(Nagising ako ng maaga pero hindi ko na naabutan si Tiya Isabel maaga daw siyang umuwi,nag umagahan muna kami nila kuya bago kami nagpaalam kay Nanay na pupunta sa NBS para bumili ng gamit, nag commute na lang kami dahil hindi kami kasya sa motor ni Kuya Nato, malapit lang din naman ang NBS sa aming bahay at mabuti na lang ay hindi traffic kaya nakarating kami doon sa loob lamang ng anim na minuto, magkasabay lang kami na nakarating ni Ayesha)
"Percccyyyy" (napatingin pa ako sa paligid dahil pinagtinginan kami dahil sa sigaw ng babaeng ito,yumakap pa ito sa akin)
"Bruha ka na miss kita"
"Kamusta bakasyon mo?"
"Happy naman, Hi Kuya Nato" (napatingin ito kay Warren na hindi na nawala ang ngiti sa labi niya simula ng dumating ito kahapon sa bahay)
"So you're Warren?"
"Opo" (napanganga pa si Ayesha sa Sagot ni Warren kaya tinawanan siya ji Kuya Nato)
"Anong Opo do i look like oldyyy?" (nahihiya namang napakamot sa tungki ng ilong niya si Warren, cute)
"Tsk. I'm Ayesha by the way, oh please huwag mo akong pinopo or Opo I'm not old yet si Kuya Nato na lang matanda naman na yan" (ginulo lang ni Kuya ang buhok nito)
"Kuya Nato ano ba! not my hair"
"Gumaganda ka ha saan na pasalubong ko"
"Tsk magkapatid nga kayo, ohh"
"Ayun salamat Ayesha my girl" (masaya niyang tinanggap ang paper bag na pasalubong ni Ayesha, napasimangot pa ito ng akbayan pa siya si Kuya at hinila si Ayesha papasok ng National, napailing na lang ako sa kakulitan nila,nagtanguan naman kami ni Warren at sumunod sa dalawa)
"Diba gusto mo mag doctor?" (napalingon ako kay Warren ng magtanong ito, tumago naman ako nilingon din niya ako na nakangiti pa din, binalik ko ang tingin kala kuya na nagkukulitan)
"Yeah"
"Bakit naman yan ang gusto mong maging profession?"
"Para saan ba ang doctor?" (natigilan pa ito at nilingon ako kalaunan ay natawa kaya ganun din ako)
"Ewan ko sayo."
"Bakit? Yan ang isa sa mga pinagtataka ko sa mga tao pag magtatanong anong gusto mo maging tapos sasagot yung tinanong tapos laging kasunod na tanong bakit yan ang gusto mo? ang weird lang kasi" (muli naman siyang natawa)
"Sabagay tama ka naman"
"See. bakit gusto mo maging engineer? kasi gusto mag build ng mga bahay bakit yung iba gusto mag doctor? dahil gusto mang gamot ng may sakit yung iba bakit teacher? dahil gusto mag turo, mindset na lang papairalin ewan ko ba sa mga pilipino bakit nagtatanong ng pang bobong tanong sorry sa word ha"
"HAHAHAHAHA My point ka naman doon pero minsan kung bakit nagtatanong ang tao ng ganun dahil gusto nila malaman ang mas malalim na dahilan" (nakukuha ko naman ang point niya)
"For example ako bakit ko gusto maging Engineer kasi gusto ko gumawa ng bahay na ako mismo ay masisigurado kong safe ang mga client ko, gusto ko yung bahay na titirhan nila hindi lang nila pangarap na bahay kundi ligtas din na baha."
"Isa pa sa mga dahilan ko, gusto kong makatulong sa mga client ko someday na matupad nila ang dream house nila" (pagpa paliwanag niya nagkibit balikat na lang ako sa kanya,kaya natawa siya sa reaksyon ko, kaya napabuntong hininga ako, binaling ko ang tingin kay Ayesha at Kuya)
"Hindi lahat ng bagay kailangan ng malalim na dahilan. minsan kailangan lang talaga nating makontento sa simpleng dahilan o kasagutan"
"Ang lalim mo talaga ano. para kang libro" (napatingin naman ako sa kanya at ramdam ko ang pagsalubong ng aking kilay)
BINABASA MO ANG
My Little Girl
General FictionA petite heroine with a giant heart must confront her feelings and the secrets that bind her family. When Percylita Smith Arevalo , a fiery little lady, falls for her best friend's crush, she must choose between loyalty and love. Suppressing her fee...