The Sprint Of Survival

72 7 0
                                    

That was so massive that she clenched her jaw in aggression. Sinalubong niya ang napakalaking troso na patungo sa kaniya, wala siyang balak na umiwas, kung iiwas siya'y mababawasan ang oras niya patungo sa kaniyang Ina. She just wants to take the straight direction lucidly.

"Ma!"

"Anak!"

"Hindi mo na siya maabutan! Sumuko ka na!"

Just then, a loud bang thundered the forest. Sinalubong niya lang naman ng isang malakas na sipa ang trosong lumipad tungo sa kaniya. Pagkatapos ay umikot-ikot siya sa ere upang iwasan ang mga punyal patungo sa kaniyang direksyon at hinablot ang mga pana sa ere na lumampas sa kaniya.

"You will lose your mom!"

Her eyes got teary, "No!"

Mula sa kaniyang vision ay bumagsak na ang kaniyang Ina, itinaas nito ang kamay upang abutin siya. Naghuramentado na siya, triple pa sa triple ang kaniyang bilis pag-akyat ng bundok. She's depressed, she's desperate to save her mom.

"You will lose your mom!"

She lend her hand in the air, "Ma!"

Just then, isang palaso ang tumama sa kaniyang braso. Tumilapon siya dahil nabanggaan siya ng panibagong troso. Bumagsak siya sa lupa at hindi kaagad siya nakakilos upang tumayo.

"You lack focus! Madali ka pang mapatumba! Focus, huwag kang magpapadala sa emosyon mo!" Sigaw ng tinig, "Kapag nakita mo palang ganoon ang Mama mo'y mawawala ka sa katinuan? That's exactly the time where your enemies will attack you! So focus!"

"Ma!" She desperately yelled.

With all her strength, she stood up. And on her mark, she focused on her mom. Upon the flying daggers paving her direction, against the big logs approaching her, the stones being thrown at her direction, the knives and arrows hovering her post, all of those things slowed in the air when she aim for a sprint.

"You can't take...my mom away from me!"

Just then, she extended her might, flexed to her extent for a massive flicker and sprint.

"Ililigtas ko ang mama ko!"

From that moment, she disappeared on her post like the wind. All the hovering things approaching her met each other, it created a clashing sound. But she doesn't care for she was not there anymore, she's already at the summit reaching the hand of her mom.

"Ma!"

She made a big jump to reach her mom, she saw her bright smile and her tears fell as if it was snow amidst summer.

"You did very well..." Her mom mouthed her.

"Haaa!" She yelled and extended more of her to reach her mom, but before she could finally hold her hand, Almira disappeared along exactly the moment her tears reached the land, "MAMA!"

Bumagsak siya sa lupa, hindi niya napigilang umiyak. She misses her mom so bad, she feels so empty, now that she has seen her again...it feels like the hole of her heart extended more. She's not contented with that smile, she wants to see her, to hug her so bad. Sobrang hirap malayo sa magulang mo, lalo na kung siya nalang ang natitira sa buhay mo.

She felt a tap on her shoulder, she immediately wiped her tears and stood up as if nothing happened. Nakangiti ang kaniyang guro sa kaniya, and there she realized...it was already dark.

"Look at what you've done." Saad nito at itinuro ang gubat. "Inabot ka na ng hatinggabi, gaano mo ba kagustong mabayaran ang mga utang mo...o makita ang nanay mo?"

Ganoon na lamang nagsitayuan ang mga buhok niya sa katawan nang makita kung paano nadurog ang mga patibong doon. Kung paano pati ang ibang puno ay nabuwal sa kani-kanilang pwesto, ang iba'y tumba, ang iba'y nahati, at ang iba'y lumuwa ang ugat.

"You have no idea what you could do. Do you know what you did out there for 100 times?"

What?

"Hindi mo rin alam na isang daang beses mong inulit ang pagtaas-baba mo. Kid, you need to wake up while doing something like that. It's amazing!" Humalakhak pa ito, "Bawi ka na sa mga utang mo."

Now she just wanted to cry again. 100 na beses niya iyong ginawa nang hindi niya namamalayan? She was on fire, too ignited that whatever she did in that forest did not matter anymore. Parang binagyo ang gubat, hindi niya iyon magagawa sa isang beses, ibig sabihin ay paulit-ulit niya nga iyong ginawa.

She's desperate to see her mom.

"Congratulations, you passed the first month. Call me Runcho. I will call you my student." Saad ng kanyang guro at hinawakan ang ulo niya, "For this upcoming month, may bago akong pagsubok."

Huminga siya ng malalim. Hindi pa nga siya nakaka get over sa ginawa niya ay may bago na naman. And by the way, what the hell happened? Nasa ilalim ba siya ng illusion ng kaniyang guro o ginawa niya iyong lahat ng mano-mano?

Naglakad na si Runcho patungo sa bahay at maigi siyang sumunod. Hindi na rin gaanong sumasakit ang katawan niya, nasanay na siya.

"May mga bagay na hindi inasahang mangyari. May mga bagay na biglang nawawala, at talagang mahihirapan tayo kung ang bagay na nawala ay mahalaga. So we need to prevent, prepare before it happens."

Nanatili lamang siyang tahimik, iniisip kung ano'ng sunod na ipapagawa sa kaniya.

"What is the most important sense to you right now?"

She looked at him with wide eyes, "I—I don't know, sir."

"Well, what do you think?"

Lahat naman mahalaga sa kaniya. Pero siguro'y mata, dahil mahihirapan siya kung hindi na siya makakakita.

"Eyes? It would be so hard if you couldn't see anything..."

Tumango si Runcho, "What if your eyes was taken away from you?"

Ganoon na lamang siya napahinto, "What?"

"Your body is getting used with the pain. You are surviving because you can see. You need to stop depending on your sight. This time, you will not use your eyes. Your sense of feeling, touch, and hearing will work together in able for you to survive. Because this whole month, you'll lose your sight."

"What?"

Ganoon na lamang siya nagimbal. Tatanggalan ba siya ng mata?

"Nah, hindi ko pa dudukutin ang mga mata mo..."

Ano raw?

"You'll get through the forest day and night...with your eyes blindfolded. Let's see if you can survive."

LEGENDS: Unleashing (Season, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon