abuso

1 0 0
                                    

Ako si Mary Ann, isang common na tao na trabaho-tuloy-kain. Hanggang sa nagbago ang lahat ng mainggit ako sa mga babaeng walang trabaho at nasa bahay lang, nag aalaga ng mga anak at nag aantay nang sahod ng kanilang asawa. Noong una, sobrang inggit na inggit ako dahil sa pagod na rin sa pag tatrabaho. Nagtatrabaho ako ngunit wala akong naipupundar na gamit sa bahay o kahit makabili ng bagong bahay ay wala, samantalang ang mga full time mom ay naibibigay ng kanilang asawa ang pangangailangan nila.

Kaya nagdesisyon ako na magbago, sumugal. Sinugal ko ang career na mayroon ako ngayon which is ang trabaho ko at maayos na career, para makamit ang hinihiling kong maging isang full time mom. Kinausap ko ang aking boyfriend na si Daniel upang mag live-in at bumuo ng isang pamilya. Pumayag naman sya at nakabuo kami ng isang magandang anak na si Mavis. May anak na ako at may live in partner, isa nalang ang kailangan kong gawin, iaasa kay Daniel ang pagtatrabaho at mag resign ako sa trabaho para maalagaan ang aming anak. Akala ko noong una, ganon lang kadali hanggang marealize ko na sobrang tanga ng desisyon ko. Maling mali ang ginawa ko. Dahil sa inggit ko sinira ko ang sarili ko. Akala ko ito ang kailangan ko ngunit hindi. Ang daming pag subok na hindi ko masolusyonan dahil wala akong trabaho, at hindi rin nagtatrabaho ng maayos si Daniel (binata pa ang isip nya - puro barkada).

Wala akong ibang magawa kundi pagsisihan lang ang naging desisyon ko sa buhay. May anak na kami at hindi ko na mababago ang lahat. Ito na yun, kailangan ko makipagsapalaran para sa ikakaayos ng buhay ng aking anak.

Kaya sa nagbabasa nito, bago mo gawin - pag isipan mo ng maigi....

Dahil inabuso ko ang mayroon ako at hindi pinahalagahan ang trabaho at magulang ko na handa akong alagaan. Imbes na magfocus sa career, mas tinignan ko pa at pinahalagahan ang bagay na mayroon ang iba at hindi inisip at minahan ang mayroon ako.

a. Suporta ng aking magulang

b. Trabaho 

c. Naalagaan ko ang aking sarili

iyan ang mga nawala sa sakin dahil sa maling desisyon.

BIPOLAR (Not all disability are visible)Where stories live. Discover now