Ilang araw ko na rin iniiwasan si Dravin simula noong araw na iyon, pero ilang araw din niya akong hindi sinusuyo!
"Ikaw naman kasi girl, bakit may pag-iwas ka pang nalalaman? Kaloka." kahit kailan talaga napaka supportive ng kaibigan ko ano?
Inaya ko kasi si Ally na pumunta sa mall para mag unwind, nanlulumo parin ako sa tuwing naalala kong hindi niya ako iniimikan kapag hindi ko siya iniimikan,
Ayon walang imikan.
Minsan na lang din niya ako dalawin sa bahay, at sa shop,
Akala ko ba ay liligawan niya ako?
Well, nililigawan niya ako pero puros mga chocolate lang ang binibigay, tapos stuff toys, hindi ako demanding pero pag sa kaniya galing magdedemand talaga ako.
Ngumuso ako,
"Baka kasi susuyuin niya ako."
"Sinuyo ka ba?"
Umiling ako at ang babae ay inirapan lamang ako.
"Hindi naman pala, kahit anong ganda pala ng isang Sandra Lopez, wala lang sa isang Dravin Buenaventura, kung ako sayo girl, ako ang mag-aadjust, like hello, sa panahon ngayon, hindi na uso ang pa Maria Clara---pota!" pinanlakihan ko siya ng mata ng marinig ang malutong niyang mura.
Igagaya pa niya ako sa mga kalokohan niya, palibhasa siya ang dumidiskarte sa mga lalaki na kahit isinusuka na e, go pa rin.
"Tigiltigilan mo ako Allicarda Valenicia!"
"It's Ally!" Nagpapadyak naman ito ng banggaitin ko ang fullname niya, anong mali sa Allicarda? Ang gandang name tapos ikinakahiya niya?
Inaliw na lang namin sang sarili sa mga nakakatuwang bagay na nakikita ng mga mata namin,
Akala ko ay magiging okay ang mood ko,
Not until I saw him, with her, that gorgeous angelic woman.
Natigilan ako na ikinalingon ni Ally, kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Dravin habang inaasar nito ang babae, I can't be her.
"Hoy, bakit ka huminto? Doon tayo!" sabi niya at hinila ako,
Napansin kong lilingon sa gawi namin si Dravin kaya inipon ko ang lakas ko upang hilain patalikod sa gawi nila Dravin si Ally,
Muntik pa nga kaming matumba, buti na lang ay hindi nangyari
Dahil kinakabahan akong makita ni Dravin, nagtatakbo ako papunta sa Cr ng mall at doon ay umiyak nanaman ako.
Bakit ba kasi ang babaw ng luha ko?
Narinig ko ang pagkatok ni Ally sa pinto ng cubicle na kinaruruonan ko, hindi ko siya kinibo dahil kung gagawin ko, malalaman niyang umiiyak ako.
Tinigilan naman niya ako, pero alam kung naroon pa din siya.
"Sige lang, kahit na hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan, iiyak mo lang, lahit hindi ka magsalita, kilalang-kilala kita, kahit na anong gwapo pa ng Dravin na iyon, hahabalusin ko talaga siya, wala siyang karapatan na saktan ang best friend ko."
Sumilay ang ngiti sa labi ko ng marinig ang sinabing iyon ni Ally, kahit na minsan ay inaasar pa ako nito at kahit na minsan walang kwenta ang mga pinagsasabi nito na puro may halong kalokohan ang sinasabi niya,
Kapag magseryoso na siya,
Mararamdaman mo kung paano siya maging mabuting kaibigan, kaya naman mahal na mahal ko siya, silang mga kaibigan ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa loob, kaya naman napagpasyahan ko ng lumabas, nagulat ako kasi akala ko si Ally ang aabutan ko pero hindi,
"A-Anong ginagawa mo r-rito?"
BINABASA MO ANG
AFTER YOU (ON-GOING)
Short Story(ON-GOING) DRAVIN and SANDRA's Story YOU WILL KNOW WHEN A MAN IS AFTER YOU WHEN HE NEVER THINKS OF GETTING ENOUGH OF YOU. ___________ JMworks/Joanna Marie All rights reserved 2024