Five days later
Meliz Pove
*Yawn 🥱
Nandito ako ngayon sa library ng school. Kumukuha ako ng libro na gagamitin ko para sa class mamaya. May quiz kasi kami ngayon kaya nandito ako ngayon sa library para magreview. Actually hindi naman talaga ako pala aral, okay lang sakin if makakuha ako ng 2.50, but I need to study kasi malalagot na ako kay mommy and daddy kasi nung nakaraang sem super duper baba ko at muntik nang bumagsak. I don't have a choice kaya nandito ako.
Naibaba ko na yung mga libro sa table at inumpisahan ko na ngang magbasa. While reading, merong nahulog na libro sa ulo ko and that hurt. Tumingin ako sa uluhan ko and sa likod ko then I saw Dylan with Lilia. Now they are together in front of me. Buset ngayon pa naisipan na mantrip ng lalaki na ito. Humarap ako sa kanila, tapos nakita ko si Lilia na pinapagalitan nya si Dylan.
"Why did you do that?" Medyo masungit na sabi ni Lilia pero mukha pa rin syang mabait
"Wala lang, akala ko kasi patungan ng libro" sabi ni Dylan na natatawa
Sinamaan ko naman sya ng tingin. Sumusobra ka na talagang lalaki ka, sabi ko sa mga tingin ko.
"Say sorry to her" sabi ni Lilia
"Sorry, di ko sadyang mapagkamalang lamesa ka" Dylan said
"Dylan!" nananaway na sabi ni Lilia
Inirapan ko na lang sya at kinuha na yung mga libro na binabasa ko at lumipat ng lamesa. Kasakit talaga nila sa mata, para silang sore eyes. Sa harapan ko pa napiling maglampungan Hmmmm.
Pagkaalis ko doon sa table na yoon. Doon naman nila napiling umupo. Tumingin ako sa kanila ulit at nakita si Lilia na tumingin sakin na mukhang nagsosorry. Ngumiti naman ako sa kanya. Pagkatapos kong ngumiti, pinagpatuloy ko na yung pagbabasa ko. Sakto namang pumasok si Nicholai sa library and to my surprise kasama nya si Ana.
Iba din si girl, magaling dumamoves. Nakita naman ako ni Ana at kumaway sya sakin. I just nodded in response to her. Nakakunot din yung noo nya nagtataka siguro kung bakit nandito ako sa library. Pagkatapos nya akong batiin umupo na sila kung nasan sila Lilia. Hindi ako binati ni Nicholai dahil siguro hindi nya ako nakita.
Bumalik ulit ako sa pagbabasa ng libro nanag pumasok naman yung mga kaibigan ni Dylan which are Justin and Miguel. Wow dito pa talaga nila napiling tumambay, sama sama sila eh.
Tumingin ako sa kanila and then tumingin ako sa bibig ni Lilia para alamin kung anong sinasabi nya sa kanila. Ayon sa sinasabi nya mukhang nandito sila to have group study and ang mukhang tutulong para magturo ng tahimik ay sila Lilia and Nicholai. Sila lang Naman ang masipag mag aral, yung tatlong lalaki at si Ana puro kalokohan lang ang alam.
I know Ana doesn't want to study either pero dahil siguro nakita nya na mag aaral si Nicholai ay sumama na rin. Si Dylan titig na titig lang kay Lilia habang nagsasalita ito ng pabulong and also Ana is looking at Nicholai intently. Huhuhu grabe sila, di ako binelong, mag isa lang ako dito oh.
Hindi na ako nakapagpigil at lumabas na lang ako ng library. Pupunta na lang akong sa cafeteria. Nakita ko pa na tumingin sa akin si Dylan bago ako umalis.
Pagpasok ko sa cafeteria, sinalubong ako ng maiingay na mga istudyante. Maaga pa lang ah, bakit sobrang ingay at daming tao na dito. Nakita ko naman kung bakit maingay ang cafeteria kahit kaaga pa. Yoon pala ay may nag aaway, lumapit ako sa kanila and then I saw the b*tches of the school. Kaaway nila yung mga babaeng taekwondo student. Wala pang prof na pumipigil sa kanila, mukhang marami silang masisira na gamit dito. Kaming istudyante na gustong maki chismis ay nakapalibot sa kanila, ang iba naman ay nagchecheer pa.
YOU ARE READING
Her Story
RomanceNot your typical college love story A writer girl who fell in love to the male lead character of her story. #Romance #Baddass #Kind Heart