sa nangyari?

Theo:
Oo nga
Pero
Gusto ko sana mangyari 'yon ng maayos
'Yung pag-uuspaan namin ng maayos
Tang ina, ang ginawa
Ghinost ako

Chez:
Maybe she can't use her phone.

Theo:
Ng ano?
Tatlong buwan?
Tatlong buwan na simula nang mangyari 'yon.
May mga posts na rin siya sa IG
Stories
Active sa social media pero 'di ako magawang reply-an?
Maski pag-basa lang sa mga messages ko, 'di niya magawa

Eleanor:
I know this is harsh considering on what just happened, but, Theo
You already had this coming, right?

Theo:
Oo
Umpisa pa lang, alam ko naman na 'di rin 'to magtatagal
Malaki agwat namin, par.
Mahirap ako mayaman siya, cliché pero totoo
Anong magagawa ko?

Theo:
Isa pa, kagaya ng napag-usapan natin, hindi pa siya okay mula sa ginawa ng ex niya sa kaniya.
Aware ako na parang pampalipas oras lang ako sa kaniya
O baka pampalipas oras nga lang talaga ako

Chez:
And yet, you still fell for her.

Theo:
Oo, sugatan pa nga, e.

Eleanor:
Tanga

Theo:
Tell me something I don't know, Elya.

Theo:
Lalo ko lang napatunayan na wala talagang mangyayari sa 'min ni Elite no'ng nakausap ko 'yung tatay niya.
Ang dami ko pa dapat patunayan
Ang dami ko pang dapat gawin

Theo:
Walang kami pero ang dami kong dapat patunayan para sa kaniya, sa pamilya niya, at para sa sarili ko.

Dash:
You know
You should focus on yourself right now
Mas kailangan ka ng sarili mo kaysa kay Elite
May pamilya 'yon, may pamilya ka rin.
May law school pa, Theo.

Chad:
If there's a chance you'll meet Elite again this month or year, what will you do or say?

Theo:
Mag-hi? Kumustahin siya?
Ewan ko
Hindi ko alam

Theo:
Baka nga siguro tumalikod lang ako at takbuhan siya kagaya ng ginawa niya, e.

Chad:
Then focus on yourself.
Sarili mo muna
Parangap mo muna

Chez:
Totoo, Theo.
Hayaan mo siya
Hayaan mo sila

Eleanor:
Si Elite, nand'yan lang 'yan. Kung kayo talaga, nand'yan lang siya.
Pero 'yang pangarap mo?
'Yang law school?
Ngayon lang 'yan.
Sa susunod, mahihirapan ka na.
Law school muna.
May law school ka pa.

Dash:
Go be that lawyer, Theo.
Make them pay the highest amount to hire you.
Make them grovel just to meet you in a minute.
Go be that lawyer, Theo.

Theo:
Tama
May law school pa.

Love Blooms at Dusk (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon