Chapter 7

22 1 0
                                    

This will be SANDRA's POV saka ko na lang ipapakita yung pov ni Dravin kapag kailangan Hahaha
Enjoy reading po *-*

______

Weeks passed.

Hatid sundo ang naging set-up nilang dalawa ni Dravin, well, hindi naman siya nageexpect ng sobra, dahil sa linggo na nakasama niya ito, nakilala na agad niya ang ugali ni Dravin, and also, thanks to the Don, ikinwento nito ang ilang mga bagay tungkol kay Dravin.

Nandito siya sa labas habang ang mga mata niya ay nakatingin sa mga mag-jowang dumadaan,

If they were only like that..

Iniling niya ang ulo,

Ano ba ang iniisip niya? Imposibleng maging ganun kasweet sila ni Dravin, ni wala nga yatang tamis iyon sa katawan at laging salubong ang kilay tuwing magkikita sila.

Pero minsan,

Nagagalit ito tuwing may kasusap siyang guy and he even asked her to stay away from goons, ewan, lahat ng lalaking lumalapit sa kaniya tinatawag ni Dravin itong mga goons.

Hindi niya maintindihan si Dravin, paurong yata ng ipinanganak ito, minsan pakiramdam niya nagseselos ito pero madalas mas nararamdaman niyang wala itong halaga sa kaniya.

Bumuntong hininga siya, she were asking a miracle, kahit isang araw lang, makasama niya ito, ng walang kahit anong pilit na bakas sa mukha ni Dravin, yun bang ginusto niya talagang makasama siya.

Hindi naman siya nagsasawa sa set-up nila, mas okay na nga iyong hatid sundo siya kesa hindi siya nito pansinin.

Pero gusto din naman niyang mai-date s'ya nito kahit minsan,

Habang nagmumuni-muni, isang bulto ng lalaki ang tumambad sa kaniya, she maybe crazy pero suminghot siya ng palihim, pero na disappoint siya dahik hindi ito ang paborito niyang pabango, it's not Dravin.

Tinungo niya ang mukha sa kung sinong kaharap niya.

Napatayo siya ng wala sa oras ng makita kung sino ito,

"Synx?!"

"Relax, para naman akong kriminal kung magulat ka, here." At inabutan siya nito ng bulaklak and chocolate, the last time she checked, hindi ganito ang mga galawan ni Synx, ang kuripot nito kaya nagtataka siya kung bakit siya nito binibigyan ng ganito.

Nakatitig lang sa kaniya si Synx at malapad ang ngiti niya,

"Hindi mo ba aabutin? Sayang naman yung effort ko."

"Akin na nga!" may halong inis niya itong kinuha, baka mamaya ay itapon lang niya ito, Sayang naman ang ginastos niya.

Ngumisi ang isa at siya ay inis na tumingin sa kaniya,

Pinasadahan niya pa ng tingin ang Ex ng mapagtantong naka ayos ito, para itong modelo at kahit kailan hindi niya mapigilang hangaan ang lalaki sa kung paano ito mag-ayos, his style never failed to amused her.

Umupo ito sa may tabihan niya,

"Nasaan ba ang ugok mong Fiancé at iniiwan lang niya ang gaya mo dito? Kung ako sa kaniya ay sa bahay ka lang at dapat binabakuran." muli siyang napairap sa sinabi ni Synx at lumayo ng kaunti upang hindi sila magdikit.

"Kaso hindi ikaw siya."

"Right, dahil kung ako siya, I will make you the happiest woman alive, I regret leaving you." he said and whispered the last word he said. Tinaasan niya ito ng kilay at tumingin kay Synx na ngayon ay kung saan-saan nakatingin.

Tahimik lang sila,

He change a lot,

Hindi na siya yung taong laging bulakbol, napansin din niyang wala na iyong mga tattoo sa braso nito na minsan niyang nagustuhan,

AFTER YOU (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon