SANDRA LOPEZ
Galit na galit si Dad ng bigla na lamang umalis ang binatang apo ni Don Emilio matapos sabihin na ayaw niyang maikasal sa akin. Can't blame him. Pero bakit nga ba nakaramdam ako ng lungkot ng sabihin niya iyon? Ewan ko ba.
The way he look at me, I felt something strange that's new to me.
Hindi ko lang mawari kung ano iyon, basta kakaiba siya, the first time I saw him.
"Pasensya na Kayo, nabigla lamang ang aking apo dahil hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol dito." hinging paumanhin ng Don.
"Don Emilio, ayaw ko naman na sa bandang huli ay masaktan ang anak ko, siguro ang mabuti pa, huwag na nating ituloy ito dahil mukhang ayaw namang pumayag ng apo niyo." mahihimigan ang lamig sa tono ni Dad ng sabihin niya iyon, lumipat ang tingin ko sa Don ng umiling ito.
"Hayaan niyo munang kausapin ko siya." napansin ko na napapahawak siya sa dibdib niya na ikinabahala ko. Tumayo ito at sinundan ko lamang ng tingin ang Don ng magpaalam na siya sa amin.
Nakakailang hakbang pa lamang ang Don ng bigla na lamang itong bumagsak sa sahig, agad naman siyang dinaluhan ng kasama niyang bodyguard at minadaling isakay sa sasakyan.
"O my god!"
Alalang-alala kami habang nagmamadaling isinugod namin si Don sa pinakamalapit na ospital sa lugar. Agad naman siyang nakilala ng mga doktor at inasikaso agad.
Dad was frustrated and he don't know what to do, ganun din si mom, lahat kami ay nag-aalala.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng ER at hinihintay na lumbas ang doktor upang makibalita sa kalagayan ng Don.
"Where's my Lolo?!" nakita ko ang binatang apo ng Don na gegewang-gewang, kumunot ang noo ko sa itsura niya. Gulo nag buhok at pupungay-pungay ang mga mata, pero mababakas ang pag-aalala sa mukha niya.
Bumaling ang tingin ko mula doon sa mga kasama niya, are they models?
"Ihjo mabuti at nadito ka na, hindi pa lumalabas ang doktor na tumingin sa lolo mo." si Dad na ang nagsalita. Inalalayan naman siya nung may Gray na buhok ng halos matumba ang apo ng Don.
Lasing ba siya?
Huh.
I can't believe him. Nagawa pa talaga niyang maglasing? Ganun ba niya hindi kagustong maikasal sa akin?
Lahat kami ay napaayos ng lumbas na ang doktor na tumingin sa Don.
"Rui, how's my lolo?"
"He's now stable, mabuti ay naisugod siya agad dahil nagka minor cardiac arrest, you can come in and check the Don." The young Doctor said at tinapik ang balikat ng apo ng Don.
"Thanks, bro."
Naunang pumasok sa loob ang binatang apo at ang mga kasamahan nito, kasunod nub ay kami nila Dad.
Gising ang Don ngunit mahina, ang binatang apo ay umiiyak na niyakap ang kaniyang Lolo.
"You scared me old man."
"Tahan na, look, I'm alive and strong." nagawa pang magbiro ang Don matapos ang nangyari, pero nanatiling umiyak at malungkot ang apo nito.
"Sinabi ko naman sayo na mag exercise ka lagi, eat healthy foods and take your meds in time, natakot ako lo, natakot ako na pati ikaw mawala sa akin, natakot ako lo." natutop ko ang bibig ng hunagulgol ito. Tila nahawa ako at naiiyak ako sa dalawa. Masungit siya at cold sa una namingpagkikita, hindi ko akalain na ganito siya sa lolo niya he's soft.
"I will take care of myself apo, you know what, you can make me happy if you will grant my wish." Kahit na naguguluhan ang apo nito ay nakinig siya kung ano mang sasabihin ng lolo niya, na para bang handa itong tuparin ano man ang hilingin ng Don.
"Whatever your wish is, I will grant it lo."
"Pakasalan mo ang nag-iisang anak na babae ng mga Lopez." narinig ko ang mahinang pagmura ng mga kasamahan ni Dravin sa tabi, pero may isalang na hindi nag react, the guy with gray hair, nanatiling nakatayo at nagulat ako ng lingunin niya ako.
Namula bigla ang pisngi ko at mabilis kong iniwas ang mga mata sa kaniya. What is that?
Tumayo ang kaninang nakayukong apo ng Don. Inayos nito ang sarili at ngitian ang Don, ngiting mas mapait pa sa ampalaya at lumingon sa akin, nakatitig lamang ako sa kaniya at ng lunakad ito sa direksyon ko ay bigla na lamang nagwala ang puso ko at naging aliligaga.
Nang tuluyan na ako nitong nalapitan, doon ko lalong napagmasdan ang mukha niya, ang mga mata niyang mapungay, ang gulo niyang buhok, maayos ang pagkakahulma sa mukha niya at sino mang babae ay mahuhulig sa kaniya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. At minsan ay napapalunok.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, nakaramdam ako ng kuryente na lalong nagpawala sa akin.
Puno ng lungkot ang mga mata nito na hindi ko mawari.
Once again, he smiled, now for me.
Pero bakit ganun? Bakit mapait? Bakit parang pilit?
"Alright, I'll will Mary her, if that what makes you happy, I will marry her." napapikit ako at sandaling sumaya ang puso ko, narinig ko nanamab ang mahihinang mga mura sa tabi.
Nagulat ako ng mas lako nitong ilapit ang mukha at napapikit na lamang muli hanggang sa makalapit malapit sa tenga ko, nahawak na ito ngayon sa magkabilang braso ko at bumulong.
"I will marry you but that doesn't mean I will love you, no matter what you do, I will be just your husband in paper. Gusto ko na ngayon pa lang malinaw na sayo." at unti-unting nagsibagsakan ang mga luha sa aking mata, ng sabihin niya iyon.
Bakit ba ako umasa.
Tama naman siya, pinilit lang siya at hindi niya ito ginusto, ayaw niya sakin, hindi niya ako mahal, at magpapakasal lang siya sa akin dahil yun ang gusto ng lolo niya.
Bumagasak ang katawan nito sa akin matapos nun, nawalan siya ng malay, inalakayan naman siya ng mga kasama at nagpaalam na sa Don. Havang ako at tulaka lamang at nasasaktan.
"Anak, bakit ka umiiyak? Ayos ka lang?" may pag-aalala sa boses ni Dad. Tumango ako at pinunasan ang luha sa aking pisngi sabay ngiti sa kanila.
"Of course Dad. Tears of Joy, he finally agreed to marry me." sabi ko sa mga magulang ko bago ay naunang umalis.
Grabe pala manakit ang isang Buenaventura.
AFTER YOU
JMworks
Joanna Marie
BINABASA MO ANG
AFTER YOU (ON-GOING)
Short Story(ON-GOING) DRAVIN and SANDRA's Story YOU WILL KNOW WHEN A MAN IS AFTER YOU WHEN HE NEVER THINKS OF GETTING ENOUGH OF YOU. ___________ JMworks/Joanna Marie All rights reserved 2024