FATE 1
Pilit kong tinatagan ang aking loob, mabilis ko siyang itinulak at saka siya sinamaan ng tingin.
"Why are you like this, huh?" I asked. Ramdam ko ang pagkibot ng aking ibabang labi. Hinawakan ko ang mga braso kong kanina lamang ay siya ang may hawak. Bumaba ang kanyang tingin roon at hindi nakalampas sa aking mata kung paano nagtangis ang kanyang panga bago nag-iwas ng tingin.
"I... " tumikhim ako sandali nang masamid sa sariling laway dahil sa pagpipigil na huwag umiyak sa harap niya.
Nilingon niya ako. "I noticed how you always treat me whenever you see me, parang palaging kaaway ang turing mo sa akin." gusto kong palakpakan ang aking sarili dahil nagawa kong sabihin iyon sa kanya nang hindi nauutal.
I heard him chuckle without humor. Napanganga ako.
"You asking me that, little miss?" he said. Kumuyom ang aking kamao nang marinig kung paano niya ako tinawag.
"Stop calling me that!" I said but then, he just gave me a cold sly smirk.
Lumapit siya sa akin at saka tumungo para magpantay ang aming lebel. Hindi ako umurong o umusod palayo bagkus ay hinayaan kong makalapit siya sa akin para maipakitang hindi ako tinatablan nang kagaspangan ng ugali niya.
If I'm not mistaken, I was six years old when I met him. Nang isama ako ni Mom at Dad sa isang party noon. Wala kase si Kuya Pio noon para bantayan ako kaya walang nagawa sina Mommy at Daddy kundi ang isama ako.
He's Lucas Aiden Hernaez Delgado, the second born of Tita Belinda and Tito Fernan. I think, he's way too younger with Kuya Pio. I didn't know him not until when he humiliated me infront of his friends.
Flashback
"We'll get going, Manang Celia." I heard Dad said.
"Sige po... ingat kayo Sir, Ma'am."
Mom was wearing a white elegant dress that is personally maid for her while Dad is wearing a black suit that is suited to him. Ako naman, isang simpleng pulang bistida ang pinasadya para sa akin ni mommy dahil nga maputi raw ako. Isa iyong sleeveless red dress na umabot hanggang binti ko. .ay isang malaking ribbon sa gitnang parte nang bistida na lalong nagpaganda sa suot ko. I oart ered it with a white leather sandals. Nakaayos naman ang buhok na naka-braid.
When we arrived at the venue ay mabilis na napahawak ako sa bistidang suot ni mommy. Naramdaman ko ang kanyang nanunusok na tingin sa akin kaya nabitawan ko ang pagkakahawak sa bistida niya.
"Behave, Sereia." She said to me very coldly.
"Let's go." Ani Dad.
"Huwag kang lalayo sa amin ng mommy mo, I'm sure may ilang mga bata rin sa loob pwedeng sumama ka muna sa kanila at makihalubilo roon." Mahabang litanya sa akin ni Daddy.
Nahigit ko naman ang aking hininga nang makapasok sa loob ay ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa lawak at laki ng pinagdarausan ay marami rin ang nasa loob na dumalo.
Ito ang unang beses na isinama ako nina Mom at Dad sa isang ganitong uri ng pagtitipon kaya ganoon na lamang ang aking kaba.
"Behave Sereia, we're just going there... there's food there, you can get whatever you want." Dad told me, wala sa sariling tumango ako habang ang mata ay nililibot sa buong paligid ng lugar.
Kinuha ni Dad ang aking kamay at pinaupo ako sa isa sa mga bakanteng silyang may mga nakalagay na palamuti. Napatingin ako kay Daddy nang haplusin niya ang ulo ko.
YOU ARE READING
Unbound by Fate
أدب المراهقينSereia Sevillano yearning to break free from her controlling family finds solace in a man named Lucas Aiden Delgado she unexpectedly falls for. However, as their love deepens, she discovers he's man who strives to win his parents' affection, despite...