Magiliw niyang iniwan ang salamin at tiningnan na muli ang kaniyang schedule. Matapos isuot ang uniform ay hindi na siya nag-abala pang mag-ayos ng mukha o sarili dahil hindi niya iyon alam at hindi siya marunong.
"Orientation..." Basa niya sa schedule. Iyon ang dapat niyang mahabol at gaganapin iyon mamayang gabi. Sa ngayon siguro'y mag-aayos na muna siya sa kaniyang silid. Hindi pa siya handang makasalubong ang iba pang nilalang na mantitrip sa kaniya, sapat na muna iyong nangyari kanina. Baka hindi niya na kayanin sa susunod.
Dumating na nga ang gabi. Naayos na ang kaniyang silid at kinakabahan niyang tinahak ang pasilyo patungo sa dining hall kung saan sabay-sabay na kakain ang mga estudyante at kung saan magaganap ang orientation. Matunog ang kaniyang boots, at kung hindi siya nagpraktis na maglakad sa kaniyang silid paniguradong ilang beses na siyang natumba. Ito ang unang beses na nakasuot siya ng boots, ito ang magiging simula ng kaniyang mga una.
Marami na ang estudyante sa paligid, nagkakagulo at halata mong papunta na rin sa hall. Nakayuko lamang siya at mahigpit na kinukurot ang kaniyang kapa habang naglalakad. Gusto niya na lamang lamunin ng lupa sa hiya dahil lahat ng madaanan niya'y napapahinto sa kanilang ginagawa at napapalingon sa kaniya. Anuman ang ginagawa nito, importante man ay nahihinto makalingon lamang sa kaniya.
"A transferee?"
"A freshman or what? Sophomore? Imposible sa Junior, wala s'ya sa lista ko."
"Too fragile and small. Looking new, probably, a freshman."Masyado iyong weird at literal siyang napapalunok dahil hindi maganda ang tingin ng mga babae sa kaniya habang ang mga lalaki naman ay nakataas ang kilay at malalawak ang ngiti. Mabilis siyang naglakad patungo sa dining hall gamit ang mapa sa kaniyang ala-ala. Maigi siyang sumunod sa ibang estudyanteng patungo rin doon, at maging ang mga nasusundan niya'y napapahinto rin at napapalingon sa kaniya, ang iba'y nagbibigay pa sa kaniya ng daan.
"Wait, look at her."
"Human? Eh? Dinig ko'y welcome na ang mga tao dito."
"Excuse me, almost half of the population in this Academy are human students. Of course, she's more than welcome.""Bloody, welcome. Tingnan lang natin kung makatagal."
Weird. They're all acting and talking weird. Ang iba'y halata mo ang pagka disgusto lalo na ang mga babae. Nagbubulongan pa ito kung makakatagal daw ba s'ya. Parang may mga balak pa itong subukan kung hanggang saan siya aabot at alam ng kalangitan kung paano tumambol na parang bombo ang kaniyang dibdib.
Ang mga lalaki naman ay hindi na lang nagsasalita, ang mga mata nito'y nagpapakita ng interes at mas nakakatakot iyon kaysa sa mga babaeng nagpapakita ng inis at disgusto. Normal lang ba ang lahat ng ito? Normal lang?
Saka niya naalala si Gustavo;
"Your looks could make one freeze from his spot. No joke, ethereal goddess. Unang kita ko nga sa'yo nakalimutan ko ang sarili ko."
"Hibang ka, Gustavo."
"Pwede. Pero seryoso, ang sinumang makakita sa'yo'y mapapahinto at mapapaamo. Proven and tested, hindi ka sinasakmal ng mga hayop sa gubat. Napapaamo mo talaga sila."
Are these people perhaps acting weird because of the reason Gustavo said to her? O baka normal lang din sa mga itong tumitig sa mga baguhan? Malamang siguro dahil bagong mukha siya, bagong salta ay mapapahinto ang mga ito upang imbestigahan siya.
Kahit nakakapagod at ilang beses siyang kamuntik na mabuwal ay tinahak niya ang hagdan pababa. Ilang estudyante pa ang nadaanan niya bago tuluyang nakarating sa hall at lahat ng ito'y napapahinto sa kanilang ginagawa at napapalingon sa kaniya.
Hindi niya na lamang ito pinapansin at mas piniling sumunod sa karamihan. Isang napakalaking hall ang pinasok nila. Literal siyang napanganga at napatingala dahil sa kakaibang lugar. Higit itong magara kaysa kaniyang silid, masyado iyong mamahalin at sa tingin niya'y bawat sulok ng lugar ay sampung bahay sa Collis Vermilla ang halaga.
Napanganga pa siya sa ayos ng lugar. Masyado itong organized at umabot pa sa puntong bawat ranggo ang pwesto. Staffs ang pinakamataas, sinusundan ito ng Royal students, Nobles, Elites at Commoners.
Mula sa kaniyang kinatatayuan ay mayroon isang mas mataas na lugar, nakapaskil doon ang elite. Ibig sabihin siguro'y sa mga elite ang pwesto na iyon, meaning ang kinatatayuan niya ay para sa nga commoner na tulad niya. Mayroon pang mas mataas na lugar, isang hagdan pa at Nobles naman ang nakalagay. Dapat ba'y doon siya? Sa sumunod na taas naman ay Royal students, pagkatapos ay Staffs. Sa pwesto ng Staffs ay ang mga opisyal ng Akademya, mga guro at iba pang may matataas na ranggo.
Bigla tuloy siyang nalito kung saan uupo. Isang babaeng may sungay ang kumublit sa kaniyang tagiliran.
"Uupo po ba kayo o sa nobles kayo?" Tanong nito.
Kumurap-kurap siya, "E-eh?" Sana naman ay huwag nitong isiping tanga siya dahil sa kaniyang tanong. Nakakahiyang tanga lang ang noble kuno na marami ang hindi alam. Kung tutuusin ay wala nga siyang alam sa Akademya.
"Ang iyong kapa ay kabilang sa ranggo ng mga noble. Doon po ba kayo sa mesa nila makikisalo o dito sa lugar ng mga commoner?"
Mabilis na napalingon si Celestial sa mesa ng mga noble. Baka pagalitan siya kung hindi siya doon makisalo. Akma na sana siyang pupunta doon nang makita niya ang anim na nobles nang-away sa kaniya sa corridor. Awtomatikong napaurong ang kaniyang mga paa at napaupo sa lugar ng mga commoner. Ganoon siya kadaling natiklop, nakita niya lamang ang anim ay tila gusto niya nang umuwi.
Mas lalo pang dumagdag ang kaniyang kaba nang humalo rin ang Archduke ng Abyss. At literal na nahinto ang lahat upang panuorin ang Archduke na makihalo sa mga noble.
The Archduke! Archduke Chalcedony is a student here!
"Ah right, he's too troublesome to be placed in the Royal section. His rank was lowered. Inilagay siya sa mga noble."
"Isn't he gorgeous? Gosh, those horns are sexy!"
"Archduke Chalcedony is still the best. He's soon to be the emperor and Abyss will be the main land of Beryllus!"
Hindi parin nawawala ang mga taga-hanga. Walang nakapwesto sa Royals. Bale ang pinakamataas na hinahangaan nila'y galing sa mga nobles, ang mga bully at ang Archduke. Literal naman talagang kumikinang si Archduke Chalcedony, halata mong dugong Maharlika.
Napailing-iling na lamang si Celestial. Ngayon ay mas lalong hindi niya na alam kung paano magpapatuloy. It's like she had seen her doom flags waving at her. She's really doomed!
Naupo na lamang siya kasama ang mga commoner at doon nakikain. Ibang-iba nga talagang kumain ang commoner sa mga may ranggo. At tingin niya'y hindi niya kakayaning makibilang sa mga matataas ang ranggo, baka manliit siya ng sobra. Sa gitna ng kanilang paglantak sa masasarap na pagkain ay naagaw ang kanilang atensyon nang mayroong magsalita sa unahan.
Isang lalaking guro. At hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang kadilim ang aura na kaniyang naramdaman. She feels like she just met her first doom, like her literal near to death aura. What the heck is this feeling?
"Good evening, students."
BINABASA MO ANG
LEGENDS: Unleashing (Season, #2) ✔️
FantasíaCelestial Beryl's life takes a dark turn when she joins Abyss's most prestigious academy. Through brutal, traumatizing training, her dormant demon awakens, transforming the once-pure town girl into the feared monster she never imagined she'd become...