Chapter 6

78 2 0
                                    

Irene

Honestly namimiss ko na si Tephie. Yung dating sya. Yung clingy, sweet at needy na sya. Madalang ko na lang syang nakakasama simula nung magkaboyfriend sya. Mali, simula pala nung magkaboyfriend ako. Minsan nga parang iniiwasan nya ako e. Diko alam kung bakit. Minsan nga kapag kasama ko si Justine iniisip ko na sana sya yung kasama ko. Diko ulit alam kung bakit.

Monday nanaman. Hays. Siguro kung kabatch at kaklase namen yung bf nya eh wala na talagang pagasa na makausap sya. Masyado syang naging distant saken

Maaga akong nasa school, nakikidaldalan muna kina Monic habang wala pa si Sir

"Uy, si Steph oh. Jackpot yan sa Bf nya habulin yun e. Ang gwapo kaya!" tumingin ako sa pintuan at nakita ang paparating na si Tephie at yung boyfriend nyang laging nakabuntot

"Alam mo akala ko talaga tomboy yan e. Tapos bigla bigla, lost tayo sa Bf nya girl! Hahaha!" diko pinapansin si Monic dahil inoobserbahan ko sina Tephie na naguusap sa tabi ng pinto. Wala pabang balak umalis yung lalaki! Teka bat naaasar ako?

Parang wala pa ngang balak umalis si Renzo at ang saya saya nilang naguusap. I wonder kung ano pinag uusapan nila. Kinuha na ni Tephie yung bag nya kay Renzo at parang sinisignalan ng umalis. Nagpout yung lalaki na parang may hinihintay. Nakita kong tumawa si Tephie chaka lumapit kay Renzo.

Parang biglang kumulo yung dugo sa sunod na ginawa ni Tephie..

hinalikan nya si Renzo.. Sa lips. Chaka lang umalis si Renzo ng nakasmile

Paiiling iling na nakasmile na pumasok sa room si Tephie at umupo sa upuan nya.

"Uy Irene! Nakikinig kaba?!" inis na sabi ni Monic. Humarap ako sakanya

"A-ah? Oo.. Osige ha baka dumating na si sir" tumayo nako

"Alam mo ang weird mo!" hindi ko na pinansin si Monic at umupo na sa upuan ko which is beside Tephie

"Goodmorning beb!" masayang bati ni Tephie pagkaupo ko. At masaya kapa huh!

I force a smile "Morning."

Sinalat nya ang noo ko "May sakit kaba? Bat parang wala ka sa mood?"

Linayo ko ang ulo ko sakanya "Ah wala to.. Di lang maganda gising ko" maging ako din hindi ko maipaliwanag kung bat bigla akong nagkaganito

Sakto namn dumating na si Sir

"Sure ka okay ka lang?" bulong ulit ni Tephie

Tumungo lang ako habang nakatingin sa harapan. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagkibit balikat sya.

**

"Sumagot na ba si Justine?" tanong ni Monic na halatang gutom na

"Hindi pa e. Sige una kana. Hintayin ko nalang sya dito"

"Sure ka ha?"

"Oo baka nagovertime nanaman nyan teacher nila"

"Okay" tumayo na si Monic at nagbeso saken bago umalis

Naiwan naman akong magisa sa waiting shed habang pilit na tinatawagan si Jus. Pero ring lang ng ring. Isa pa si Justine e. Ilang araw na din syang ganito. Pag magkikita kame sana bigla bigla hindi matutuloy dahil idinadahilan ang practice nila sa sayaw. Nawawalan na sya ng oras saken, tulad ngayon nangako syang maglulunch kame ng sabay pero nasan sya?

"Irene? Dika paba kakaen?" tumingala ako at nakita si Tephie na as usual kasama si Renzo

"Ah, hinihintay ko kase si Justine e"

"Si Justine? Eh nasa covered court sila eh" sagot ni Renzo

"Huh? Anong ginagawa nila dun?"

"Alam ko wala na silang pasok, so tumatambay tambay lang"

Bigla akong nainis sa sinabi ni Renzo. Walanghyang lalaking yun! Diman lang sagutin ang tawag ko!

"Ah sige salamat.. Uh puntahan ko nalang sya dun" tumayo nako at tumingin kay Tephie. Ewan ko kung ano bang kinaiinisan ko, si Justine o si Tephie

"Sige Tephie. Kita nalang tayo maya" magbebeso pa sana si Tephie pero mabilis akong umiwas at umalis na

Bakit ba naiinis ako ..

-

Tama nga si Renzo. Nasa covered court sila, nagtatawanan, naglalaro, nagaasaran at ang saya saya nila

"Justine?" tumigil sa pagtatawa si Justine at tumingin saken

"A-ah babe. Anjan ka–"

"Ewan ko sayo!" tumalikod ako at mabilis na naglakad palayo. Pero sinundan pala ako

"Irene teka lang!" at hinila nya ang kamay ko. Humarap ako sakanya at Harsh kong binawi ang kamay ko

"Hindi mo man lang ako itext o sagutin ang tawag ko na nagkakasiyahan pala kayo habang ako parang tangang naghihintay sayo dun!" mejo pasigaw kong sabi sa mukha nya

"H-hindi ko naman alam na tumatawag ka pala atchaka–"

"Tama na Justine. Bumalik kana dun! Tapos na muna tayo" then tumalikod ako ulit

"Ano? Ganun lang kadali? Tapos na tayo?"

Tumigil ako sa paglalakad at pumikit. Sa sobrang sakit ng loob ko siguro kaya ko nasabi yun though hindi naman ako naiiyak "Gusto ko muna ng space.."

"Pero Irene"

"Please Jus. Tigilan mo na muna ako" pagkatapos nun tuluyan nakong umalis

**
Kailangan ko muna ng space.. Kailangan kong mag-isip.. Dahil may kung ano anong bagay ang sumisingit sa isipan ko.. Tulad ni Tephie. Hindi ko alam kung ano bang dahilan ng nararamdaman kong inis pag nakilita ko sila ng boyfriend nya. Tapos dumagdag pa si Justine. Hindi ako nasaktan nung nalaman kong binabalewala nya ako, dahil inis lang ang naramdaman ko..

Till it's time (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon