SEINNA P.O.V
Habang naghahanda ako para sa survival game ng araw na iyon, pumasok ako sa Black Chamber upang magpalit ng damit. Gusto kong siguraduhing maayos at komportable ang suot ko dahil hindi biro ang labanan sa survival game. Pero pagdating ko sa Chamber ko, halos napamura ako sa nakita ko—sirang-sira ang kasuotan kong pinaplanong suotin, at hindi lang basta sira. Punit ang mga manggas at may malaking butas sa gitna ng tela. Halatang sinadya.
"Napakamamahal ng mga ito," bulong ko, nanginginig ang kamay habang hawak ang mga punit na damit.
"Ano na ang gagawin ko ngayon? Sobrang mahal ng isang set nito, mas mahal pa sa bigas!" Nakatitig ako sa sirang-sira kong Christian Dior, sinisilip ko kung may pag-asa pa bang maisuot. Pero mukhang wala na—parang ginupit nang sadya, punit-punit ang bawat sulok.
Sino ba ang ganito ka-walang kwentang tao para sirain ang gamit ng iba? At walang ibang sumasagi sa isip ko kundi ang batang iyon— BATA!. Hindi ko pa siya kilala nang lubos, pero sa dami ng naging kasalanan nya sa akin nitong mga nakaraang araw, tila nga naman siya ang perpektong suspek.
“Ikaw ba ito, ha?” bulong ko sa galit, nagngingitngit ang loob ko. “Kung ito ang paraan mo para masira ang araw ko, mali ka.”
Habang iniisip ko kung paano aayusin ang sirang damit, may biglang nagbukas ng pinto sa Black Chamber at mabilis na lumabas. Napansin ko ang cellphone sa kamay ng estudyanteng iyon, at bago pa ako makapag-react, naisip ko agad na naka-bra lang ako. Walang kataposan silang kumukuha ng video, mukhang sinadya pang kunan ako dahil sa kalagayan ko.
“Sandali!” sigaw ko, pero nawala na siya bago ko pa siya mahabol. Ang galit at kahihiyan ay bumalot sa akin, para akong pinagtulungan ng buong mundo sa mismong araw na ito. Wala na ngang damit, na-video pa ako sa ganitong nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Ganito ba sila mag-welcome ng bago sa paaralan na ito? Pwes, humanda kayo.
Sumugod ako palabas ng Black Chamber, walang ibang suot kundi ang mga punit na tela at ang natitirang dignidad ko. Alam kong pinag-uusapan na ako sa buong campus, at sa bawat hakbang ko, naririnig ko ang mahihinang tawanan, mga bulungan na tumatagos hanggang sa kaibuturan ng pagkatao ko.
"Akala ko pa naman matibay siya."
"Ayan, napapahiya rin pala."
Habang iniikot ko ang campus sa paghahanap kay bata, bawat hakbang ay parang inaasar na ako ng tawanan at pang-iinsulto.
“Hoy, hindi ako katulad niyo! Kung nasisiyahan kayo sa kahihiyan ng iba, wala akong pakialam.” Sigaw ko sa kanila at kumuha ako ng bato at binato sa kanila.
Sa gitna ng paghahanap ko, may napansin akong plastic bag na nakaipit sa bintana sa likod ng Iron Vault. May damit sa loob—malinis, bago, at akmang-akma sa sukat ko. Napahinto ako, sinisilip kung may patibong ba o kung kanino ito galing. Alam kong ito ang tanging paraan para matago ang katawan ko na kitang-kita na masyado, pero may duda pa rin akong nararamdaman.
"Kung sino ka mang nag-iisip na awa ito, hindi ko kailangan ng awa mo," bulong ko, kahit alam kong wala namang makakarinig.
Wala na akong nagawa kundi kunin ang damit at magpalit. Alam kong hindi ako puwedeng tumagal sa Iron Vault na nakikitang ganito, kaya pilit kong itinago ang inis at pinilit na maglakad na parang walang nangyari. Pero hindi pa rin nawawala ang galit ko—sa bawat tawa at bawat malisyosong tingin ng mga estudyante, mas lalong gusto na talaga malaman kung sino ang gumawa nito sa akin. Lalong tumitibay ang hinala ko. Isa lang ang may motibo at lakas ng loob para gawin ito— si Bata!
Nagpatuloy ako sa paghahanap, iniisip ang bawat lugar kung saan maaaring magtago ang batang iyon. Sumilip ako sa mga sulok ng Rouge's Corner, pumasok sa Black Ledger, at kahit sa mga bukas na Cloak Room. Wala akong ibang nais kundi makita siya, maipakita sa kanya ang galit at kinakamuhian ko siya.
YOU ARE READING
Whisper in the Dark
FanfictionSa Blackthorn Veil Institute, ang karangyaan at kasamaan ay isang malaking tradition ng mga estudyante nag-aaral at naninirahan doon. Pagdating ni Sienna, agad siyang naging target ng mga estudyanteng handang pumatay para sa kapangyarihan at kaligta...