Off-limits 2

900 39 4
                                    

                                                                   Off-limits 2

Simula nung araw na nilapitan niya kami sa field. Lalo pang napadalas ang pagtambay namin dun. At lalo ding napadalas ang tuksuhan sa grupo namin.

Grabe lang.

Bulgaran na nila ako tuksuhin kay Julian dahil dun sa accidental kiss. Hindi ko naman talaga kase sadya yun e!

Paminsan minsan kapag nadadaanan ko yung babaeng kasama niya dati, iniirapan pa rin ako. Yumuyuko nalang ako at nag iiwas ng paningin. May mga pagkakataon na nakikita ko silang magkasama. At aaminin ko, nasasaktan ako.

Siguro ito yung bagay na tinatawag nilang "Nahulog ka, pero dahil walang siguradong sasalo sayo, tuloy tuloy ang paglagapak mo."

Ewan. Di ko rin inexpect na ganun kabilis.

Wala man lang pasintabi. Bigla bigla ka nalang maaksidente ng hinayupak na Cupid na yan. Kung magiging judge lang ako. Hahatulan ko siya ng parusang kamatayan.

Nasa field nanaman kami. Nakaform ng circle. Kasama si Julian. Nalaman namin na free section siya kaya naman may mga pagkakataon na wala talaga siyang kasama every break time niya. Buti na nga lang daw nandito kami. At least hindi daw siya magiging loner.

"Kuya, sa tingin mo bakit may isang tao na hindi naman ganun katahimik pero bigla bigla nalang nagiging tahimik?" tanong ni Jen.

Napatigil ako sa tanong ni Jen. Minsan ang sarap lang niyang kutusan. Alam kong ako kase ang pinariringgan niya.

"Baka may problema." sagot ni Julian.

"May problema? San naman kaya?" tanong ulit nito.

"I don't know. Pwedeng family, financial...........love." sagot nito.

"OOOHHH..." sabay sabay na sabi naman nila. Saka pasimpleng tumingin saken. Sabay sabay pa sila!

"Ano ba yang pinagtatanong niyo kay....kay...kay...sa kanya?" turo ko kay Julian.

Hindi ko kase masabi ang pangalan niya. Nahihiya talaga ako. Hindi ko rin siya matawag na kuya. Tsk.

AIKO. MALALA KA NA!

"It's okay, Aiko." sagot naman ni Julian.

Napatigil nanaman ako at napatulala sa kanya. Tinawag nya ang pangalan ko.

'Aiko.'

'Aiko.'

'Aiko.'

Bakit pag siya ang bumabanggit sa name ko ang ganda ganda pakinggan.

"Aiko, okay ka lang?" sabi nito saka pi-nat ako sa balikat.

"H-ha? O-oo." nabubulol na sagot ko.

Really, kailangan ko nang iwasan ang matulala. Sino bang nagsabi kase sayong isipin mo siya! Tortang talong ka talaga!

Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin. Nakisaya narin ako at nakipagbiruan. Pero pinilit kong idistansya ang sarili ko sa kanya. Umusog ako ng kaunti palapit kay Kaye pero napansin kong umusog din si Julian palapit saken.

Umusog ulit ako.

Umusog din siya.

Umusog ulit ako.

Umusog din siya.

Hanggang sa di na ako nakausog pa. At magkalapit pa rin kaming dalawa. May naiwang space na kasya ang isa pang tao sa pagitan nila Julian at George.

Off-limitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon