Chapter 2: Nightmare

4 0 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas magmula nung napasok namin ni Clever ang Camp Kyrexis, ang lugar ng mga demigods. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ma proseso ng aking utak ang nangyari. Sa tatlong araw namin dito ay hindi pa din namin alam kung sino ang godly parent naming dalawa. Inaamin kong kaunti lamang ang kaalaman ko tungkol sa Greek mythology kaya hindi ako sigurado kung sino ang posibleng maging godly parent ko. E hindi ko nga alam na totoo pala sila.

Yung twelve olympians lang naman yung pamilyar ako e.

Simula nung napasok namin ni Clever ang Camp Kyrexis ay parang may nararamdaman akong kakaiba lalo na't hindi ako komportable sa mga ibinabatong tingin sa amin ng ibang demigods. Halos lahat sila ay walang plano makipagkaibigan sa amin, ewan ko kung bakit.

Pero meron naman ibang demigods ang nakipag kilala sa amin at tinulungan kaming makapag-adjust sa camp. Sina Amber, ang nakilala namin nung unang araw namin dito sa camp at si Hendrix, ang demigod son ni Hermes na nakilala namin nung second day namin dito... isama ko na rin si Katarina, isa rin siya kasi sa tumulong sa amin ni Clever simula nung unang gabi namin dito sa camp.

Sa tatlong araw na nandito kami ay tinulungan nila kami sa mga gawain dito sa camp at sa pag training. They taught us sword fighting all day and I can say that they are really good at handling different kinds of weapons.

Ngayong araw naman ay rest day namin since pagod kaming lahat sa training mula kahapon. Kaya ngayon nandito kami sa treehouse ni Hendrix tumatambay.

"Ang sakit pa rin ng braso ko." reklamo ni Clever habang hinihimas ang kanyang kanang braso.

"Relax, normal lang yan, Rei." sagot naman ni Amber habang kumakain ng mansanas.

"Huh? Anong normal ka diyan. Parang mababali na nga to'ng braso ko e."

"Omg, that's not good, Rei. Akin na braso mo iki-kiss ko."

Si Amber lang ang tumatawag ng 'Rei' kay Clever dahil gusto niya daw na unique ang ibibigay niyang nickname sa amin. 'Jade' naman ang tawag niya sa akin at walang tumatawag sa akin non kundi siya lang. Amber is really a good friend, her presence makes us more comfortable here at camp. At napag-alaman namin na half korean pala siya, hindi chinese.

Kahit maikli pa lang ang pag-stay namin ni Clever dito ay naging mas malapit na kami sa kanila na tila matagal na nila kaming naging kaibigan.

Minamasdan ko ang lawak ng camp, ibang klase ang pagtayo ng mga buildings, ang gaganda ng mga puno at iba't-ibang halaman sa paligid, kakaiba din ang mga creatures na nakikita namin. Habang pinagmamasdan ko ang camp ay biglang dumating si Hendrix na may dalang pagkain.

"Alam kong gutom na kayo. Here's our food. Kain na tayo." aya ni Hendrix.

"Yay! Thank you for the food, Dri. You're the best talaga!" masiglang pagpapasalamat ni Amber.

Ngumiti si Clever kay Hendrix, “Salamat sa pagkain Dri.”

“Thank you, bro.” pagsasalamat ko din sa kanya.

“Sus! Small things. Ako lang to, guys.” sagot naman nito sa amin.

Nagsimula na kaming kumaing apat at nagkwentuhan ng kung ano-ano. I never thought that Amber and Hendrix would become our friends here at camp, I mean my first impression of them was I thought they were just like other demigods, but they are different.

As we continued our chitchat, Katarina showed up with her usual serious look.

"Sa wakas! Dumating din ang prinsesa ni Poseidon. Hello, mabuhay, Katarina!" masiglang bati ni Hendrix kay Katarina.

"Bakit mo ba ako pinapapunta dito, Drix?" inis na tanong ni Katarina.

She stood at the door, looking at Hendrix while crossing her arms.

Half-blood Series: The Battle of the Demigods Where stories live. Discover now