CHAPTER 5

2.1K 61 8
                                    

Terrence

“Dude, for the nth time, tulala ka nanaman!"

Napabalik ako sa ulirat noong malakas na tapikin ng kung sino ang balikat ko. Mabilis na umangat ang tingin ko rito, masama ang tingin na ibinibigay sa 'kin, gayon din ang iba pa naming kaibigan.

Napailing lang ako kay Marcus bago nagsalita. “What are we talking about?" Napasinghal naman silang lahat.

“Ewan ko sa 'yo, Rence. Kanina pa kami nagkukuwento pero tulala ka. Para kaming may kasamang hangin."

“Malalim pa sa swimming pool namin 'yang problema mo e." Si Marvin na malaki ang ngisi. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“What do you mean? Pambata nga 'yang pool niyo kasi hindi ka marunong lumangoy." Napatawa naman kami dahil sa sinabi ni Marcus. Nag-asaran pa ang dalawa, nagbabatuhan ng unan.

“So, ano? Tuloy tayo?"

Kumunot ang noo ko kaya nabato rin ako ng unan ni Marvin. “Sa Tagaytay, may sikat daw na tambayan doon e."

“Tambayan? I have my own rest house there." Nag-ingay naman sila dahil doon, tuwang-tuwa dahil hindi na sila gagastos. They're really kuripot pero pagdating sa alak ay ayos na ayos sa kanila kahit na maubos pa ang allowance.

Tumaas ang kilay ko noong mapansin si Wade na malawak ang ngiti habang nagt-type sa phone niya. Halos magi-isang buwan na siyang gan'yan. Hindi mapakali, palaging may hinahanap sa paligid. Hindi rin mabitawan ang phone dahil minu-minuto yatang may tinitignan.

“Kailan ba?"

“Sa Friday, wala naman tayong pasok." Walang pasok by Friday, it's holiday kasi. Expected ko naman na mag-aaya sila ng inuman, hindi ko lang alam na gala pala ang gusto nila na for sure ay may inom din.

“Uh..." Napatigil sila, nakatitig sa 'kin. “I'll go to Baguio, sorry." Noong sabihin ko iyon ay iba't-ibang hinaing ang narinig ko sa kanila. I just chuckled because of them being oa. As if naman mawawala talaga ako.

"What? Aano ka roon? Kagagaling lang natin, ah?"

“Mamimitas ka nanaman ng strawberry?" Si Wade na natatawa sa 'kin. Ibinaba na nito ang phone, nakafocus na sa 'kin ang tingin, handang-handa na inisin at hulihin ako.

I just rolled my eyes.

“I can give you my house's spare key naman, ah?" Suggestion ko. Besides, hindi naman na ako kailangan doon, basta huwag lang nilang guguluhin ang bahay ko. "Don't worry, kumpleto lahat doon, lalo na alak."

Mabilis din na nagbago ang mood nilang lahat. Tuwang-tuwa dahil makakainom nanaman ng libre. Napabuntong-hininga nalang ako. May mga pera ang mga 'to pero mas gusto ng libre.

Hindi na nila ako pinakialaman noong manahimik na ako. I am just watching them. Maiingay sila, lalo na si Marvin na sinasabayan ni Mattheo. I don't have any reklamo dahil sanay na ako sa kanila. Mas magugulat nga ako kapag tahimik sila.

While watching on the television inside my house. Yes, we're currently at my house. Ako kaagad ang ginulo nila. Wala na yatang magawa sa condo ng isa't-isa kaya rito sa bahay ko nanggugulo. Sakto naman dahil umuwi ako, hindi sayang ang biyahe nila. My house is a bit far from my condo and school. Iba rin ang bahay ko sa bahay ng parents ko. This is just new, naisipan ko lang dahil naiirita na ako sa pangungulit ni mommy. Well, hindi niya alam ang bahay na 'to.

But what else can I do? Guguluhin lang niya ako at pauulanin ng mga tanong. Baka nga palayasin ako sa sarili kong bahay.

"Uy, tatay mo!" Kaagad kaming tumingin sa tv noong tinuro iyon ni Marvin. Parang ngayon lang siya nakakita ng tao roon. Nabato tuloy ito ni Vince ng unan dahil sa gulat.

Under His Grip ( Under Series # 2 ) Where stories live. Discover now