A/N: I want to inform you guys that this story is unedited, meaning it is still raw. Please, bear with me if I write not meeting your standards and expectations. Spread love and positivity! 🥰🫶🏼
"What is Love? ano ba ang pag-ibig para sa'yo?"
Iyan ang tanong sa amin ng aming professor sa Pilosopiya. Hindi ko alam kung bakit napadpad ang aming lesson sa tanong na iyan.
Huling klase ko ngayon bago ang uwian namin at wala ni isa sa amin ang gustong magtaas ng kamay at mag-volunteer para sa tanong ni Mr. Garcia. Halos lahat sa aking mga kaklase ay tulala at may mga sarili nang mundo na, sabagay, hindi ko naman sila masisisi dahil talaga namang nakakaantok ang subject na ito lalo na at alas-tres hanggang alas-kwatro y media namin tini-take ang subject ni Mr. Garcia. May ka-edadan na rin kase si Mr. Garcia pero heto siya nagtuturo pa rin sa amin pero talagang hinihila kami ng antok kaya wala na kaming lakas pa na mag-taas ng kamay at sagutin ang tanong niya.
Wala rin naman kase akong idea about Love?
Kung matanong ako diyan, paniguradong wala akong isasagot diyan dahil bukod sa wala akong naiintindihan sa pag-ibig, hindi ko naman nararamdaman iyon.
Yes, I have a little bit of an idea of what love is, na pwede ko siyang maramdaman sa family ko... sa friends ko... pero I don't think if masasagot ko iyan lalo at lahat ng sinabi ko is hindi ko naman naramdaman.
I am Sereia Sevillano, seventeen years old and sadly not living my life to the fullest.
"Sai, anak, bilisan mo ang kilos mo!" iyan ang bungad sa akin ni Manang Celia nang malakabas ako ng banyo. Nakatapis ako ng puting tuwalya habang ang hindi kahabaang buhok ay nakalugay lamang habang basang-basa ito.
Mula nang natapos ang klase ko kanina ay agad na pinasundo ako ni Mommy sa School dahil may mga bisita raw sila ni Daddy na dadating.
"Jusko kang bata ka, magdadamusak ka rito sa kwarto mo!" hinila ni Manang Celia ang braso ko at saka inilagay sa aking ulo ang isang puting tuwalya at saka kinuskos ang aking basang buhok.
"Manang!" ani ko at pilit na inaalis ang kamay niya sa tuktok ng ulunan ko.
"Naku! kapag nadatnan kang ganito ng mommy mo talagang hindi lang kurot ang aabutin mo roon kay Selena!" pagtukoy ni Manang kay mommy.
"Ano ka'ba po, sanay na ako ron kay mommy no!" sagot ko kaya mas lalong kumunot ang noo ni Manang dahil sa sinabi ko.
Natawa ako sa naging reaksyon ni Manang. Kinuha ko ang tuwalya sa kanya at ako na mismo ang nagpunas ng basa kong buhok.
"I was just saying the truth, Manang, ikaw lang yata ang hindi masanay-sanay sa pagtrato sa akin ni Mommy." umiling ako. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot at munting awa sa mata ni Manang kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Ever since, pansin kong iba talaga ang pakikitungo sa akin ni mommy kahit noon pa man. Sa aming dalawa ni Kuya Pio ay talagang nasa kanya ang pabor. Noong una inisip kong baka kaya ganoon ay dahil panganay si Kuya at lalaki siya pero habang tumatagal ay nararamdaman king tila ba parang may kung anong pader na hinarang si mommy sa pagitan naming dalawa na hanggang ngayon ay pilit kong ginigiba.
"Hayaan mo ang mommy mo, at alam mong balang araw ay matatauhan rin 'yon." hindi ko na lamang pinansin ang sinabi sa akin ni Manang at mabilis na nagbihis.
I was wearing a yellow floral sundress na siyang hinanda raw ni mommy para siyang isuot ko ngayon. Manang Celia did pigtails on my hair. Pinulbuhan niya ako at saka naman ako naglagay ng lip therapy sa aking labi.
"Mauna na ako sa'yo sa baba anak, at baka hinahanap na ako sa kusina." tumango ako kay Manang bilang sagot.
Pinagmasdan ko ang aking kabuuan sa salamin. Napanguso ako nang makitang mukha pa rin akong bata lalo na dahil sa ipit ng aking buhok.
YOU ARE READING
Unbound by Fate
Novela JuvenilSereia Sevillano yearning to break free from her controlling family finds solace in a man named Lucas Aiden Delgado she unexpectedly falls for. However, as their love deepens, she discovers he's man who strives to win his parents' affection, despite...