Sya ang aking naging inspirasyon sa kabila ng kalungkutan aking nararamdaman. Sya ang naging kapalit ng kalayaan na mayroon ako noon. Sya ang aking first true love, si Mavis.
Kabuwanan ko na, kaya inaayos ko na lahat ng aking gagamitin sa delivery room. Marami na rin akong napagtanungan sa kung paano umire at ano ang mangyayari sa akin. Ang sabi nila ang isang paa ng manganganak ay nakahukay sa lupa, at kapag nanganak ka ay para kang sinusunog ng buhay sa sobrang sakit. Pero ito na yon, wala ng balikan, syam na buwan ko itong iningatan, kaya walang sukuan kailangan ko mabuhay.
Humihilab ang aking tyan, para akong natatae na hindi, "Ano itong nararamdaman ko?" tanong ko sa aking nanay. "Manganganak kana" Ika nya.
Sobrang sakit, pero hindi ko pwede iire hanggat hindi pa sumasakit ng sobra. Nang sobrang sakit na nag sabi ako sa aking nanay na kailangan na namin pumunta sa lying in. Pag punta namin doon ay agad akong na IE. at 8 cm na ito. Kaya tinawagan na ng staff si Dra. Matias. Pagdating nya ay agad kong inire sakto sa paghilab ng akin tyan. Ang sabi sakin ni Leah, kaibigan ko sa trabaho, iere ko pero wag kong iaangat ang aking pwet kailangan nakasteady lang. Hindi ko na inisip ang sakit ng oras na iyon, ang nasa isip ko ay kailangan kong iere ng tama para malabas ko agad ang aking anak at mabuhay ako.
At sa awa ng diyos, parehas kaming buhay ng aking anak. Wala si Daniel ng mga oras na iyon dahil mas pinili nyang magtrabaho para hindi na rin maging sagabal sa akin.
Salamat sa diyos at nairaos ko ang araw na iyon, IKa-24 ng Disyembre 2020.
YOU ARE READING
BIPOLAR (Not all disability are visible)
SonstigesAnong nangyari? Saan at kailan nag-umpisa ang lahat, at bakit ko naranasan ito.