Chapter 3

1 0 0
                                    

(Naghahanda si Kuya ng plato sa lamesa ng lumabas ako ng kwarto)

"Good Morning maupo kana at kumain" (pagbati ni Kuya kumuha pa ito ng baso at nagsalin ng gatas saka inabot sa akin) "Thank you Kuya, Good morning"

"WARREN Halika na dito kakain na tayo" (pagtawag din ni kuya wala pang ilang minuto ay lumabas na din ito ng kwarto na gaya ko ay naka uniform na din)

"Bagay sayo ang uniform mo" (puna ni Kuya napangiti naman si Warren) "Salamat, wala ka po bang pasok Kuya?"

"Sa susunod na buwan pa, ayy hala sige magsi upo na kayo at kumain"

"Kuya nasaan si Nanay?" (tanong ko ng hindi makita si Nanay, pinagsandukan ako ni Kuya ng fried rice hotdog and egg) "Salamat"

"Maaga siyang umalis paountang palengke,tinda daw kasi ngayon kaya panigurado maraming tao mamaya" (sagot nito kasabay ng pag asikaso niya sa amin ni Warren)

"Bilisan niyo na at baka malate kayo,dadaanan ba kayo ni Ayesha?"

"Sa school na kami magkikita para hindi sayang sa pamasahe" (sabay sabay kumain na kami at dito mas nakikita ko talaga ang pagiging Kuya ni Kuya Portonato mas lalo pag wala si Nanay)

"Ikaw Warren may Allowance ka pa ba pang abon"

"Meron pa Kuya, hindi rin naman ako masyadong gumagastos dahil lagi niyo sinasagot lahat"

"Pero kung kailangan mo sabihan mo kami ha, mas lalo kung kailangang kailangan dahil hindi naman agad agad ay makakapag padala si Tiya Isabel"

"Opo kuya salamat"

"Ako kuya hindi mo dadagdagan baon ko" (paglalambing ko kay Kuya nginitian ko pa siya ng pagkatamis tamis)

"Tsk. lumubay ka Percylita sobra sobra pa yang baon mo" (inirapan ko na lang siya, narinig ko pa ang mahiwagang tawa ni Warren sa gilid,mabilis kaming natapos sa pagkain, nagsipilyo muna ako bago kami sabay ni Warren umalis)

"Mag-ingat ha, Percy si Warren hindi pa niya kabisado ang lugar natin"

"Yeah pero kuya hindi naman baby si Warren, hindi maliligaw yan kaya niyang magtanong, right warren?" (natatawa namang tumango si Warren)

"Yeah, kaya ko huwag kang mag-alala Kuya Nato, saka pwede ko naman tawagan si Percy kung sakali"

"See matalino si Warren alam niya ang gagawin"

"Ang dami mong sinasabi umalis na kayo" (nilapitan pa ako ni Kuya at hinalikan sa noo) "Sige na study well" (yun lang at naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep)

"Alam mo na ba kung saang section ka? ilang section lang naman ang Grade 12 stem nasa apat lang"

"Hindi pa ang sabi ng principal ipapaskil naman daw yun doon ko na lang tingnan" (tumango naman ako bilang sagot, naglabas ako ng Bente pesos)

"Bayad po dalawa sa Don Montano lang po dalawang estudyante" (inabot naman ng babae ang pera at pinabot na lang sa harapan)

"Sa tapat lang po ng school" (dagdag ko) "Bakit binayaran mo pati ang akin?" (tanong niya kaya tiningnan ko siya) "Ikaw na lang bahala mamaya sa pamasahe natin pauwi" (tumango naman ito bilang sagot marami din kaming nakasabay na estudyante ng Don Montano)

My Little GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon