Prologue

3 1 0
                                    

I SHUT MY eyes as I sat in front of Adi and Izra. We're here at Starbucks dahil nagpasundo ako sa dalawa. I just can't stand with that man anymore. He's annoying!

"Anong mukha 'yan?" Adi raised a brow.

"Mukha ng maganda," walang preno kong saad.

Izra chuckled after hearing my answer while Adiel, on the other hand, rolled her eyes.

"Boy problems?" Izra opened up.

Napanguso ako nang maalala ang kaganapan kanina. Sinabihan ko lang naman ang ex fling ko dati na tigilan niya na ako. Ayaw kasi paawat ang gago, ang sarap sapakin hanggang lumuwa ang eyeballs niya.

I sighed as I sipped my coffee. "E, paano ba naman kasi! Padala siya nang padala ng mga kung anu-ano. Sinabihan ko na siya na ayaw ko sa mga cheater."

"Wala namang kayo, ah," asik ni Adi.

Inis na dinuro ko siya. "Hoy, ikaw, kanina ka pa. Kaibigan ba talaga kita, ha?!"

Tumawa siya. "Biro lang, siraulo ka."

Napanguso ako at napahalumbaba sa mesa. "Anong gagawin ko? Ayaw niya akong tigilan. Sabi niya pa kanina gusto niya akong ligawan e ayaw ko nga sa relationship na 'yan!"

Izra sighed and tapped my cheeks. "Baby girl, tell him to get a life. Huwag kang magpaka-stress sa lalaking 'yon, ituon mo nalang ang atensyon mo sa ibang bagay."

"At tumama na naman si Izra," parang tangang anunsyo ni Adiel na animo'y nasa lotohan.

"Saan ka nga pala magco-college?" pag-iiba ko sa usapan.

Adiel shrugged. "Baka sa Australia. "

I gasped. "Iiwan mo ako?!"

Tumingin si Adi kay Izra na para bang namo-mroblema but she just chuckled tsaka kami hinayaan na dalawa. Dalawang taon kasi ang tanda ni Izra sa amin kaya naman first year college na siya, kasabayan niya ang Kuya Leon ko.

"Gusto kasi ni Mommy na doon ako mag-aral, inaasikaso na yung VISA ko," kagat-labing sagot niya.

"Bakit hindi mo sinabi?!" nagdadabog na ani ko.

Siya na nga lang ang meron ako dahil busy si Izra tapos pati siya aalis? Ang unfair ng mundo!

"Malayo pa naman 'yon, Jana," pakonswelo niya pa. "First year palang natin sa senior high ngayon, may dalawang taon pa bago ako lumipad."

"Ang daya mo naman," napanguso ako. "Pero sige, kapag sinagad ako ni Lord dito, susunod ako sa 'yo."

She chuckled and we three ended up hugging each other.



AFTER THAT LITTLE chitchat with the girls, kaagad akong umuwi sa condo para makapagpahinga. And yep, I'm living alone. Lumayas ako sa puder ni Mama dahil naghiwalay sila ni Papa, at ayoko namang pumunta kay Papa na kasama ang kabet niya.

I better be alone.

Napabuntong hininga ako nang may nagdoorbell. Wala naman akong ine-expect na bisita ngayon, nakakainis talaga.

"Ano ba yun?" bungad ko pagkabukas na pagkabukas ko sa pintuan.

"Avril Janayah!" Sigawan ng dalawa.

Kaagad na yumakap sa akin si Yasser at si Kuya Leon, mga pinsan ko sa side ni Papa. Isa sila sa dahilan kung bakit safe na safe ako rito kahit na mag-isa ako. Dati ay malayo silang nakatira sa akin pero nang nalaman nilang gusto kong mag-isa ay kaagad nilang binili ang condo unit na katabi ng condo ko.

If OnlyWhere stories live. Discover now