MONDAY CAME AND I became very busy. Kung hindi sa condo, ay nasa school naman ako. Last gala naming tatlo nina Adiel ay yung sinundo pa namin si El.
Wow, nickname basis.
Napailing ako. Simula nang masundo namin ang lalaking 'yon ay wala siyang ginawa kung hindi buwesitin ako. Kulang nalang bombahin ko siya sa inis.
Wala siyang ibang bukambibig kung hindi crush niya ako! Akala ko nga mahiyain siya kagaya ng sinabi ni Yasser pero parang hindi naman! At ang nakakainis pa, kapag wala sina Kuya ay siya ang bantay ko. Hindi ko nga alam kung anong silbi ng bakasyon niya e nagbabakasyon lang naman siya sa condo ko.
"Kuya, malapit na ako matapos sa klase ko," sagot ko sa tawag niya.
"Alright, do you wanna buy me something for you?" sagot ni Kuya sa kabilang linya.
Umiling ako. "Hindi na po, sunduin mo lang ako. Drive safely!"
Matapos nun ay binaba ko na ang tawag at nagfocus sa last class ko. 4:30 PM ang dismissal namin, maaga akong makakauwi ngayon dahil wala namang meeting sa org namin.
"Celiz, una na ako!" kinawayan ko ang kaibigan ko tsaka tumakbo pababa ng building.
Excited akong bumaba dahil makikita ko si Kuya Leon. Busy siya nitong mga nakaraan dahil nga may requirements pa siyang inaayos, si Yasser naman ay graduating at ongoing ang immersion niya sa isang company dito.
Nang makababa ako ay kaagad kong natanaw ang sasakyan. Ang nakapagtataka lang ay hindi ito kotse ni Kuya Leon. Ferrari ang nasa harap ko, BMW ang kotse ni Kuya.
Napataas ang kilay ko nang lumabas ang driver. Si El.
"Ginagawa mo rito?" pagsusungit ko pa.
He shrugged. "Didn't Leon told you? He can't pick you up, may biglaang lakad po siya."
I sighed tsaka napanguso. "Akala ko pa naman si Kuya na magsusundo sa 'kin."
He chuckled. "It's okay po, come on."
Kinuha niya ang bag ko tsaka nilagay sa backseat. Papasok na sana ako sa kotse nang may tumawag sa akin.
"Avril!"
Nilingon ko ito at nakita kong si Tristan ito, ang ex fling ko. "Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na tigilan mo 'ko?"
Ngumiti siya. "Gusto ko lang namang makausap ka—"
I cut him off. "Nag-usap na tayo, Tan. Ayaw ko nga sa 'yo, malinaw na ba?"
He sighed at lumapit pa. Naalarma naman si El at agad na hinarang ang katawan niya. Talagang hinarang niya, ang tangkad! Para na siyang Great Wall of China dahil natatabunan niya ako.
"My girlfriend said stay away from her, isn't that clear to you?" halatang-halata sa boses niya ang inis.
Anong girlfriend pinagsasasabi ng isang 'to? Nananaginip ba 'to?
Tan scoffed. "Girlfriend? Ang pagkakaalam ko single siya."
He shook his head. "Bulag ka ba? Hindi mo ba ako nakikita?"
I chuckled. Sira naman pala ulo nito, e. Hinayaan ko siyang makipag-usap habang ako'y pumasok na sa kotse.
In fairness, ang bago ng kotse niya. Ano kayang perfume niya? Mamahalin kaya? Makahingi nga.
Napapitlag ako nang sumara ang pintuan ng driver's seat. Nakabusangot siyang nagdrive.
"Hoy, problema mo?" pukaw ko sa atensyon niya.
YOU ARE READING
If Only
Teen FictionFynh Elias Donovan, a manila boy, had a long time crush named Avril Janayah Romanov, a morena-cebuana. Elias decided to visit Cebu just to see her with the help of Jana's cousins. It was his first time seeing Jana in person and he's been mesmerized...