Chapter 3: Parentage Ceremony

2 0 0
                                    

Nagising ako ng mga bandang alas syete ng umaga. Bumangon ako agad at naligo na. Pagkatapos ay inaya ko na si Clever na mag almusal sa Agora Hall.

Hindi ko muna kinuwento sa kaniya ang nakita ko kagabi dahil alam kong gagawa agad siya ng paraan para hanapin ang outsider na iyon.

Ibig sabihin isa sa mga demigods na nandito ang lumabas sa mortal realms para nakawin lang ang sculpture ni Medusa.

Lumabas na kami sa cabin at nadatnan namin sa labas sina Amber at Hendrix na naghihintay.

"Good morning, Rei. Good morning, Jade." Amber greeted cheerfully.

"Oh ba't hindi man lang kayo kumatok o pumasok?" tanong ni Clever sa kanila.

"Gusto lang namin kayong i-surprise." sagot ni Amber.

"Hello, wassup! Jaded, my bro. Clever, my sis. Tara sabay na tayong mag almusal. Nauna na si Katarina doon." Hendrix said with a smile.

Kaya naman ay sabay kaming apat na papunta ngayon sa Agora Hall at habang naglalakad kami napansin ko na nagbubulungan ang ibang demigods at ang suspicious ng mga tingin nila sa amin.

"Alam niyo naiinis ako sa mga tingin nila sa atin." reklamo ni Clever.

"Baka first time lang nila makakita ng gwapo ng ganito kaaga." sagot ni Hendrix.

"Alam mo, Dri gutom lang yan." pagbabara naman ni Amber sa kanya.

Napailing na lang ako sa mga sagutan nilang tatlo. Nang dumating kami sa Hall ay ganoon pa rin ang napansin ko. Nakatingin pa rin ang iba sa amin na para bang may nagawa kaming kasalanan sa kanila kaya kami nila pinagtitinginan at pinag-uusapan.

Umupo kami sa table kung saan kasalukuyang kumakain si Katarina at may kasama siya. Siya din yung naging kasama ni Katatina na nagbantay sa amin ni Clever nung nakapasok kami dito sa camp.

"Uy, nandito pala ang prinsipe ni Zeus, e. Wassup, Alexis." bati ni Hendrix sa kasama ni Katarina.

"Buti naman napasabay ka sa amin ngayon mag almusal, X." sabi naman ni Amber.

"Ah, yes. Gusto ko lang kasi makilala ng maigi ang bago niyong mga kaibigan." sagot naman ni Alexis na mabilis na sumulyap sa amin ni Clever at nagpatuloy ulit siya sa pag kain.

O-okay?

Maya-maya pa ay hinatid na ng mga aurai ang almusal naming apat at dito na kami nagsimulang kumain. Tahimik lang kaming anim sa pag kain pero hindi pa rin ako komportable sa aking paligid dahil hindi pa rin tumitigil sa pag tingin ang iba sa amin. Ilang sandali pa ay napatingin ako sa pinakadulong table ng hall at nakita ko sina Kenzi at Erin na nakaupo ngayon sa lamesa. May nakalagay na mga bandage sa kanilang mga kamay at may band-aid din sa ibang parte ng mukha nila. Masama ang tingin nila sa akin. Dito na ako kinabahan.

Yan ba ang naging resulta ng pag atake ng mga uwak sa kanila kagabi?

"Alam niyo ba inatake ng mga uwak kagabi sina Erin at Kenzi. Sigurado akong may ginawa na naman silang katarantaduhan." mahinang kwento ni Hendrix sa amin.

"Yeah, we already know and I wonder what happened last night." sagot naman ni Katarina at biglang sumulyap sa akin.

"May pinagtripan na naman daw sila kagabi. Ewan ko lang kung sino." pagsali ni Amber sa usapan.

Napalunok na lang ako sa kanilang naging usapan. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at tinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagkain. Nagkatinginan kami ni Clever at mas minabuti na lang namin na hindi sumali sa usapan. Mabilis kong inubos ang aking almusal at inaya na si Clever na bumalik sa cabin para mag prepare sa training namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Half-blood Series: The Battle of the Demigods Where stories live. Discover now