Chapter 2 (Mandy and Jean)

195 3 0
                                    

"Teph!" sigaw ni Mandy mula sa likuran ko

"Steph!" Sigaw naman ni Irish sa nasa likuran ko since nakaharap ako kina Mandy

Oh crap!

3 days na akong nakiki hangout kina Irish, minsan kasama sina Monic minsan naman kame lang ni Irish. Well, maganda naman syang kasama, mabait and she's a sweet girl. Diko namalayan na naabandona kona sina Mandy

"Uhm..dika sasama?" Irish ask hesitating

"Uh.."

"Ano Teph? Iwan mo kame ulit?" pabulong na sabi ni Mandy

Tinignan ko si Irish apologetically at parang naintindihan naman nya. She nodded with a smile. At nilapitan ako "Okay beb. Text mo nalang ako. Kay?" she told me then kiss my cheek, i blush na sana di nalang nila napansin. i gulp "Sige.." at umalis na sila

Nagtataka ba kayo? Wag nyong bigyan ng malisya. Friendly kiss yun at Nauso kasi samen yung callsigns sa mga magkakaibigan. So yun, she chose beb. Sya lang naman nagsuggest nun eh. Tho naiilang pa din ako especially in public

"Sup?" i turn to them

"Sup mo mukha mo! Pinagpalit mo na kame kay Irish" Mandy sigh dramatically

"Ah.. Ehh.."

"at may pakiss kiss pa syang nalalaman ha. At ano yun? BEB?" Mandy teases

"Heh! Friendly kiss yun noh! At callsign lang naman yung.. Ikaw ha"

"Wushuuu!" si Mandy ulit

"Oh tignan mo. 3days mo na kaming iniiwan" salamat Je! At naiba ang usapan

Naguilty naman ako sa dinabi ni Je. Oo nga nagiging unfair ako. 4years ko na silang kaibigan

"Wag na kayong magtampo! Tara sa park libre ko kayong icecream!" i told them with a smile

"Osige gusto ko yan!" as expected naman kay Mandy walang tinatanggihan sa pagkain.

Pumunta kame ng park since wala na din naman pasok at naglibot libot muna

Di ko naman sila kayang ipagpalit dahil sila ang maituturing kong tunay na kaibigan. At sila lang ang nakakakilala saken ng lubusan. Dahil sila ang mga naging kaibigan ko simula pagkatapak ko sa skwelahang ito. My kaya kameng tatlo sa buhay. Makakapag aral ba kame sa ganitong skwelahan kung wala? Si Mandy Santos, mejo chubby na maputi, may itchura pero di katangkaran at siya ang pinakamagaling mangopya sameng tatlo at sya din ang joker samen at mahilig mangasar. Sya lang din ang may boyfriend samen, at take note! 2 years na sila! Sobrang inlove sila sa isa't isa eh legal nga sila ni Alken Cortez na College student while Jean Sanchez naman mejo matangkad, sya ang nerd samen at pinakamatalino, matangos ilong nya kaya lang di nahahalata dahil sa malaki nyang salamin. Maganda si Je, at lalong gaganda yan kapag tinanggal mo salamin nya. Madami ngang nagkakandarapang lalaki sakanya kaya lang down lang sya ng down. Ayaw nya daw masira ang pagaaral nya. Silang dalawa lang ang malalapitan ko sa mga panahong kailangan ko ng kaibigan. I hope Irish too ano ba bat sumingit si Irish sa isip ko! Oh well saken din naman kung lalaki o boyfriend lang eh di ako mahihirapan dahil tulad ni Je madami ding nagkakandarapang lalaki saken kaya lang hindi ko hilig makipagboyfriend e tho may naging bf's nako nung 2nd and 3rd yr na hindi naman nagtatagal. Okay! Nacoconfused kasi ako sa sarili ko. Hindi ko ba alam at hindi ko maconfirm eh

"Oy Teph. Pano pag pinapili ka namen? Kame o.. Siya?" pagputol ni Mandy sa iniisip ko. Nakaupo kame sa isang bench sa park habang kumakain ng icecream

" sinong Siya?" pakunwaring diko alam habang kinakagat ang cone

"Sus! Irish! Sino pipiliin mo?" tanong ulit ni Mandy. Well, nawala na ng parang bula yung ice cream nya

"Mahal ko o mahal ako~" pakantang sabi ni Je while licking her ice cream. Tumawa naman ako ng malakas

"Umayos ka Je. Ano nga Teph?"

"Mandy naman eh!" kung tutuusen diko alam e. I dont wanna loose them at ayoko naman iwasan si Irish ng bigla bigla nalang.. Ewan ba

"Naku Mandy si Teph ilalayo mo sa love of her life nya? Bad!" sabad ni Je

"Anong pinagsasabi mo Je."

"Pero nga Teph ano?" ayaw talaga magpatalo ni Mandy e

"Mandy. Wala, wala! Bat ba kailangan ko mamile?" inis kong sagot

"Eh pano kase iniiwan mo kame eh"

I groan. Yumuko ako at tinakpan ng kamay ko ang mukha ko "Ewan ko" i mumble

"Ano daw, ano daw?" -Mandy

"Mandy naman tigilan mo na nga si Teph. Di naman tayo iiwan nyan eh. Di nya lang kayang ipahiya si Irish syempre newbie yung tao sa skul" pagtatanggol ni Je. Oh thanks Je. I owe you

"at di nya kayang iwan kase gusto nya si Irish" ugh! Mandy tumigil ka nalang pls..

Nakayuko pa din ako at hinahayaan silang magtalo

"Edi hayaan naten kung saan masaya ang kaibigan naten diba? Tulad mo masaya ka kay Alken oh. Kaya masaya kame para sayo, dapat fair diba." galing talaga ni Je! Go Je!

"Ugh! Okay wala nakong sinabi" sabi ni Mandy na itinaas pa ang dalawang kamay. Umayos nako ng upo at yun.. Pagraan ng ilang minuto nagtatawanan na naman kame. Kaya nga mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko eh.

After ng ilang oras eh dumating na din si Alken sa park gamit ang single motor nya para sunduin si Mandy. Nag 'hi' kame ni Je sakanya at tumayo na si Mandy

"So friends. Una nako ha" sabi ni Mandy habang pasakay sa backride

"okay ingat friend! Ingat sa pagddrive Al!" paalala ko sakanila. Nag nod lang sila at pinaandar na ang sasakyan nila

"Je. Uwi na din tayo" tinignan ko ang wrist watch ko "mag sisix na din eh"

"Sige. Tara" tumayo na din kame at sabay ng umuwi

-

Tapos nakong magshower at nahiga na para matulog na ng umilaw ang cellphone ko. May nagtext. I bit my bottom lip ng makita kong galing kay Irish

Crap! I forgot to text her

"aww nakalimutan moko :( sabi ko text moko. Anyway, Goodnight beb :) seeya tomorrow. xx" napangiti ako at nireplyan naman. Ang sweet nya lang kase. Ganyan ba talaga sya kasweet sa mga kaibigan nya?

"sorry beb nalowbat ako eh. Goodnight. Kita nalang tayo sa school :) x"

I can't wait for tomorrow.. I miss her already. Ugh! Ano bang iniisip ko?

Malamang gusto mo sya sagot naman ng kabilang utak ko. I shook my head nababaliw na ata ako! Yan kasi naliligo kahit my period

Tanga! Wala naman kaso yun! Sagot nanaman ng utak ko

I cover my face with the pillow then i groan. Ng mahimasmasan ako pumikit ako't pinilit ng matulog

1 hour...2..3

"Aarrgghhh!" i groan loudly

"Phani napano ka?!" my mom yell. At kumatok sa pinto ko. Crap! Ang ingay ko

"Wala ma. Nakagat ako ng langgam! Sorry po!" i yell back

"matulog ka na nga't may pasok kapa bukas!" with that, narinig ko na ang footsteps nya papalayo sa door ko

I sigh

Pumikit ako at pinilit na matulog ulit. After 30mins.. Nakatulog din ako

Irene..

Till it's time (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon