Chapter 5

80 2 0
                                    

Stephanie

Week na lumipas simula nakatext ko si Renzo. Palagi ko din syang kasabay naglulunch. Panay libri nya saken, hatid sundo nya rin ako. Well okay lang since nakakatipid ako. Hihi

Hindi ko na din masyado nakakasama si Irene, dahil lagi nyang kasama bf nya. Nagkakamaikling convo kame pero dina tulad ng dati dahil pinipilit kong idistansya ang sarili ko sakanya at binabaling ang atensyon ko kay Renzo. Si Renzo, gwapo sya, matangkad at marami ngang may gusto sakanya though nagwagwapuhan ako eh di ako gaano attracted pero pinipilit ko parin. Malay mo madevelop ko tong nafefeel ko para sakanya diba.

"Uhm.. So Steph.. Alam mo naman siguro kung bakit ko ginagawa to?" tanong ni Renzo ng makalabas kame sa School. Dala dala nya ang bag ko

Kahit obyus naman kung ano tinutukoy nya eh nagtanong pa rin ako "ang alin?"

Nangamot sya sa batok "Ito.. Lahat.. Kase.. Kase.."

"Kase?"

"Steph, gusto kita. Obvious naman siguro yun diba?"

Di ako nakaimik sa sinabi nya

"Uhh.. Steph, pwede ba kitang ligawan?" at yun. Lumabas din yung tanong

"Depende kung sincere ka" sagutin mo sya agad ha? Bigla naman nagpop up sa ulo ko yung sinabi ni Mandy

"Swear! Sincere ako Steph. Makakapaghintay ako kung yun lang at gagawa ako ng madameng effort" biglang nabuhayan naman yung loob ni Renzo. Nasa harap pa din kame ng gate

Bigla kong nakita si Irene na palabas ng gate at nakatingin samen. Nanlaki mata ko na nahalata ni Renzo. Nangunot noo nya

"May problema ba Steph?" titingin na sana sya sa likod nya ng bigla ko syang yakapin. Ramdam kong nabigla sya pero di pumalag

"Uh.. Renzo.. Ano kase.."

"Ano?" tanong ni Renzo na nakayakap pa din

Kumawala ako sa yakap at hinawakan sya sa magkabilang balikat "Sinasagot na kita Renzo. Tayo na"

Tulad ni Renzo, maging ako nabigla sa sinabi ko. Masyado lang kase akong natense dahil nanjan si Irene

Nanlalaki ang mga mata ni Renzo "Talaga?! I mean.."

"Ayaw mo ba?" i tease

"Gusto! Gustong gusto. Akala ko kase-"

"Hi Tephie" humarap kame pareho ni Renzo sa tumawag which is Irene

"Oh. Hi Irene.. Uhh.." humarap ako kay Renzo "Babe si Irene, friend ko" then humarap kay Irene "Irene si Renzo, boyfriend ko" diko rin alam kung san nagmula yung babe eh, kusang lumabas sa bunganga ko

Nagsmile sila sa isat isa at nagkamayan "Nice meeting you"

"Dimo man lang ako binalitaan na may boyfriend kana pala"

"Uh, ngayon lang kase naging kame e" muntikan ko nang makurot sa tagiliran si Renzo dahil sa sinabi nya

"oh talaga? Ikaw Tephie ah!" i laugh awkwardly chaka sya tumingin kay Renzo "Wag mong saktan beb ko ah? Kung hindi ako makakalaban mo" chaka nya itinaas ang isang kamay nya na parang manununtok sa mukha ni Renzo

"Oo naman. Ang dami ko palang makakalaban. Haha"

"Nasan si Justine?" pagiiba ko sa usapan

"Ah nauna na. May gagawin daw silang project e" tumungo lang ako

"Ah sige iwan ko na kayo. Congrats Tephie! Enjoy your date ha?" niyakap nya muna ako bago tuluyang umalis

***

Magwowork ba kaya to? Matatanggal naman kaya yung awkward feelings ko kay Irene? Hayyy...

Try..

Till it's time (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon