Kay tagal kong hinintay ang oras na ito
Para masabi ko ang nararamdaman ko sayo,
Pero huli na ang lahat, bigla ka na nagbago,
Sa sandaling nawala ako sa tabi mo.
sinabi mo sa akin, hihintayin mo ako,
Pero anong ginawa mo, akoy niloko mo
Alam mo ba ang nararamdaman kong ito?
Ang masaktan ng todo!
Ngunit hindi kita masisisi,
Pagkat inilihim ko ang aking damdamin,
Kaya ngayon ito lang ang aking masasabi
ang maging masaya ka sa kanyang piling
Hayaan mong palayain kita sa panahong ito,
Pagkat may nagmamay-ari na ng puso mo,
Masakit man sa akin pero dapat ko itong itago,
Para wala ng pusong magdurugo