Chapter 4 - Gray Hoodie

464 32 16
                                    

Mikha's POV

Another day, another battle in life
I was peacefully walking on the Architecture building, looking for Jhoanna.

Walang tao sa madadaanan kong head office, since exclusive lang yung for the professors. Ito lang kasi yung kadugtong ng engineering building at kung iikot pa ako mas mapapalayo ako.

Nung malapit na ako sa head office of the Architectures.
May narinig ako malakas na boses, pero mukhang may pinapagalitan.
Hindi ko na sana papansinin yun pero rinig ko mula dito dahil nakabukas yung pinto.

"You're a disgrace to this family Colet !. Hindi ka na natuto. You're always here to make trouble. Konting konti nalang hindi na kitang kikilalaning anak"

Colet? Si CV ? Sya lang naman kilala kong Colet.

"Do it dad. I'm your only daughter, walang mawawala sakin pero malaki ang mawawala sayo"

It's her voice, si Colet nga.

Parang mali na nakinig ako sa usapan nila ng tatay nya. It's their fault, bakit kasi sila nagsisigawan. Naglakad ako ng parang normal na napadaan lang. Hindi ako lumingon sa pinto.

"On time ka talaga" I said nung makita si Jhoanna na naglalakad opposite to my direction.

"Oh bat jan ka dumaan?" Tanong nya sakin.

"What do you want? Maglakad pa ako ng malayo?" I said to her.

"Wait for me here, may ilalagay lang akong papers sa head office."

Paalis na sana sya but I grabbed her wrist.

"Why?" She asked.

"Parang di okay na pumunta dun ngayon Jho" I said, pero napatigil ako nung makita na naglalakad si Colet.

"Sumama ka nalang kaya, weird mo" sabay hila nya sakin kaya nalagpasan namin si Colet. I didn't look at her, at mukhang wala sya sa mood makipag away sakin ngayon.

Nung makarating kami sa head office nagtataka ako kasi wala ng tao.

"May hinahanap ka?" Jhoanna asked.

"Wala" sagot ko.

-----

We're here at the coffee shop dahil vacant ko sakto din na wala ng klase si Jhoanna today.

"May gig ka mamaya diba? I'll go." Dinig kong sabi ni Jhoanna.
Madami pa syang sinasabi pero hindi maalis sa isip ko yung usapan ni Colet at ng father nya kanina.

Kaya siguro parang galit sya sa mundo dahil sa ganun na pinagdadaanan nya. Pero mali parin eh, mali talaga. But I can't judge her, bahala sya.

"Huy, ano na Mikha?"

"Ha?" Sagot ko nalang kay Jhoanna.

"Bakit ang lalim yata ng iniisip mo? Okay ka lang?" Tanong nya.

Tinignan ko lang sya, itatanong ko ba kung anong nasa isip ko? Nakaka curious kasi.

Baka may alam si Jhoanna kay Colet. And kay--
Kay Aiah.

"Jho, diba madami kayong business?" Panimula ko.

Jhoanna nodded "Oo bakit?"

"Eh diba madaming mayayaman dito sa Ridge?"

Tumango ulit sya.

"Tapos kilala mo din si Stacey."

"Oo, nagkakilala kami dahil sa family business event. And kilala ko din ang family nila Gwen, Sheena, Maloi, Colet and ni Aiah."

RED CARD | MIKHAIAH Where stories live. Discover now