Kung sa tingin mo ang kwento ng buhay ko ay katulad ng mga nababasa mo sa libro
NAGKAKA MALI KA!!!
Kung akala mo na ang buhay ko ay katulad ng napapanood mo sa TV at Movie na ma drama
NAGKAKAMALI KA!! at...
Kung sa tingin mo ang buhay ko ay mala Fairytail na ang bawat Prinsesa ay may nakakatuluyang Prinsepe
INUULIT KO!!
NAGKAKA MALI KA
Dahil ako ay simple at magandang dalaga lang na walang ibang hinangad kundi ang Payapa at Tahimik na Buhay
Na mas gugustuhin ang matulog sa silid at magbasa ng mga libro kaysa ang lumabas ng bahay at pag piyestahan ng mga chismosang kabit bahay na akala mo kinaulad ng kanilang buhayMas gugustuhin ko pang pag aralan ang Math na walang ibang hinahanap kundi ang value ng x
kaysa pakinggan ang opinion nila na sa buhay ko na akala mo may ambag sa buhay ko..."PERCYLITAAAAAAAAA ABA WALA KA BANG BALAK LUMABAS DIYAN SA KWARTO MO! TIRIK NA ANG ARAW BAKA GUSTO MO TUMULONG MAGLINIS NG BAHAY!!!" (halos takpan ko ng unan ang dalawa kong tenga sa maingay na sigaw ng Nanay ko,nagbubunganga na naman siya marahil ay kakauwi lang niya galing talipapa, tiningnan ko ang orasan at pasado alas nuebe na ng umaga at nakahilata pa din ako, bago pa siya sumigaw ulit ay tumayo na ako at niligpit ang aking higaan, nilagay ko muna ang aking libro sa ilalim ng aking unan saka ako lumabas ng kwarto)
(naabutan ko si nanay sa kusina at naghahanda na magluto)
"Umalis ako na makalat ang bahay, uuwi akong makalat pa din ang bahay"
"Ayy Aba Percy kababae mong tao ikaw dapat ang maaasahan ko sa ganitong bagay" (panenermon ni nanay habang nakatalikod sa akin at nakaharap sa hinihiwa niyang gulay, mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ito, siniksik ko pa ang aking mukha sa kanyang leeg kaya napahagikgik ito ng makiliti ito)
"Ang bango bango naman ng nanay ko"
"Magtigil ka nga Percy"
"Si Nanay ayaw na ng yakap ko" (napanguso pa ako at nagkunwaring malungkot)
"Lumubay ka Percy, magwalis ka at magligpit ng mga kalat"
"Ano po ang ulam natin Nay?" (naglalambing kong tanong) "Magluluto ako ng Sinigang na Hipon, request ng Tiya Isabel mo paparito sila ngayon kasama ang pamangkin ni Tiyo Lindo mo, kaya magligpit kana mamaya lang ay darating na sila"
"Opo Nay" (humalik muna ako sa pisngi niya, saka ko kinuha ang walis para makapag walis sa paligid ng matapos ay pumunta ako sa Sala para ibalik ang libro sa Estante kung saan ito dapat nakalagay) "Nay si Kuya nasaan?" (sigaw ko nang marinig ng aking Nanay nang hindi mapansin si Kuya sa paligid )
"Sinalubong niya ang Tiya Isabel mo sa labasan"
"So ikaw pala ang sinasabi ni Nanay na mag i stay dito sa bahay?" (napalingon ako sa pinto ng bumukas ito si Kuya Poratonato ito may kausap siyang binatilyo na may dalang malaking bag at sa likod nila ay Tiya Isabel)
"Nay andito na po sila Tiya Isabel"
"Nasa kusina si Nanay, Tiyaaa Isabel my beautiful at mabait na tita" (mabilis akong sumalubong sa kanya at niyakap ito, humalik ako sa kanyang Pisngi, kinuha ko din ang bitbit niyang bag)
"Tuloy po kayo Tiya" (umupo ito sa sofa katabi ang lalaki na kausap kanina ni Kuya Nato)
"Ang maganda kong pamangkin na hindi naman tumangkad" (napalabi ako ng marinig ang malakas na tawa ni Kuya at masama siyang tiningnan) "Oh bakit? si tiya kaya nagsabi na maliit ka" (natatawa niyabg sambitabilis kong hinagis ang unan na nasa sofa at hinagis sa kanya na nasali niya lang)
BINABASA MO ANG
My Little Girl
General FictionA petite heroine with a giant heart must confront her feelings and the secrets that bind her family. When Percylita Smith Arevalo , a fiery little lady, falls for her best friend's crush, she must choose between loyalty and love. Suppressing her fee...