CHAPTER 13: Without knowing what would happen....

62 1 0
                                    

CHAPTER 13: Without knowing what would happen....

ARRON'S POV

Second Sem na. Wala na ang Pare koy. Tignan mo nga naman, iniwan ako sa ere. Pero may dahilan naman yung pag-alis ni Pareng Mar.

Nakakalungkot lang talaga.

Nalungkot din ako nung nalaman ko na nag-iyak daw si JM sa kanila nung araw na umalis si Pare.

Kapag ako kaya ang umalis?

Iyakan niya rin ako, o matuwa pa si JM?

Mula nung umalis si Pare, parang nawala na rin si JM. Hindi ko alam pero ngayon? Hindi sila JM ang kasama ko. Pakiramdam ko tuloy, parang package deal lang ako. :(

Yung, kung hindi dahil kasama si Mar, hindi ako sasamahan nila Jm.

Akala ko ba mahal ako ni JM? Bakit ganito?

Ang babae talaga, magulo. Komplikado.

Mas magulo pa saming mga lalake.

Lagi kaming nag-aaway ni JM. Buong sem ata kaming ganon. Bago umalis si Pare? Magkaaway parin kami nun.

Nagulat nga ko kasi kahit andun ako sa Park, nung bago umalis si Mar, eh andun din siya.

Si JM kasi yung babaeng, kapag kaaway ko siya, lalayuan niya ko talaga. Hindi siya pupunta sa lugar na pupuntahan ko.

(Flashback)

may swimming yung section namin. bali first and last swimming yun with Mar.

Nalaman ko kay Mar na hindi sasama si JM. sigurado naman ako na dahil sakin yun. hindi naman sa malaki ang ulo ko o mayabang ako.

Magkagalit kasi kami nun. Hindi ko na nga alam kung gano kadaming kasalanan na ang nagawa ko sakanya, o away na nagkaron kami. haays.

Tinawagan ko siya.

"Jeh, sama kana naman. Kapag hindi ka sumama, pupunta ko dyan at ipagpapaalam kita sa lola mo." sabi ko sakanya.

Alam ko naman na kung gusto nya talaga, gagawa siya ng paraan sa lola nya.

Wais yun sa ganubg bagay e.

"Ayoko. Hindi na kita kakausapin kahit kelan kapag nagpunta ka dito."

Ayaw parin..

Sabi ko kahit ayaw nya, pupunta ko sakanila.

Matigas na 'ayaw'.

Ganun siya katigas at ka-pride sakin.

Pano na lang kung siya ang naging gf ko? pahirapan siguro sa pakikipag ayos. -_-

Si Jm kasi, kapag ayaw. ayaw talaga. di papipilit.

Kakaiba siyang babae. tsk.

Ayoko pa naman ng laging nag-aaway.

(end of flashback)

Siguro dahil kay Mar kaya andun siya. Swerte naman nu'n. Sakin kasi hindi ganun yun eh.

Bahala na nga. Basta andito lang naman ako para sakanya. -__-

End of POV

XXX

[AN: Pabibilisin ko na po, at puro away lang naman yang dalawa na yan. Dun tayo sa exciting part!]

JM'S POV

November 26, 2010. Fiesta kina Leen. Hilig namin sa Fiestahan pansin nyo? HAHAHA. Mahalagang occasion yun uy!

Syempre may inuman.

Hindi po nainom si Almira. Baka masira ang image eh. Haha.

Minsan minsan lang naman kami nainom. Kapag may kasiyahan lang. Kaya kung 12y/o below and 13 y/o up ka? Uy wag inom ng inom ha. It's bad for your health.

Sabi nila it's good for the puso, to forget your problems and heartaches. Well. It isn't applicable. WALANG KATOTOHANAN!

Nangaral pa ko'y. Haha.

Yung totoo? Maunti lang kami ngayon. Ako, Dhen, Leen, Aila, at Almira lang. Ansayang fiestahan noh? Lels.

Pero maya-maya dumating si Ate Mickey. Medyo malayo yung age gap niya samin. Classmate din namin siya. Matured na siya in her looks pero not in her utak. Hehe :)

Yung barkada nila Te Mickey yung laging sinasamahan ni Arron ngayon.

Wala eh, everything just turned out to be that way. -_-"

Si Te Micks yung tanggera namin, ayun nalasing na ko. Grabe antataas ng lagay eh! Lakas ng tama sakin. Anlikot likot kopa.

"Hoooy Jeh, pumirmi ka nga dito, kaya ka nahihilo eh. Kung saan saan kapa napunta dyan." Sigaw sakin ni Leen.

Si Dhen naman walang pakelam sakin. May tama na rin kasi siya. -_- Pero ako yung malakas ang tama. Kapag daw kasi malikot, lalong tinatamaan ng alak.

"Sabihin natin kay Arron, pumunta rito. Para makita ka niyang ganan. HAHAHA" -___- Okay Almira.

Mabuti nga yun eh. Para malaman ko kung may pakelam baga sakin yun o wala. :(

"Sige papuntahin nyo na.." At pinapunta na nga nila. Hindi naman yun pupunta dito. Sure me.

Hindi ko na maalala kung ano pang mga nagyayari basta narinig ko na lang na sinabi ni Leen.. "Pupunta na raw si Arron. Sunduin ko nalang maya sa may labas."

Siguro tini-trip ako ng mga 'to. Porke lasing na lasing ako eh. Second time kong malasing ng sobra. As in.

Una, nung first time ko uminom. Atleast graduate na ko ng Highschool nung natuto ako. Kung baga sa exam, pasado na. Pwede na. :P

Narinig ko naman.. "Ayan na sila. Dalian mo Arron! Punta ka dito." Sabi ni Dhen. Oy ayos na sila? Parang nung ilang mga araw lang, inaaway ako ni Dhen gawa ng pakikipaglandian ko raw kay Arron. Asuus. Alak nga naman.

Anla pero? Andito nga si Arron???? Huwaaaaaaaaaaaat?

O_O Mukha akong tanga tapos andito siya? Ano ba yan!!!!. >.<

"Tagay muna Arron." Si Te Micks. Tumagay naman si baluga. Uhaw din sa alak to eh. Ako, kaya lang ako nainom kasi gusto ko eh. Naniwala kase ako sa sinasabe nilang makakalimot ka raw sa alak. -____-

Umiinom parin ako. Hindi ako kinakausap ni Arron.

Hanggang sa hindi ko na kaya talaga. Ni hindi kona kaya tumayo ng ayos. Natutumba ako palagi. Pupunta kong CR para jumingle.. Pero natutumba talaga ko.

"Arron, tulungan mo nga yang si Jeh. Mamaya magdagasa pa yan dyan eh." Sinunod naman ni Arron, yung kung sino man na nagsabi nun.

Sunud-sunuran na lang ba? Hay. Walang pagkukusa ang lalaking to. Noon naman hindi ganito eh. At noon, wala akong tama ng alak. Ngayon meron. =_=

Maya-maya ipinasok na nila ko sa Kwarto. Anlikot ko raw kasi.

Sorry for the mess guys :(

Natats naman ako kasi....

Si Arron yung nagbabantay sakin dito. <3 Pinapaypayan niya ko...

Kelan kaya magiging AKO LANG?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon