What if Sunshine's the one who put Cloud, Azrael, and Seven in jail?
___________
"Puta!" Malakas akong napamura nang bigla nalang akong matagis nang humaharurot na sasakyan habang tumatawid ako papunta sa train station sa Espana. Mabuti nalang ay hindi malakas ang pagkakatama ko dahil nakalihis ako agad.
May mga tumulong sa aking tumayo. Tinignan ko agad ang mukha ko kung may gasgas ba dahil puhunan ko ang ganda ko. Kapag nawala 'to ay hindi ko na alam kung saan ako dadalin ng mundo.
"Hoy!" Tumakbo ako sa BMW na huminto sa gilid at kinalampag ko ang likuran no'n. "Lumabas ka diyan na tanga ka! Grade 2 ka ba at hindi mo alam ang tamang pagmamaneho, ha! Ina mo! Papatayin mo pa ako—" Napatigil ako sa pagsasalita nang may lumabas na tatlong lalaki.
Napa-awang nang bahagya ang bibig ko. Shet! Kinapa ko iyong panty ko dahil pakiramdam ko ba ay lumuwag ang garter. Sobra guwapo pota!
Napa iling-iling ako. Hindi dapat. Walang exception kapag guwapo.
"Here's the money, nagmamadali ka—"
"Aba gago ka!" Tinapik ko ang pera na ibinigay niya dahilan para mahulog ang mga libuhin sa sahig. "Hindi ka manlang mag-sorry? Tinapalan mo agad ako ng pera? Tang ina ka, daig mo pa politiko, ah! Ayoko niyan! Mamang pulis!" Sigaw ko sa Mamang pulis na agad namang nagtakbuhan.
"God, you don't have to—"
"Sinagasaan po ako ng tatlong itlog na 'to, 'di ba?" Pagkuha ko ng simpatya sa mga tumulong sa akin. Lahat sila ay nag-agree.
"Ano'ng gusto mong mangyari, pate?" Tanong ni Mamang pulis.
"Gusto ko po silang ikulong."
Nandito kami police station kasama ko ang tatlong itlog na napag-alaman kong Cloud iyong pangalan noong isang maputing guwapo. Tapos iyong isa ay ay moreno na si Azrael tapos iyong huling pinaka-matangkad na Seven. Kilala ko iyong Seven dahil nanliligaw iyan sa bestfriend ko. Basketball player pero iyong dalawa pamilyar lang.
"Paano ba 'yan, gusto kayong ipakulong," Sabi ni Chief.
"We're going to pay for all the damages—"
"Bakit kasi bayad agad?!" Putol ko doon sa lalaking maputi. "Puwede bang sorry muna? Sorry kasi bobo akong mag-drive at dapat kunin ang lesensya ko at bumalik ako sa grade 2 kasi ang tanga ko. Hindi ba dapat gano'n muna?" Tinaasan ko sila ng kilay.
"Oh, bakit kasi hindi kayo nag-sorry?" Tanong ni Chief sa tatlong itlog.
"Nagmamadali kasi kami, Ninong. Nakalimutan lang," Sabi nung morenong lalaki. Aba, Ninong pala ng bugok na 'yon 'tong pulis na kalbo kaya pala malalakas ang loob kasi may kapit ang mga puta!
"Nakalimutan, mama mo! Ang sabihin niyo ang yayabang niyo lang. Akala niyo madadaan niyo lahat sa pera? Eh, kung bakbakin ko kaya 'yang anit mo na tanga ka!" Duro ko sakanila.
"Miss, kalma ka lang."
"'Wag kang desisyon, Mamang Pulis, baka madamay ka sa inis ko." Tinignan ko si Mamang Pulis na tumahimik saka ko uli binalingan 'yung tatlong bugok. "Kapag itong sugat ko ay nagpeklat, babalikan ko kayo at ibebenta ko kayo sa Cubao mga itlog kayo!" Hinimas ko ang sigat na nasa binti ko.
"We're very sorry," Sabi ni Seven.
"Isa ka pa, gagawin kitang katorse, inamo ka!" Duro ko kay Seven.
Kumunot ang noo niya sa akin. Iyong Azrael ay natatawa. Nakataas naman ang kilay sa akin ni Cloud na parang naiinis na.
"We're leaving, this is just a waste of time," Tumayo iyong maputing lalaki kaya napataas ang kilay ko.
Tumayo rin ako at pinigilan siyang umalis.
"Ano, gano'n gano'n lang 'yon? Eh, kung tanggalan kaya kita ng bungo? Umupo ka diyan bago pa lalong mag-init ang ulo ko!"
"Kasalanan mo rin naman kasi. Tawid ka nang tawid." Napaawang ang labi ko sa sinabi nung Azrael.
"Eh, kung gatukan kaya kita hanggang sa matanggal 'yung ulo mong walang laman?" Sigaw ko. Ako pa sinsisi ng puta, muntik na nga nila akong mapatay.
"Wala tayong magagawa, gusto kayong ikulong, eh," Sabi ni Chief na kinalaki ng mata ng tatlong itlog.
"Nong, parang others naman, oh," Sabi ni Azrael.
"Si Madam ang kausapin niyo, 'wag ako. Sakaniya kayo may kasalanan," Sagot ni Chief.
Sabay-sabay silang tumingin kaya napa-isip ako sa ideang ikakatuwa ko nang sobra para makaganti manlang ako sa sugat na natamo ko.
"Gusto ko kayong gawing utusan ko," Sabi ko sakanila na siyang kinagulat ng tatlong bugok.
"Mama mo!" Sigaw ni Azrael.
"Sana mas pinuruhan mo pa pala," Bulong ni Seven kay Cloud na siyang narinig ko.
"No," Cloud said.
"Ayaw niyo, ha. Ikulong 'to, Chief. Ayokong magpa-areglo. Kasuhan ko 'to." Turo ko sa tatlong itlog.
"'Eto na nga, putang ina naman, eh! Papagalitan ako ng tatay ko!" Inis na sabi ni Azrael.
"Gago!" Sabi ni Seven.
At si Cloud na masama lang ang tingin sa akin na parang pinapatay na ako sa isip niya.
"Fine!"
_______________
YOU ARE READING
Galvez Series (Alternate Universe)
RomansaNOTE: THIS IS AN (AU) ALTERNATE UNIVERSE STORIES. THIS PART IS UNRELATED TO THE MAIN STORY AND IS NOT INCLUDED IN THE GALVEZ SERIES.