~CHAPTER SEVEN~ -Weird-

72 4 8
                                    

Minzy's POV

"Yuck! Alis!" sabay tulak ko sa kanya para tumayo na sya sa pagkakapatong sa akin.

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan yung laro natin?" tanong nya with an innocent face na nakakairita.

"Hindi po so mag-aral ka na." pagtataray ko sa kanya.

"Sus wag ko na ngang tanongin halatang halata namang nagustuhan." sabay punta nya dun sa mushroom table at umupo at nagbuklat ng libro.

Thank you Lord! Sa wakas nag-aaral na rin sya!

"Buti naman nag-aaral ka na." sabay ngiti ko sa kanya kasi nakatingin sya sa akin na parang hinihintay umupo ako dun sa isang upuan pero nung ngumiti ako sa kanya tumungo sya.

Jake's POV

Ano ba to nawawala ang pagka-astig ko nung ngumiti sya. Namumula nanaman ako! Ano bang meron sa ngiti nya? Bat pagkakita ko dun sa ngiti nya parang humina ang tuhod ko at nanginig ang kamay ko at parang nanghina at natutunaw ako.

Tapos umupo na sya sa harapan ko at nag-basa na ng isang libro at about pa sa Science pa yung binabasa nya ha habang ako hindi alam yung kinuha na libro na binubuklat ko ngayon tapos tiningnan ko nga Mga alamat tungkol sa pag-ibig at mga Dyos at Dyosa. (Bat may ganito dito? Walang subject ata ang may alamat ah. . .) Yuck ano ba tong nakuha ko? Paltan ko nga.

Nung papaltan ko na bigla nyang pinigilan ako. Aish ano ba sya? Hindi nya ba torture sa akin tong pagbabasa nito?

"Bawal. Tapusin mo muna yan." utos nya sa akin

"Aish. . . sige na nga. . . Ahhh!!!" wait lang bat ako pumayag?

Tapos nag sisigaw ako. Kaasar naman kasi ayaw nya akong magpalit ng pagtri-tripang book. Tapos tumawa sya at medyo nakoryente ako dun. Bakit kaya?

"Alam mo para kang bata." tapos tumawa nanaman sya. . . Aish at dumaloy nanaman yung koryente. Langya! Anong nangyayari sakin? Baka nababakla na ako gawa sa babaeng to.

Wala akong nagawa kundi magbuklat-buklat ng boring na libro na tungkol sa alamat ibig sabihin may kinalaman ulet sa history pero may isang storya na nakakuha ng aking atensyon.

ANG ALAMAT NG DRAGON NG ILOG AT ANG MORTAL NA NAGING DYOSA NG ARAW

Mukhang makakatulog ako dito. . . Nako magwawang-wang na naman ang megaphone na bunganga ni Moth ball. . . Aish  -_________________________-

Noong unang panahon may isang matapang at pilyo ngunit malungkot na tagapag-bantay ng ilog na dragon na si Hamago Tudrata. (Ano daw? Kwago Inggrata?) Na ang ibig sabihin ay:

Ha- tadHAna

ma- pagMAmahal

go- aGOs

Tu-TUbig

dra- DRAgon

ta- TAdhana

Si Hamago ay ginawa ng pinakamakapangyarihang Dyos na siBathala upang bantayan ang pinakamagandang ilog sa mundo ang ilog ng Simula at sya ay naatasang mabuhay hanggang sa magunaw ang mundo at kapag hindi nya nagawa ito papahirapan sya habang buhay at hindi sya mamatay kaya habang buhay nya mararamdaman ang hirap. Walang magawa dito si Hamago ngunit pinilit nyang sumaya. Lagi syang nagsasaya ngunit lagi ding alerto sa anumang panganib na maaring mangyari sa ilog. Alam nya rin kung sino sino ang mga lumalapit sa ilog at sinusuri nya kung ito ay mabuti o may masamang balak.

Isang araw may dumating dito na isang napakagandang babae na may mahabang buhok, malantik na pilik mata, matangos na ilong, mapupulang labi, at maputi at makinis na kutis. Sya ay si Dyahara Timalak (Ano?! Sahara Tilaok?) iisang anak ng datu sa kanilang barangay at ang ibig sabihin ng kanyang pangalan nya ay:

Mr. Rule breaker and Ms. Rule makerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon