Dumating si Seinna sa Blackthorn Veil Institute na tila isang malamig na hangin sa gitna ng tag-init. Sa kanyang mga mata, may kakaibang liwanag- hindi ito ang tipikal na pananaw ng isang estudyanteng nag-uumpisa sa isang misteryosong paaralan. Para sa kanya ang kampus ay puno ng panganib at lihim, at sa mga oras na iyon, nahulaan niyang may magtatangka sa buhay niya dahil sa mga matatalim na tingin ng mga estudyante at sa araw na iyon ay magiging simula ng isang masalimuot na araw ang sasalubong sa kanya.
Ngunit sa likod ng kanyang matatag na anyo, may mga estudyanteng nagbabalak ng masama. Para sa kanila, si Seinna ay isang balakid- isang hamon na dapat matagumpayan. Sinasabing ang bawat slot sa mga laro ay nagdadala ng malalaking gantimpala, at ang mga hindi makakahabol ay malamang na mamatay. Ang mga nakapaligid sa kanya ay nag-plano na patayin ang bagohan sa kampus may at makakuha ng pagkakataon sa mga laro, hindi nila alam na si Seinna pala ay may aking galing sa pagkikilaban.
Habang ang mga estudyante ay sumugod sa kanya, nagdilim ang kanyang paningin at naging alerto sa mga may dala ng dos por dos at baril kaya hindi siya natamaan. Hindi siya papayag na saktan lang siya ng ganon lang. Sa isang iglap, ang sigaw ng isang estudyante ay umabot sa kanyang tainga, ngunit ito'y naunahan ng tunog ng mga yapak sa kanyang likuran. Wala nang panahon para mag-isip; kailangan niyang lumaban.
Sa mga sumunod na sandali, naganap ang labanan. Ang mga estudyante ay nagtatangkang sugurin siya, ngunit si Seinna, ginamit niya ang kaniyang pinakaalagang si Smoky at ginamit ang lahat ng kanyang natutunan niya sa underground. Sa kanyang galaw ay unti-unti niyang napabagsak ang ilan sa mga nagtatangkang patayin siya, ngunit hindi lahat ay namatay. Isa-isa, ang mga estudyante ay bumagsak sa kanyang paligid, ang ilan ay tila hindi na makabangon.
Samantala, si Damien, na papasok na sa kanyang klase, ay napadaan kung saan may nagpapatayan. Ang ingay ng labanan at ang mga sigaw ng takot ay umabot sa kanyang pandinig. Pero sa paglapit niya, isang hindi pamilyar ang humarap sa kanya -si Seinna, ang mga mata nito ay puno ng galit, tinutukan siya ng baril sa kanyang direksyon. Sa mga sandaling iyon, nagpasya siyang hindi matatakot at ngumisi lang; ang pagkakatagpo nilang dalawa ay tila naging simula ng isang hindi inaasahang labanan- hindi lamang laban sa mga kaaway, kundi laban sa kanilang sariling mga damdamin at nakatagong lihim.
"Bagohan ka?" tanong ni Damien, ang kanyang boses ay naglalaman ng pangimbestiga "Bakit ka nandito?"
Ngunit si Seinna, sa kanyang galit ay hindi magawang magpigil. Ang laro ay nagsimula sa pamamagitan ng patayan, at sa ilalim ng madilim na ulap ng panganib, ang mga lihim sa likod ng madilim na ala-ala ay nakatago at pilit na makawala at makalimot.
Habang nakatutok pa rin ang baril ni Seinna kay Damien, nagkaroon siya ng isang sandaling pag-aalinlangan. Alam niyang hindi niya maaaring pagkatiwalaan ang sino man sa paaralang ito, ngunit bakit tila nag-aalangan siyang kalabanin ang binatang ito? Pero ang damdamin ay hindi dapat pwedeng magpatalo sa specter, lalo na sa kalagayang niya ngayon at may mga estudyanteng magtatangka sa buhay niya. Kailangan niyang maging matatag at alerto.
Sa pagkakatitig ni Damien sa baril na hawak ni Seinna, hindi siya nagpakita ng kahit anong takot, bagkus ay ngumiti pa ito nang bahagya at nagsalita. "Sa lahat ng pwedeng makatapat, ikaw pa ang pinili nila." Ang mga salitang ito ay puno ng paghahanga, tila ba alam niyang si Seinna ay hindi magpapatalo kahit kanino.
Sa likod ng mga halakhak at alingawngaw ng mga estudyanteng nanonood mula sa itaas ng Secret Hall, may narinig silang kaluskos sa paligid. Ang mga Sentinels ng paaralan ay nagsimulang magdatingan, ngunit ang mga ito'y hindi pa lumalapit sa direksyon nila Damien. Ang lahat ay nakatingin, nagmamasid sa kanilang magiging susunod na hakbang.
Biglang nagkaroon ng blackout sa buong paaralan-isang karaniwang taktika sa Blackthorn upang magbigay daan sa mas madidilim na laro. Sa kadiliman, naramdaman ni Seinna na ito ang kanyang pagkakataon. Habang unti-unting dumidilim ang paligid, sinamantala niya ang pagkatutok ng mga mata ni Damien sa kanya at mabilis siyang kumilos, nilipat ang baril at tinutok ito sa isa pang estudyanteng nagpapakita ng intensyon na siya'y sugurin mula sa likod. Isa-isa niyang tinutukan ang mga kalaban, at tinapos ang mga ito nang walang pasabi.
Sa kabila ng kaguluhan, narinig ni Seinna ang malamig na boses ni Damien. "Hindi mo ba naisip? Isa lang ang pinag-iinteresan nila-ang posisyon ko. At ngayon, pati ikaw, gusto ka na rin nilang tanggalin."
Hindi nagpatinag si Seinna. "Hindi ko kailangan ng posisyon mo pero kailangan kong manatiling buhay," sagot niya, at isang maikling sandali ng tahimik na pagtingin ang naganap sa pagitan nila. Sa tingin pa lang ni Damien, alam niyang hindi ordinaryong estudyante si Seinna.
Ngunit bago pa nila magpatuloy ang pag-uusap, dumating ang Sentinels -mga guard na may dalang pamalo at hindi nagdadalawang-isip na patayin ang sino mang lumabag sa mga batas ng Blackthorn. Pinigilan nila ang mga estudyanteng walang permission galing sa Phantom Rector.
Dahil dito, nagpatuloy na lamang si Seinna sa kanyang paglalakad palayo sa Silent Hall, dala ang lahat ng pinagdaanan niya sa araw na iyon. Alam niyang hindi iyon ang huling laban, at mas marami pang balakid ang kanyang haharapin sa mga susunod na araw. Ngunit sa likod ng kanyang tapang, alam niya na may kaaway siyang hindi pa lubos na kilala-ang sistema ng Blackthorn mismo.
Samantalang si Damien ay tahimik na napangiti habang pinagmamasdan ang papalayong si Seinna, iniisip niya ang susunod na hakbang. May misteryo ang dalaga, at nais niyang malaman ang lihim nito, hindi lang para sa sariling interes, ngunit para na rin sa survival niya sa mundong iyon.
YOU ARE READING
Whisper in the Dark
FanfictionSa Blackthorn Veil Institute, ang karangyaan at kasamaan ay isang malaking tradition ng mga estudyante nag-aaral at naninirahan doon. Pagdating ni Sienna, agad siyang naging target ng mga estudyanteng handang pumatay para sa kapangyarihan at kaligta...