Sa ilang taon kong naninirahan dito sa mundo hindi ako naniniwala sa mga metolohiya, dark magic o kahit sa mga engkanto. I do believe that they are just a myth, a tale, gawa-gawa lang sila ng malawak na imahinasyon ng mga tao. They never existed in real life. I never encountered any of those myths, but I know they are not true.
Naalala ko pa noon na tinanong ako ng kaibigan ko tungkol jan.
“Jay, naniniwala ka bang totoo ang mga diyos o diyosa?” tanong ni Clever sa akin habang nagbabasa siya ng libro about Greek mythology.
Nandito kami ngayon sa library ng school namin at isa sa bonding naming dalawa ang magbasa ng libro tuwing free time namin.
Ang random naman ng tanong nito.
Tinigil ko muna ang pagbabasa at tiningnan ko siya. She's still reading the book.
Ilang minuto ako nag isip sa kanyang tanong.
“No.” simple kong sagot.
This time tiningnan na niya ako at seryoso ang mga tingin niya sa akin.
“Really? Why? Hindi ka ba na cu-curious na baka totoo sila? Especially yung nga demigods?” sunod sunod niyang tanong.
“Why would I believe in that stuff? They are called myths, which means they are not true.”
“Hmm… malay mo totoo pala sila. That would be great kaya. May ibang tao kasi na naniniwala sa mga ganon, e.”
Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi ni Clever. Hindi ko na siya sinagot sa halip ay bumalik na lang ako sa pagbabasa ng aking libro.
Oo, hindi ako naniniwala sa mga diyos at diyosa o kahit sa mga ano pang mga creatures, lalo na sa mga demigods. But if they are real, if they are really existed in this world, I hope I am one of them so that my life would be easier at isa to sa magiging tulay para makilala ko ang aking mga totoong magulang.
If only.
Nagising ang diwa ko sa malakas na kalabog na aking narinig sa lamesa. Inimulat ko ang aking mga mata at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang madilim na kwarto. Nilibot ko ang aking tingin at nakita kong may dalawang tao na nakatayo malapit sa mesa na tinitingnan ako. Isang babae at lalaki na nasa tingin ko ay ka edad lang din namin sila ni Clever.
The boy has bluish eyes, long black hair, and his looks screams superiority. He is wearing warrior-themed clothes at may hawak siyang espada.
Sunod kong tiningnan ang babae. The girl has greenish-dark eyes, blonde long hair, she is wearing a gray shirt with a... fork? printed on it, a shorts and sneakers. Her looks are too serious to stare, but she looks… pretty.
Sunod na hinanap ng aking mata si Clever dahil alam kong huli kong naalala ay magkasama kaming dalawa. Kumalma naman ako nang nakita ko na katabi ko lang siya at tulad ko nakatali din ang mga kamay at paa niya, wala siyang anumang sugat o pasa sa katawan pero hindi pa siya nagigising. Binalik ko ang tingin ko sa dalawa.
“Sino kayo? Bakit niyo kami iginapos? Anong lugar ito?” galit kong tanong sa kanila.
But instead of answering my question, the girl just yawned and stared at me blankly.
“Kami dapat ang magtanong niyan sa inyo, sino kayo?” seryosong tanong ng lalaki.
Ilang segundo kong inisip mabuti ang sagot ko sa kanyang tanong at minabuti kong hindi sinabi ang totoo.
“May hinahanap lang kami ng kaibigan ko but we got lost in the forest. Kaya pakawalan niyo kami. Wala kaming atraso sa inyo.” sigaw ko.
Nang dahil sa sigaw ko, nagising si Clever. Pagkagising niya ay nag panic siya kaya pinakalma ko siya muna. Nang kumalma na siya ay dito ko na isanalaysay sa kaniya ang nangyari.
YOU ARE READING
Half-blood Series: The Battle of the Demigods
Mystery / ThrillerAbandoned as a mortal, Jaded's life takes an extreme turn when he stumbles upon the hidden realms of the demigods. Alongside his friend, Clever, they unexpectedly entered the realms of the divine and discovered the hidden mystery. When the balance o...