SEINNA P.O.V
Dumating ako sa Blackthorn Veil Institute na tila isang malamig na hangin sa gitna ng tag-init. Sa aking mga mata, may kakaibang liwanag—hindi ito ang tipikal na pananaw ng isang estudyanteng nag-uumpisa sa isang misteryosong paaralan. Para sa akin, ang kampus ay puno ng panganib at lihim. Sa mga oras na iyon, nahulaan ko na may magtatangka sa buhay ko, dulot ng mga matatalim na tingin ng mga estudyanteng na nag-aabang ng tamang pagkakataon. Sa araw na iyon, ako ay walang kaalaman na ang simula ng aking pakikipagsapalaran ay puno ng mga madilim na pagsubok.
Habang naglalakad ako sa mga madilim na Secret Hall, maririnig ang mga boses ng mga estudyanteng nag-uusap, ngunit nagmistulang mga huni ng insekto sa aking pandinig. Ang hangin ay tila nag-uumapaw ng tensyon, at sa aking likuran, may mga yapak na tila sumusunod sa akin. Agad na ako naging alerto dahil sa mga bulong ay tila naglalaman ng masamang balak.
Sa likod ng aking matatag na anyo, may mga estudyanteng nagbabalak ng masama. Para sa kanila, para bang ako ay isang malaking balakid— isang hamon na dapat tagumpayan. Sinasabing ang bawat slot raw sa mga laro ay nagdadala ng malalaking gantimpala, at ang mga hindi makakahabol ay malamang na mamatay. Hindi nila alam na experto ako at may likas na galing sa pagkikilaban.
Habang papalapit ang isang grupo ng mga estudyante, nagdilim ang aking paningin. Sa pagtanaw ko, may nakita akong may dalang dos por dos at baril. Sa isang iglap, ang sigaw ng isang estudyante ay nawala dahil sa isang putok ng baril na siya dalang-dala ko, at may tunog ng mga yapak sa aking likuran. Wala nang panahon para mag-isip; kailangan kong kumilos at lumaban.
Ang mga estudyante ay nagtatangkang sugurin ako, ngunit gamit ang aking mga natutunan mula sa Black Market, agad kong ginamit ang aking pinaka-minamahal na si Smoky. Sa bawat galaw, unti-unti kong napabagsak ang ilan sa mga nagtatangkang patayin ako.
Isang estudyanteng nagngangalang Jhonny ang unang sumugod. Nag-back flip ako at ginamit ang natutunan ko sa mga laban ko noon at gamit ko na ulit ang mga diskarte sa pakikipaglaban. Aba ayos, isang mabilis na suntok ang tumama sa panga ni Jhonny, na nagdulot sa kanya ng pagdurugo sa . Ngunit sa kabila ng aking tagumpay, may mga nakahandang sumugod sa paligid ko, para naman silang zombie.
"Patay tayo dito! Huwag mong hayaang makawala siya!" sigaw ni Nico, isa pang estudyanteng may hawak na baril. Ang kanilang tinig ay tila parang isang bulok sa basurahan habang ang mga iba ay sumunod at sumugod sa direksyon kung saan ako naghahanda.
Habang ang mga katawan ay makalat at duguan sa paligid, ako ay walang humpay na lumilipat mula sa isang posisyon patungo sa iba, ang aking pag-iisip ay puno ng galit. Pero hindi ito naging madali; isa-isa, ang mga estudyante ay bumangon at nagbabalik sa laban. Ang ilan sa kanila ay nagdala ng mga patalim, habang ang iba ay naglabas ng mga nakamamatay na sandata. Sa isang saglit, ako ay naharap sa isang estudyanteng may malaking dos por dos na tila handang durugin ako.
Ilang sandali nanalo ako sa mga nagtatangka sa buhay ko, may isang lalaki, nakita ko na papasok na sa kanyang klase, ay napadaan kung saan may nagpapatayan. Ang ingay ng labanan at ang mga sigaw ng takot ay umabot sa aking pandinig. Pero sa paglapit niya, isang hindi pamilyar na tao ang humarap sa akin—moreno, matangkad, at gwapo ang mga mata nito ay kalmado, tinutukan ko ito ng baril.Sa mga sandaling iyon, ngumisi para bang tuwang-tuwa pa Siya na tinutukan ko ito ng baril.
"Bagohan ka?" tanong ni Damien, ang kanyang boses ay naglalaman ng pangimbestiga. "Bakit ka nandito?"
Ngunit ko naman ito kakausapin? Hindi magawang magpigil. "Hindi ba ito ang laro na dapat ipanalo sa pamamagitan ng patayan," Tanongko, ang aking boses ay puno ng galit at gigil pumatay.
"Sa ilalim ng madilim na ulap ng panganib, ang mga lihim sa likod ng madilim na alaala ay pilit na naglalaban upang makawala." Tanging sagot lang nito sa aking at ngumisi pero tinaasan ko lang ng kilay. Anong connect?
Habang nakatutok pa rin ang baril ko sa ulo ng bata, nagkaroon ako ng isang sandaling pag-aalinlangan. Alam kong hindi ko maaaring pagkatiwalaan ang sino man sa paaralang ito, ngunit bakit tila nag-aalangan akong kalabanin batang ito? Ang aking damdamin ay hindi dapat magpatalo sa specter pero bakit?. Sa pagkakatitig ng bata sa baril, hindi ko siya na kitaan ng takot, bagkus ay ngumiti pa ito nang bahagya. Nangangasar ba ito? Hindi nakakatuwa.
"Sa lahat ng pwedeng makatapat, ikaw pa ang pinili nila." Ang kanyang mga salita ay puno ng paghanga, tila ba alam niyang hindi ako magpapatalo kahit kanino.
Ngunit hindi nagtagal, isang malalakas na tunog ang bumasag sa katahimikan ng aming pag-uusap ng bata. Isang pagsabog ang umalingawngaw sa paligid, nagdulot ng takot at kaguluhan. Ang mga estudyante ay nagtakbuhan, ngunit ako ay ay nanatiling nakatayo, ang aking mga mata ay matalas na nagmamasid sa paligid. Sa gitna ng kaguluhan, nakaramdam ako ng panganib sa likuran ng bata kaya agad ko pinutokan ang lalaki sa likod ng bata.
Sa isang biglaang paggalaw, may isang estudyanteng nagngangalang Sal ang sumugod mula naman sa aking likod, hawak ang isang batong may matulis na dulo. Hindi ako nag-atubiling tumalon, at sa isang putok na naman ang aking pinakawala, natamaan ko si Sal sa puso, na nagdulot sa kanya ng pagbagsak.
"Huwag kang mag-aalala," bulong ko kay Sal habang nakatingin ako sa dugoan na katawan nito, "hindi ako papayag na matalo."
Sa kabila ng kaguluhan, narinig ko ang malamig na boses ng bata. "Hindi mo ba naisip? Isa lang ang pinag-iinteresan nila— ang posisyon ko. At ngayon, pati ikaw, gusto ka na rin nilang tanggalin."
"Ngunit hindi ko kailangan ng posisyon mo, kailangan kong manatiling buhay," sagot ni ko, at isang maikling sandali ng tahimik na pagtingin ang naganap sa pagitan nila.
Bago pa sila tuloyang puro dugo na sa Secret Hall ay dumating ang mga Sentinels—mga guard na may dalang pamalo at handang patayin ang sinumang lumabag sa mga batas ng Blackthorn. Pinigilan nila ang mga estudyanteng walang permission galing sa Phantom Rector.
Sa kabila ng panganib, nagpatuloy ako sa akig paglalakad palayo sa Silent Hall, dala ang lahat ng pinagdaanan ko sa araw na ito. Alam kong hindi iyon ang huling laban, at mas marami pang balakid ang aking haharapin sa mga susunod na araw. Sa likod ng aking tapang, may isang kaaway akong hindi pa lubos na kilala—ang sistema ng Blackthorn mismo. Kailangan ko maging isa sa pinakamalakas at pagbabayaran nila ang kalokohan ginawa nila sa pamilya ko!
YOU ARE READING
Whisper in the Dark
FanfictionSa Blackthorn Veil Institute, ang karangyaan at kasamaan ay isang malaking tradition ng mga estudyante nag-aaral at naninirahan doon. Pagdating ni Sienna, agad siyang naging target ng mga estudyanteng handang pumatay para sa kapangyarihan at kaligta...