After ko madischarge tumuloy na ako sa bahay ng manugang ko at thankful ako kasi dun na ako titira makakasama ko na ang bf ko mayayakap ko na ahhahaha

Dati kasipuro lang kami video call at di masyado nagkikita kaya pinangarap ko din yun

At thankful ako sa pagaasikaso ng mother in law and brother and sister in law ko kasi tinutulungan nila ako sa paghuhugas ng katawan ko pagasikaso sa tahi ko
Pagasikaso kay baby pinapaliguan, inaalagaan.

At that time din may pension si nanay yung manugang ko at nakakapagluto pa sila ng masasarap na pagkain
And i dont have any reaction with that
Pero nung tumagal na
Naging 4 months na si baby naubos ang pension niya

Naiiwan ako sa bahay na walang pagkain kaya kapag dumede sakin si baby gutom na gutom ako kahit unti lang ang gatas na lumalabas sakin pinapadede ko padin kasi iyak na ng iyak si baby

Gabi na dumadating si nanay at dun lang kami nakakakain

Sobrang hirap ng ganun na gabi pa ako nakakakain
At ang baby ko  gutom din kasi ako gutom din

Kapag bagong panganak ka pala maiisip mo na sakalin nalang or patayin nalang siya para tapos nadin ang paghihirap mo pero hindi eh anak mo siya eh pinili mo iluwal siya kaya wala kang magagawa kundi alagaan siya at mahalin.

Sobra din kaming hirap sa buhay nun dahil wala pang permanent work ang daddy ni baby kaya umaasa kami sa ulam na binibili ni nanay pero kasi para sakin kulang pa yun dahil nagpapadede ako mahirap sakin kumain ng isang ulam lang minsan ang ulam ay dalawang maliit na galunggong lang kaya hindi ako masyado nabubusog kaya hirap na hirap ako kapag nagpapadede
At kapag tapos na ako pa breast feed nagugutom ako
Wala man ako magawa kasi wala ng ulam.

Mother in Law Where stories live. Discover now