Terrence
Naramdaman mo na bang mainis sa isang tao kahit wala naman yatang maayos na dahilan? Iyong pakiramdam na gusto ko nalang sikmuraan ang taong nasa harap ko ngayon na malaki ang ngisi habang kausap ang isa ko pang kaibigan na gago.
“Oh, Rence?"
Tumaas lang ang kilay ko at tumingin sa ibang direksyon. Nayayamot ako sa bawat kilos niya, lalo na sa ngisi niya, ngising-aso.
“Galit yata sa ’yo, p're." Narinig kong sulsol ni Marvin bago tumawa ng malakas. Napailing nalang ako at mas lalong tumingin sa ibang direksyon. Nasa sala kami habang ang iba pa naming mga kaibigan ay nasa kusina, nagluluto para sa umagahan namin. Ngayong araw din ang alis namin dito sa Baguio kaya sinusulit na.
“Hayaan mo na, baka nabitin lang sa alak."
Hindi ko na pinansin ang mga bulungan nila na rinig na rinig ko naman, mabunganga ba naman si Marvin, hindi kayang tumahimik ng isang 'to. Isasabay pa si Marcus na wala ring awat ang bibig.
“Good morning..."
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto noong may pumasok doon. Nakangiti ito habang nakatingin sa 'min. Nakaladlad din ang may kahabaan niyang itim na itim na buhok. Bahagya ring namumula ang pisngi niya na hindi ko alam kung may inilagay siya roon o natural ng gan'on ang kulay ng pisngi niya. Bumaba rin ang tingin ko sa tatlong tupperware na hawak niya.
“Good morning, Ched!” Masayang bati ng dalawa habang ako ay nanatili lang ang tingin sa kaniya. Naniningkit din lalo ang tingin ko dahil sa bagong-gising at masakit pa ang ulo.
“Morning..."
Bumaling ang tingin nito sa 'kin, bahagya lang akong ngumiti. Tumango naman siya sa 'kin bago muling ibinalik ang tingin sa ibang direksyon habang papasok ito.
Kay Marcus...
Mabuti nalang ay nagsibaba na ang mga girls kaya nabaling doon ang atensiyon niya. Hinatak kaagad siya ng mga ito papunta sa kusina.
Napabuntong-hininga nalang ako at tumayo rin upang sumunod sa kanila. May maitutulong naman siguro ako sa kusina, right?
“Ano ba, Rence! Mali naman 'yang ginagawa mo, e!" Halos maiyak na sa inis si Jane habang nakatingin sa 'kin. Maingat nitong kinuha sa kamay ko ang kutsilyo na hawak ko. Napansin kasi kaagad nila ako kaya pinahiwa sa 'kin ang gagamitin nila sa pagluluto.
“What? I am just doing the right thing." Pagrereklamo ko dahil gan'on ang nakikita ko.
“Ano ba 'yan? Hindi na yata carrot 'yang hinihiwa mo, e. Giniling mo na." Napasimangot nalang ako bago lumayo roon. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Cheddery. Napangiti rin ako ngunit nawala rin iyon noong makitang tumabi sa kaniya si Marcus.
Umangat din ang tingin sa ’kin ni Marcus ngunit kumunot lang ang noo ko bago maupo sa kaharap nilang puwesto. Nakita ko pa ang nagtataka nitong tingin sa ’kin na mukhang wala talaga siyang ideya sa nangyayari which is good.
“Si Asher?"
“Natutulog pa," mabilis na sagot ni Wade. Napatitig naman ako sa kaniya. May hinahalo ito, siya ang taga-luto namin sa boys dahil sa 'min lahat ay siya lang ang marunong magluto.
“Alam na alam, ah?” Pagbati sa kaniya ni Chiara. Sinamaan naman niya ito ng tingin at akmang magsasalita noong inunahan siya ni Marvin na sumulpot nalang bigla kung saan.
“Siyempre! Tanungin mo rin 'yan kung alam niya ang panaginip ni Asher, baka sakali." Tumawa ito nang malakas noong binato siya ni Wade ng plastic. Nakaiwas naman ito at mas lalong lumawak ang ngisi.
YOU ARE READING
Under His Grip ( Under Series # 2 )
RomanceTerrence Howard Cojuangco, a Manila boy who fell in love with Cheddery Fragaria Yebes, a Baguio boy who's as sweet as his name, strawberry.