Author's Note:
First time ko gumawa ng neto. Pero eto ay hindi One Shot. Kundi Three-Shots. XD Meron ba nun? Hahaha. Three Chapters lang ito. Sana magustuhan nyo. :) So sana pagpasensyahan nyo na. Medyo serious type ito. Pero sana mainspire kayo. Gusto ko may mainspire kayo kahit konti. At least may ma-ishare ako sa inyo. XD Yun lamang.
Bagsakan nyo nalang ng Vote kung pwede nang pagtyagaan. Haha. Saka COMMENT na rin kung pwede. XD
Salamat :*
##############################################################
Teaser:
Madaming kabataan ngayon ang nakakaranas nito. Kahit sabihin mong karaniwan na to, paano nga kaya kung sayo nangyari mismo?
Cliche mang matatawag ang maipit between your family and the one you love, pero pag sayo na nangyari, parang isinampal sayo ang reality of life.
Sa buhay, hinding hindi talaga mawawala yung time na mamimili ka. May unang ipapriority at may iiwanan sa huli. Hindi mo pwedeng pagsabayin, kaya nga naimbento ang first, second and third. Hindi ka pwedeng magbilang ng dalawa ang one.
Nakakatawa pa nga na minsan, alam na natin kung ano ang mali at tama sa mga choices na meron tayo, still pinagpipilitan natin yung gusto natin, tapos sa huli, mag iiyak iyak at magsisisi. Yung tipong alam mo na ngang bawal, ginagawa mo pa rin. O kaya naman yung tipong alam ngang bawal, sinusunod mo naman, pero umaasa ka pa rin. Siguro nga, one day, things will turn out good.
Totoo nga talaga yung sabi nila, you really can't have it all. Sadyang may pipiliin ka at may iiwanan ka. As time passes by, saka mo malalaman kung anong binunga ng mga decision mo sa buhay. Kung nagkamali ka ba? Kung tumama ka, o both lang talaga.
Hindi na natin maiiwasan yun, ganun talaga. Life is full of choices, it is up to you what to choose. Sabi nga sa Spider Man 3...
"Whatever comes our way,whatever battle we have raging inside us, we always have a choice. It's the choices that make us who we are, and we can choose to do whats right."
Off-limits 1
"Anak, mangako ka." sabi ni mama.
Actually hindi ko na alam kung ilang beses na niya akong pinagsabihan, kinausap at pinilit na mangako tungkol dito.
"Oo nga po. Nangangako talaga ako. Magtatapos ako ng pag aaral at hindi muna magboboypren hanggat di ako nakakatapos." sagot ko.
Lumapit ito at hinaplos haplos ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Off-limits
Teen FictionSabi nila, "Treasure what you have before it becomes what you had." May patutunguhan pa ba ang paghihintay sa taong minsan mo nang pinakawalan? How do you know when to hold on and when to let go? Copyright © 2013 by June. All Rights Reserved.