Chapter Two

1 0 0
                                    

A WEEK AFTER that incident, it became good. Hindi naman ako pina-guidance, kapag ginawa niya talaga 'yon may paglalagyan talaga siya.

I became loaded with shoolworks dahil malapit na ang midterms exam. Hindi ko nga maipaliwanag, ang bilis ng panahon at kakatapos lang din ng research defense.

It's been... A hell months for me. Na-manage naman ng grupo ko na makapagpresent and in fact, we got the highest score. Hindi naman siya mahirap since El always helped me. He even became my study buddy kapag may quiz ako kinabukasan at kailangan kong mang-aral.

Hindi ko rin alam kung ilang buwan ang bakasyon ng isang 'to, kung makaasta kasi siya ay parang gusto na niyang tumira rito. Wala rin naman siyang binabanggit sa 'kin tungkol sa pag-uwi niya, kaya ang iniisip ko ay baka mahaba-haba nga ang bakasyon niya.

"What if maglive together tayong tatlo?" Adiel suddenly opened up.

Binato siya ng popcorn ni Izra. "Bobo ka? Edi mas lalo ka naming mami-miss kapag umalis ka."

I agreed while eating popcorn. Nandito kami sa condo ko para mag movie marathon. Wala raw kasi silang ginagawa kaya naman napagpasyahan nilang tumambay dito.

At dahil wala rin naman akong pending activities ay pumayag na ako.

Napanguso si Adi tsaka lumingon sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ako umiiyak pero kapag ginawa natin 'yang suggestion mo, ay talaga."

She chuckled. "Ang KJ niyo naman, e! Ayaw niyo ba? Kaunting time lang natin together, ito na nga lang yung paraan bago ako umalis."

And she had a point. Pero kasi, ayoko talaga. Disagree ako, sobra. Nahihirapan na nga ako kapag iniisip na aalis siya tapos gusto niya pang mag live together kaming tatlo para naman daw makapagbonding.

Ang daming memories na nakakaiyak nun! Hindi ko siya magagawang tignan sa mata kapag araw-araw ko siyang nakikita. Palaging sumasagi sa isipan ko na aalis din siya at iiwan ako, kami.

"Come on! We could buy a penthouse! Top floor!" pamimilit pa nito.

May kaya naman ang pamilya namin. Hell, Izra is a Chua while Adiel is Bautista. And that makes us the powerful of all!

Chua owns hotels and resorts all over the world. While Bautista owns a big supermarket that has branches all over the world, too. Ang pamilya ko naman, Romanov, ang nagmamay-ari ng mga wines and liquors na binebenta at ine-export sa kahit anong bansa.

Kulang na nga lang magpatayo kami ng tower para ipagsama ang assets namin. Hindi ko lang alam kung may mas mayaman pa ba.

"Ayaw nga kasi namin ni Izra," I said. "Tsaka, ayaw kitang makita palagi. 'Yang pagmumukha mo, naaalala ko lang na aalis ka rin."

"Yup," Izra agreed in unison. "Hirap na hirap na nga kami rito kahit malayo tayo sa isa't-isa. Paano pa kaya kapag tumira tayo sa iisang bubong?"

Adiel pouted. "Mahirap ba talaga? Pasensya na kayo, ah, kailangan kasi talaga."

Agad akong tumayo at iniwan sila sa sala. "Bwesit, huwag na nga sabi pag-usapan, e!"

Rinig ko namang natawa silang dalawa kaya wala akong nagawa kundi ngumuso. Pumunta ako sa kusina para sana maghanda ng meryenda since hapon na rin naman na. Kaninang umaga pa kasi sila rito and we really enjoy the bond kaya naman naisipan nilang sa gabi nalang umuwi.

I sighed as I prepare the slice bread and chocolate bar. Fried chocolate sandwich ang gagawin ko para masustansya pa rin kahit may tsokolate.

I sliced each corner of the slice bread and get the rolling board, as soon as I am satisfied with the flat texture of the slice break ay kaagad kong nilagay ang chocolate sa gitna. After that, I opened some condense milk, nilagyan ko ng condense milk ang magkabilang side ng slice bread and fold the slice bread into half while the chocolate is placed inside of it.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If OnlyWhere stories live. Discover now