Matapos ang mahabang biyahe, sumakit lamang ang ulo ko. Well, I need extra money this time. Kahit napupunan ko naman ang pangangailangan ko, still, there's no difference from being poor.
Maliban pa roon, sumakit na rin ang tiyan ko as they don't offer food. Pamilya ko pa ba sila? Or dahil sa dugo ay tinatawag na lang namin ang isa't isa na pamilya?
Nakalimutan ko na rin kunin ang sahod ko. Nagsuot ako ng jacket at bumaba para maghanap ng makakain. Ngunit sa kamalasan, hindi na pala sapat ang pera sa bulsa ko. Naubos sa biyahe.
I was staring at the sky, ano ba ang dapat kong gawin? I oftentimes earn and lose money in my pocket. Di naman rin bago sa'kin yon.
Pumasok ako sa looban kung saan may mga pumapasok. Pumasok ako sa room at natagpuan ang mga nagsusugal. Pinanood ko muna sila at lahat ay seryosong nag-aabang kaya naman nagmasid muna ako. Matagal ko nang alam ang lugar na ito ngunit hindi ko pa napapasok. May mga nakapagsabi rin na posibleng magkapera.
“Ako din,” sabay naming sabi ng mama. Dahil tago ang mukha ko, hindi ako napansin ni Roger, the big one, ngunit dama ko ang pagtataka niya kung sino ako.
Sa unang taya ay nawala ang singkwenta ko. Meron na lamang akong isang daan at singkwenta. Sumubok akong muli na tumaya sa parehong tao.
“Ayun! Ang galing naman!” sabi ng mama na pinagtayaan ko sa sugal.
Kinuha ko ang porsyento ko sa kaniya at maayos naman niyang binigay ang isang daan, bumalik lang ang tinaya ko. Hindi ako mapakali at gusto ko pang kumita kaya sumubok akong muli.
“Bente?” sabi ng mama na pinagtayaan ko.
“Oo, bente din taya niya.” Turo ko sa kabila. Ngunit talo din ang mama kaya wala akong nakuha.
Bumalik ako sa unang mama at tumaya ng kwarenta. “Aba, doble na ngayon ang bente niya!” biro pa nito sa'kin.
Sa huli, nanalo naman kaya naka-diseotso ako sa kaniya. Hindi na'ko tumaya at tsaka umalis sa kanilang lungga.
“Bata, bago ka lang dito,” ang boses ni Roger na sinundan ako hanggang paglabas.
“Matagal ko na 'tong alam pero ngayon lang ako naglakas-loob pumasok,” sagot ko habang naglalakad palayo.
“May potensyal ka, bata. Gusto mo bang sumali sa grupo ko para kumita ng pera?” alok ni Roger na hindi man lang alam na ako ang nakaharap niya sa gym.
Pumasok kami sa isang maliit na tindahan at bumili ako ng noodles at tinapay. Napansin kong sinusundan pa rin ako ni Roger.
“Pasensya na, hindi ako interesado,” sagot ko habang nagbabayad sa tindahan. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pagsuntok sa sikmura ko.
“Ayos lang bata, naiintindihan kita.”
Napaupo ako sa sahig sa pagkabigla sa kamaong dumapo sa aking katawan. Habang nakayuko at pinipilit na kumalma ang sarili, narinig kong muling nagsalita si Roger.
“Kung sakaling magbago ang isip mo, nandito lang ako,” sabi niya habang tumalikod at lumakad papalayo. Naiwan akong humihingal sa sahig, pilit iniintindi ang mga nangyari.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagpasya akong bumangon at ipagpatuloy ang gabi ko. Bumalik ako sa apartment na dala ang noodles at tinapay, hindi alintana ang hapdi sa aking sikmura.
Habang niluluto ang noodles, napaisip ako sa sinabi ni Roger. Alam kong delikado ang sumali sa grupo niya, pero kailangan ko ng pera. Maraming bagay ang dapat kong pag-isipan.
Pagkatapos kumain, humiga ako sa kama at pinagmasdan ang kisame. Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari noong bata pa ako, ang mga oras na walang problema at ang pamilya ko ay buo at masaya. Ngayon, lahat ay tila isang malaking gulo.
BINABASA MO ANG
I STILL REMEMBER
Short StoryMax is a poor guys who loves photography. He never knows what he left in the past but when he saw her again, he knew that he still remeber what he forgotten for a long time ago. "My full name is Matthew Hernandez."