Nung 5 months na si baby naisipan kong itigil na siya sa breastfeed dahil alam ko di na siya nabubusog duon dahil nga unti lang din lagi ang kinakain ko
Nung first day ayaw niya hanggang sa mag isang linggo ayaw niya talaga kaya ang ginawa ko dinadrops ko siya tinatry ko para maging pamilyar lang siya lasa at pagkatapos nun nilalagyan ko ng patak ng gatas yung suso ko para maging pamilyar ulit siya
Hanggang sa una muna breast feed then papatakan k na yung breast ko ng dede at yun dun an siya dedede.Effective din yung ganung way para malipat niyo sa bote yung mga breastfeed baby.
Hanggang sa masanay na siya sa lasa ng bearbrand kaya dun na din siya dumedede
And nagdecide na kami ng daddy na bibili nalang kami ng sariling food namin para din di na kami makadagdag sa gastusin nila nanay kasi naintindihan naman na wala na tlga silang pera paextra extra nalang talaga siya eh kaya ganun
Nagkanya kanya na kami sa food para hindi na makapagreklamo na nagugutom pa kasi wala ng pagkain na natira
Kaya pinagkakasya namin yung 300 ni daddy a day sa pagtuturo ng tennis at minsan wala pa sa 300
Kaya sobrang hirap talaga maging batang ina di mo alam kung san ka kukuha ng pera
At thankful din naman ako kasi minsan si mama ko na ang nagproprovide ng pagdiaper ni baby that time saka yung nestogen
Kaso simula nung nag 7 months na siya yung yung isang plastic ng nestogen hanggang 3 days lang ni baby kaya nahihiya na din ako humingi ng humingi kay mama ng panggatas.
YOU ARE READING
Mother in Law
Short StoryTungkol ito sa Mother in Law ng mga babae na maagang nabuntis at kung anong naging situation ni girl. I just want to share lang kung anong nafefeel ko at nangyayare sa bahay Its a short story so if you want to share your's , you're free to comment...