12

1 0 0
                                    


I took all my things from our house with Xantheus, I don't want to see him again.

Alam ko namang wala akong karapatan para pigilan syang lumandi o makipagtalik sa ibang babae pero asawa nya na ako, e.

He lost me.

I took the ballpen from inside my bag, staring at the divorce paper that was on the living room table. My hands were trembling as I put the pen to a paper that I had to sign for our freedom.

May dalawang maleta sa bag ko at nasa kotse ko na ang ibang gamit.

Tatlong patak ng luha ang tumulo sa divorce paper nang matapos ko na itong pirmahan, nilapag ko doon ang singsing ko at nag-iwan ng note.

'I'm letting you go, Mr. Belamour.' -Ms. Alsava

Ayoko naman talagang gawin ito pero ayoko nang makita pa yon ng paulit-ulit. Ayokong makulong sa isang lalaking hindi naman dapat mahalin. Ayokong magmakaawa sa lalaking ginagago ang buhay ko.

Bumagsak ang ballpen na pinangpirma ko sa marbles na sahig na nagsanhi ng ingay ng tahimik na bahay.

Hindi ko akalain na pagsisisihan ko itong naging desisyon kong nagpakasal sa kanya.

I got in the car, at the last moment, I looked at our house that now he's the only one to live in because I will never come back.

Kusang tumulo ang luha ko nang pinaandar ko na ang aking sasakyan palayo sa bahay na kailanman ay hindi ko na babalikan.

I went back to the hospital where mommy was, I found her with her head resting on Dad's bed, she's holding Dad's hand, they were both asleep and Julius was at the end, he's also sleeping with his arms crossed.

He heard the door creak so his eyes widened, he rubbed it and came to me smiling, I waited two more hours and I wasted it to get rid of my swollen eyes.

Pilit akong ngumiti at sumilip sa magulang kong natutulog. "Thanks for watching over them, Julius,"

"No problem, she's tired of crying," lumingon rin sya kung saan ako nakatitig.

Awang-awa na ako kay mommy. "I see." bulong ko.

"Halika na, kumain na tayo, baka lumamig ang inorder kong food," bulong nya upang hindi magising sila mommy.

We sat at the small table inside Dad's room and when mommy woke up, I just fed her because I knew she wouldn't eat if I didn't feed her.

Umorder si Julius ng lasagna, rice, iba't ibang klase ng ulam at sisig. Ngayon palang ako nakakain ng sisig sa 24 years kong nandito sa mundo. Masarap pala ito.

"Mom, magpahinga ka na po sa mansion, ako na po ang bahala kay Dad, babalitaan ko nalang p-"

"No, anak, I need to be here when his eyes open, mags-stay ako dito kahit anong oras, mabantayan lang ang daddy mo," umiling sya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Dad.

Lumingon ako kay Julius na pumunta sa likod ko. "I'll bring her something to wear," bulong nya sa'kin.

"Okay, thank you,"

Mabuti nalang dahil nandito palagi si Julius, hindi nya kami iniiwan at aalis lang sya kung kinakailangan at ilang oras lang ang lilipas, babalik rin agad.

Wala talagang balak umuwi si Mom hangga't hindi pa gumigising si Dad. Hanggang ngayon, hinihintay naming dumilat ang mga mata nya.

Sinasamahan ko si mommy sa pagtulog, nakaprivate room kami at pwedeng magdagdag ng kama sa loob ng kwarto dahil malawak naman.

Apat na ang kama sa kwarto at maluwag pa rin, hindi kami nababahala sa bill dahil kaya ko naman. Minsan, tumatawag sa'kin si Xantheus pero hindi ko ito sinasagot, pinalitan ko na ang number ko, naiblock ko na sya sa lahat ng social media ko at hanggang ngayon, walang kaalam-alam ang pamilya namin ang nangyayari sa relasyon namin ni Xantheus.

Tinatanong ako ni Mom tungkol sa kanya pero gumagawa nalang ako ng kasinungalingan at minsa pa'y iibahin ko nalang ang pag-uusapan namin para hindi na marinig ang pangalan nya, hindi rin ako ligtas sa paulit-ulit na tanong ni mommy tungkol kay Xantheus dahil araw-araw namin syang pinag-uusapan.

Gusto ko nang magtapat kay mommy pero wag muna ngayon, wag muna kung kailan kailangan nila ako.

Nag-u-update sa'kin si Secretary Aerie na araw-araw dumadalaw si Xantheus sa opisina ko. Pinaalalahanan ko ang secretary ko na wag sabihin kung nasaan ako.

Narinig ko ang phone ni mommy sa bag nya na nag-ring at nakita ko ang number ni Xantheus doon. Mabuti nalang dahil tulog si mommy kaya kinuha ko ito at pinatay.

Ako ang nangialam ng phone nya, nakablock na sya sa lahat ng social media ni mommy at daddy.

"Anak, anong ginagawa mo? Bakit hawak mo ang phone ko?" nagulat ako nang magising si mommy na pumipikit-pikit pa ang mga mata. "May nagtext ba?"

"A-Ah... w-wala po... nagcheck lang po ako ng time sa phone mo dahil lowbat na ang akin," pagdadahilan ko at binalik sa bag nya ang phone.

Tumango sya na mukhang nakumbinsi ko sya at nagulat kami nang unti-unting dumilat ang mga mata ni Dad.

He's awake.

"D-Dad?" bulong ko, kumapit si mommy sa kamay ni Dad.

"D-Darling? Y-You're awake... pinag-alala mo ako, akala ko hindi ka na magigising," umiiyak na si mommy at basag-basag pa ang kanyang boses na niyakap si Dad.

Tinawag ni Julius ang doctor na mabilis lang nakapunta sa room namin. Chineck nya ang kondisyon ni Dad. "Mr. Alsava's condition is fine and he can go home," masayang balita ng doctor.

Mukhang malakas na ulit si Dad, nakakausap nya si mommy na tuwang-tuwa dahil nagising na ang hinihintay nya.

Hindi sya lumalayo kay Dad hanggang sa makauwi sila sa mansion at ako naman ay kailangang bumalik sa kompanya ko. Kakailanganin ko nang ihandle ang kompanya ng magulang ko dahil hindi na pwedeng mastress si Dad.

The next day, Leila, Amara, Nico and Rick decided to go to Bohol Panglao, I was the only one without a partner and I was behind them, Leila has a daughter, Lily, and husband Rick, Amara is carrying a child just in her womb and I was at the end of them.

Masaya na akong makita ang mga kaibigan kong masaya sa kani-kanilang napangasawa.

Yakap ko ang aking sarili, nakasuot lang kasi ako ng two piece kaya nilalamig ako.

Habang kumakanta si Leila, request ni Lily, nainggit ako bigla. The way Rick looked at her. He's so in love with Leila.

Gusto kong mainggit, masaktan sa harapan nila, magwalk-out para hindi na makita ang pagmamahalan nila pero ayoko silang balewalain.

Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko nang matapos kumanta si Leila, sobrang ganda ng boses nya, boses anghel na bumaba sa langit para kantahan ang kanyang anak.

Napapikit ako at tumingala sa langit, pinakinggan ang alon ng tubig sa dagat at hindi hinayaang kumawala ang mga luha ko. I just want peace. I don't want any more nonsense in my life.

We were watching the sunset when Amara asked about me so I turned to her. "Colleen, I still don't see a ring on your finger, when do you plan to get married?" nagtatampo ang tono ng boses nya.

"I just don't want to get married, I just want to enjoy my life... alone, I don't want to be hurt... by a man," pilit akong ngumiti.

Ngumiti lang sila. Inaya ko na silang tumayo para bumili ng maiinom.

Nagpahuli ako at napansin kong umaatras sa'kin si Nico, na para bang may gusto syang sabihin.

"Nasaktan ka?" bulong na tanong nya. Nakatingin sya kay Amara na nakikipag-usap kay Leila.

"Napakarandom mo! Haha! Syempre, hindi, walang dahilan para masaktan ako," nagsisinungaling ako para lang maitago itong nararamdaman ko.

"Really? Xantheus Chrysander Valentino Belamour?" napahinto ako nang pabulong nyang binanggit ang buong pangalan ni Xantheus. Does he know him?

"Shut up Nico, you're not funny, where did you get that name? You're just making up a story," tinaasan ko sya ng kilay habang binubulungan sya.

"He's looking for you."

Lessons in Apathy Where stories live. Discover now