KABANATA 2

5 3 2
                                    

SEINNA P.O.V

Sa mga sumunod na araw, ramdam ko ang mga mapanuring mata ng mga estudyante. Nagkalat ang mga tsismis sa buong campus, at ako ang pinagkakaisahan ng mga sulyap, na para bang ako mismo ang may sala sa lahat. Sanay ako sa mga intriga—pero ngayong ako ang sentro ng bulung-bulungan, nakakainis pa rin.

Pumasok ako sa cafeteria para kumain nang matahimik, pero hindi pa ako nakaka-upo nang marinig ko na ang yabag ng isang grupo ng mga babaeng lumalapit. Nagsisimula na naman sila.

"Oh, tingnan niyo, nandidito ang 'queen' na nagpapanggap na cool," sabi ng isa, tumawa ang iba nang pabulong.

"Do you really think na bagay ka rito? Sa campus na ito?"

Hindi ko sila pinansin at patuloy na nagbukas ng aking pagkain, pero nagpatuloy sila.

"Aba, feelingera ka rin pala, ano? Kumportable ka ba, ha? Kahit obvious naman na hindi ka gusto rito?"

Ibinaba ko ang mga mata ko sa kanila, hindi nagpapatinag, kahit anong sabihin nila. Pero hindi sila natigil.

"Kung ako sa'yo, iiwas na ako," sabi ng pinuno ng grupo, may paghamak sa kanyang tono.

"Hindi mo deserve maging parte ng buhay namin. And guess what? Wala namang gusto sa’yo."

Tumawa ang mga kasama niya, parang pinapalibutan ako ng matutulis na saksak ng mga salita nila. Huminga lang ako nang malalim at nagpasya nang sumagot, pero bago pa ako makapagsalita, may boses na sumingit mula sa likuran.

"Really? You’re all so obsessed with her for someone you supposedly don’t care about," malamig na sabi ng isang boses.

"Ang dami niyong sinasabi, but you're all still here, acting like this matters." Dagdag pa nito.

Napalingon ako at nakita ang batang ito na nakatayo na sa likuran ng grupo. Mukhang hindi siya interesado sa atensyon nila, pero halata sa mga mata niya na hindi siya natutuwa. Sinubukan kong hindi magpakita ng kahit anong reaksyon. Hindi ko siya kilala at, honestly, wala siyang karapatang makisali.

"And bakit ka naman nakikialam, Damien?" tanong ng isa sa mga babae, tumitingin sa kanya na parang wala siyang puwang dito.

"Are you seriously defending her? Wow, akala ko matalino ka." Maarteng sinabi nya ito sa harap ng bata.

Arte at landi lang naman alam nito.

Nakita ko ang bahagyang pagngisi ng batang ito, pero ang tingin niya sa kanila ay puno ng panghahamak.

"Matalino? Maybe. But I don’t waste my time bullying people, especially not over things you clearly know nothing about." Malamig niyang sinagot ang tanong. Englishero pala batang to.

Napatigil sila, pero hindi pa rin bumitiw ang isa sa mga grupo ng mga babae sa kanyang pagpapakitang pagtatanggol sa akin, at hindi ko kailangan ang pagtatanggol ng lalaking to.

"Don’t act like you know everything. Ikaw rin, nagpapakatanga lang, akala mo naman kung sino siya." Inis na sinabi ng babae at dinuro-duro niya si Damien.

Maraming estudyanteng ang nakatingin na sa direksyon namin at ang iba tuwang-tuwa pa sa pagmamahiya. Ang iba naman napa 'oh! kick out kinakalaban ang isa sa specter' hindi ko alam kung ako ba o itong grupo ng mahihina? Ang daming nasasabi ng batang ito, pero hindi naman niya naiintindihan ang sitwasyon.

Sumingit ako, tumingin sa kanya ng malamig.

"Tingin mo ba kailangan kita rito? Hindi ko hiningi na sumawsaw ka sa problema ko." Inis kong kompronta sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at ngumiti nang mapang-asar, tila hindi impressed sa sinabi ko. "Relax. I don’t need your permission to speak."

Sinikap kong hindi umirap, pero hindi ko na rin mapigilan. "Hindi naman kita tinawag rito. Paki-alamero ka lang."

Nagpakawala siya ng bahagyang tawa at tumitig sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng sarkasmo. "Paki-alamero? Let’s get one thing straight you don’t have to like me. And I don’t need anyone’s approval to do what’s right."

Napatigil ang grupo ng mga babae, at kahit gusto ko nang tumayo para makaalis, narinig ko pa ang isa sa kanila na bumaling kay Damien.

"Honestly, bakit ka ba nagpapaka-hero? Just because..." Napahinto siya saglit at lumapit sa akin taska hinawakan ang buhok ko, hahawakan niya sana ulit pero malakas ko itong tinabig.

"What? Nakakaawa siya sa paningin mo?" ang sabi niya, may bahid ng pangangasar sa boses.

"She doesn't even belong here." Ngiting arte sinabi isa sa kanila. Ikaw hindi belong dito, attention seeker.

Dumiretso ng tingin ang batang ito sa kanila, hindi ko na siya pigilan dahil ayaw magpapigil, paki-alamero talaga.

"I’d rethink your definition of 'belonging' if I were you. Ang nakakahiya talaga dito? Kayong mga walang ambag sa paaralan na ito at walang sariling iniisip kung hindi ang mga sarili ninyo. It’s embarrassing, really." Bibig nito ayaw magpaawat, pumapatol sa babae— bakla to!

Halatang napipikon ang grupo, pero hindi pa rin sila natitinag.

"Look at her! Acting tough, but we all know she doesn’t stand a chance against you." Tuwa ako at tinapon ko sa kanya ang soy sauce sa uniform nito. Opsee, sinadya.

Nakita kong ngumisi itong paki-alamerong bata, at matalas ang tingin sa kanila.

"Well, maybe that’s the difference between us. I don’t fight for nonsense. I don’t need to.” Deritsahang niyang sinabi. Eh! Ano tong ginagawa niya? Hindi ka pa dyan, i- gaslight mo pa sarili mo, kakairita kayong lahat.

Nagkatitigan kaming dalawa, at kahit na hindi ko siya kilala masyado, sinubukan kong hindi magpakita ng kahit konting appreciation sa ginagawa niya kasi paki-alamero. Wala akong pakialam kung gusto niyang 'i-defend' ako—ang totoo, hindi ko siya kailangan, at lalo kong ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya. Umismid ako, nagpupuyos ang inis sa loob ko.

Napansin ng mga babae ang iritasyon ko at lalo pa silang nagngingitian.

"See? She doesn’t even appreciate it. Ano, still feeling like to defend her, huh?" Iritang sinabi ng isa.

Sumagot siya nang walang kahit kaunting bakas ng pagsisisi sa tono niya. "Defend? No, I just hate seeing people act pathetic. If that bothers you, well, it should."

Napansin kong napasulyap sila sa kanya, at isang malalim na katahimikan ang bumalot sa grupo. Sa bawat salitang binibitiwan niya, halatang tumatama ito nang malupit sa kanila. Pero bago pa man mag-alisan ang mga babae, may huling sinabi pa ang isa.

"This isn’t over. Someday, she'll be out, and you'll see how pathetic she is."

Bumaling siya sa kanila, ang ngisi niya ay parang kutsilyong naglalandas sa kanilang mga mukha.

"Pathetic? Last I checked, it’s the insecure ones who can’t handle people they think are directly under by them. But go ahead, keep proving me right." Kalmado nitong sinabi.

Sabay-sabay silang nag-alisan, halatang napahiya sa mga salitang binato niya. Hindi ko man lang napigilan ang iritasyon ko at tumingin ako sa kanya na tila ba sinasabi kong, 'Bakit ka pa sumasawsaw sa away ng iba?'

Umiling ako nang marahan at napailing pa lalo sa inis.

"Ikaw yata ang may mali. Kung nagmamagaling ka, don’t get in my way. I don’t need your pahihimasok sa away ng iba." Inis kong sinabi dito.

Ngumiti siya, walang bakas ng hiya o pagsisisi sa mga mata niya.

"Fine by me. Just remember, you’re the one making things harder for yourself." Kalmado niyang sinabi habang pabalik sa kaniyang lamesa at kumain kaya sinundan ko ito.

Ngumisi rin ako, naglalaman ng malamig na pagkutya. "Don’t pretend to understand. You don’t know anything."

Huminga siya nang malalim, at may bahid ng sarcasmo ang boses niya nang sumagot. "Maybe not. But I know enough to see when someone’s burying themselves."

Tumingin ako nang diretso sa kanya, pinapakita ang galit at inis na hindi ko na pinipigilan. Sa aming titigan, alam kong wala akong kailangang ipakita sa kanya kundi determinasyong hindi niya mababasag. Humanda ka sa akin, feeling madaming alam sa mundo.

Whisper in the Dark Where stories live. Discover now