Season 2 - Chapter 35: Extreme Anger

597 31 1
                                    

She stood for a moment and slowly opened her eyes to adjust. She doesn't need her sight anymore, but she wants to see how she would fucking kill that bastard. Gusto niyang makita ang hirap nito habang ipinaparanas niya ang mga naranasan niya dito. She opened her eyes only to see the bastard talking to an old man.

Napahinto siya sa pinto ng basement nang makita si Runcho sa pinto ng bahay, may kinakausap itong matanda. Dahan-dahan siyang lumapit doon, magsaksakan na kung magsaksakan, handa na siyang pumatay ngayon.

"Ma-master..." Tawag ni Runcho sa matanda. Mabilis siyang napahinto, inaabsorb ang kaniyang nakikita.

"Master?" Taka niyang tanong. Bakit may ibang tinatawag na guro ang baliw niyang guro? "Master Runcho?" She whispered like a psychopath. Gusto niyang masuka nang maalala ang mga araw na gano'n ang tawag niya sa baliw na ito.

"Runcho," tinig iyon ng matanda. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong hindi na kita estudyante, at hindi kita pinahihintulutang manatili sa lugar na ito."

"G-guro..." Garalgal ang tinig ni Runcho.

Tuluyan siyang napahinto, mukhang may hindi magandang nangyayari. May mali sa nangyayari.

"Wala akong estudyanteng kriminal, umalis ka na." Saad pa ng matanda. Ganoon na lamang siya natigalgal nang napalingon sa kaniya ang matanda, bumakas sa mukha nito ang gulat at awa nang makita ang kaniyang kalagayan. "At kumupkop ka na naman ng batang magiging biktima mo, sinasabi ko saiyo, huwag mong dungisan ang tahanan ko!"

Ano? Teka, ano 'to? Anong nangyayari? Sabay na napalingon sa kaniya ang dalawa. Ganoon na lamang bumakas ang galit sa mukha ng matanda habang nagliwanag ang mukha ni Runcho, animo'y natuwa sa kaniyang pagdating. A fucking real life psychopath.

"Little star, come here," anyaya nito sa kaniya ngunit hindi siya sumunod. Ni hindi siya kumilos.

Ngumiti na lamang si Runcho at lumingon sa matanda. "Guro, siya iyong batang galing sa Akademya. Pasensya na, hindi ko agad naibalita saiyo." Tuwang-tuwa nitong kwento, "Guro, pinag-ensayo ko siya higit pa sa pag-ensayo mo sa akin noon at nakatagal siya."

"Runcho." Hindi na mabasa ang reaksyon ng matanda, animo'y halo-halong emosyon ang nararamdaman, "Langit patawarin ako." Saad pa nito at yumuko sa kalangitan bago muling lumingon kay Runcho. "Itinago mo sa akin na magpapadala ulit ang Akademya ng batang ieensayo! Itinago mo ang lahat ng ito sa akin, bakit?"

"Guro, ginawa ko na ang parte niyo! Hayaan niyo akong manatili dito!" Itinaas pa ni Runcho ang kamay na animo'y sumusuko.

"Lumayas ka! Hindi ako nagtuturo para pumatay kaya hindi kita mag-aaral!"

What is happening? What the fuck is this? Her anger rose, she trembled in extreme anger, she's going crazy, the madness she's feeling is on another level. Her breathing became rapid, her grip tightened. This is so fucked up. These past three months, hindi opisyal ang kaniyang tagapagsanay? All those sufferings, all those pain and agony day and night, all those tears and torture she experienced— all of that from a fake master?

She feels like a fool, a total stupid person. She was fooled, halos malagutan siya ng hininga sa mga pagsusulit na dinaanan niya tapos hindi pala iyon ang kaniyang guro? Naranasan niya kung paano mabuhay ng pinapatay, pagkatapos ay nasa maling kamay pala siya? Kaya pala ganoon, kaya pala unang araw pa lamang ay hindi na maganda ang kaniyang pakiramdam. Napunta siya sa maling tagapagsanay, ang tunay niya dapat na guro ay ang matandang walang kaalam-alam sa kaniyang pagdating.

"Lumayas ka na!" Umalingawngaw ang galit na tinig ng matanda.

"Haaahh, master..." Iyon na naman ang tinig na iyon ni Runcho. Now he sounded like a total psycho again. "I've not eaten her because she's too good. She passed all my exams. Kinakatay at kinakain ko lang ang mga hindi nakakapasa, nakapagtatakang naipasa niya lahat maging ang mga hindi ko naipasa noon."

"Runcho..."

"Look, this kid is a monster. I need to kill her or she'll dominate the Abyss! It's for everyone's sake, I will eat her—"

Isang hampas ang ginawa ng matanda at tumilapon si Runcho sa loob ng bahay, nawasak ang binanggaan nitong pader at lumusot pa ito hanggang sa kabilang bahagi ng bahay. Sumigaw ang matanda. "Lumayas ka! Hindi kita nakikilala!"

Mabilis na tumayo si Runcho, nagpagpag ng sarili atsaka dumila, pagkatapos ay ngumisi na halata mong umuusok na sa galit. "Haaaaahh... kumukulo ang dugo ko! Gusto kong pumatay! Kumukulo ang dugo ko! Ibigay mo sa akin ang bata!"

And with that, Runcho flinched towards her. Ngunit mabilis ang matanda, mabilis siya nitong naitapon palayo. Bumagsak siya sa lupa, paglingon niya'y naglalaban ang dalawa. Tumakbo si Runcho sa loob ng tahanan, sumunod ang matanda at ang sumunod na nangyari ay nawasak ang tahanan, tumilapon ang matanda at lumabas si Runcho na may hawak na scroll.

Pasikretong ninakaw ni Runcho ang scroll ng kanilang guro para i-master ang "one-fist", isang technique kung saan maaari kang manalo ng walang hirap sa isang laban gamit lamang ang isang kamay.

"Runcho!" Sigaw ng matanda at umubo ng dugo. Hindi nito inasahan ang ginawa ni Runcho, paniguradong hindi nito inakalang nanakawin ng lalaki ang scroll na iyon. Tinamaan sa dibdib ang matanda, hindi kaagad ito nakabawi dahil one-fist ang ginamit na technique ni Runcho.

Sa isang iglap ay nasa harapan na ni Celestial ang baliw na lalaki, walang pasabi siya nitong hinablot. "This kid is mine to eat!"

"Bitawan mo siya!" The old man tried to flicker to encroach her but it was too late.

Runcho leaped away while carrying her. Just then, Runcho did something she immediately understood. He's making his dimension, a bigger one with high quality barriers. The edge began to scatter, the walls began to built up and only the two of them were trapping inside.

Sumigaw na lamang ang matanda at humabol sa kanila, "Huwag mong hahayaang makain ka niya! Labanan mo siya hanggang sa mabasag ko ang kaniyang dimensyon! Huwag mong ibibigay ang iyong sarili, lumaban ka! Anuman ang natutunan mo, gamitin mo!"

What the hell is happening?

"Lumaban ka!" Sigaw na muli ng matanda.

Binitawan siya ni Runcho, sa mabilis na pagkilos ay may hand sign itong ginawa na agad niyang natandaan. Pagkatapos ay hinipan nito ang nabuong daliri, ngumisi sa kaniya pagkatapos ay sumigaw.

"INFINITE DIMENSION!"

Just then a thicker wall built around the edges, everything disappeared and only the two of them was at the place. The walls grew wider and the background became dark, suddenly, she couldn't move the way she wants to. She's inside his dimension.

She just smirked and looked at her fake master. He finally built up his wide, strong and infinite dimension. But she just stood there coalescing his psycho aura. They look like psychos ready to devour each other.

Just then, for the first time again in her life after those weeps, her lips extended creating the creepiest smirk ever. Her eyes gone wider, like a creepy villain, she put her bloody hands on her face to hide the most evil smirk in the history that only her can do.

So, Infinite dimension huh. Aaahhhh~ her blood is boiling too, with extreme anger.

LEGENDS: Unleashing (Season, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon