Meliz Pov"Ano ba ang pumasok sa brain mo at sinama mo pa ako sa kalokohan mo. Pumayag akong sumama sayo kasi akala ko inimbitahan ka" sabi ko
"Shhhh shhh quiet quiet, apaka OA mo sayang yung outfit natin oh, nakabihis ka na tayo kaya ituloy na lang natin toh okay" sabi ni Ana with matching sign na index finger sa labi para patahimikin ako.
"Aray aray huwag Ka ngang malikot mahuhulog ako"
"Bebe Liz please stop complaining naghahanap ako ng pwesto na pagbababaan natin"
Kung tinatanong nyo kung nasan kami nandito kami lang naman kami sa backyard ng bahay nila Nicholai pasilip silip kami kung may tao. At kung walang tao doon kami tatalon mababa lang naman yung bakod nila keri namin talunan. Infairness sa kaibigan ko nagdala pa talaga ng hagdan. Talagang sinigurado nya na makakapasok kaming talaga, kaso in a bad way. Mamaya nyan mahuli kami dito lagot ako kay mommy Kasi nag oover the bakod kami.
"Dito beb oh madaling talunan, dito na tayo bumaba"
"Okay sige, dahan dahan baka madula-" may nairinig akong parang nahulog, tinignan ko si Ana nakaluhod. Nahulog nga ang babaita. Kakasabi ko palang.
"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko
"Obvious ba nagdadasal" Sabi nya
"Owww madasalin ka pala" natatawang sabi ko
"Sige tawa ka pa, kapag ikaw nadulas din sasabunutan kita" Sabi nya.
Mahilig talaga kaming maging brutal ng kaibigan ko noh. Napailing nalang ako sa isipang iyon.
"Pano yung hagdan sa labas?" tanong ko ulit
"Hayaan mo na yoon kukuhanin ng guard"
"Huh? Anong kukuhanin ng guard at sinong guard?"
"Yung guard sa bahay nila Nicholai, nakita ko kanina tapos sinabihan ko pakikuha nalang at ilagay sa tabi ng kotse ko na itinuro ko sa kanya."
"Teka nga teka nga ba't pa tayo nagpakahirap umakyat sa bakod kung alam na ng guard na papasok tayo dito sa bahay nila Nicholai?"
"Ah eh nagtanong kasi ako kay kuyang guard kung pwedeng pumasok sa party, sabi nya oo kasi wala naman daw invitation na binibigay si Nicholai at open pala for everyone itong party nya hehehhe" Ana said at napatampal na lang ako sa noo ko. Oh my gosh this friend of mine nakakaloka. Kaya minsan gusto ko syang kaltukan, iba din ang topak.
"Hey bebe Liz kaya umakyat pa tayo ng hagdan its because I want it to be exciting and ang saya pala, first time ko HAHAHHA" napatingin ako kay Ana in disbelief at seryosong sinabi.
"Ito din first time mong makakatikim ng sampal sakin. Halika dito!"
"Wait naman beb mabigat yang kamay mo, masakit yan waaaaa!" tiling sabi nya at kumaripas ng takbo.
Nakarating nga kami sa harap ng bahay nila Nicholai at napakulay nito dahil sa mga ilaw na ibat ibang kulay tsaka mga pagkain at inuman na tiyak ko masarap. Bongga talaga magpaparty ang mayayaman. Tapos yung pool there's a lot of balloons that really make the area more beautiful.
"See, kung hindi ka sumama sakin you won't experience this once in a lifetime party"
"Kung hindi ako sumama sayo edi sana natutulog na ako ng mahimbig at hindi sana ako nagpakapagod umakyat ng bakod. Tsaka laging may party akong nararanasan kapag sumasama Ako sa mommy at daddy ko" sabi ko sa kanya
"Ito naman minsan lang mauto ayaw pa, tara doon oh nandoon si Nicholai" turo nya sa isang grupo sa gilid malapit sa pool.
"Teka puro lalaki nandoon, baka masira lang natin pagkwekwentuhan nila. Tumingin ka nalang mula sa malayo"
YOU ARE READING
Her Story
RomanceNot your typical college love story A writer girl who fell in love to the male lead character of her story. #Romance #Baddass #Kind Heart