Mika Point Of View...
Isang buwan na mula ng umalis ako sa SHIRATORIZAWA. Ayoko ng bumalik sa school na yun dahil naaalala ko lang kung paano kami natalo....
Alam kong maraming magagaling sa MIYAGI Prefecture pero bakit hindi ko sila nagawang higitan. Hindi ako makatulog gabe gabe dahil naalala ko ang toss na ginawa ko pakiramdam ko hindi ako magaling na setter dahil kung magaling ako hindi sana natalo ang team ko.
"Sigurado ka bang lilipat ka ng school? Mika wag mo ng isipin ang pagkatalo nyo dahil kahit magaling natatalo rin." seryosong sabe ni Ushiwaka.
Hindi rin nanalo ang team nila kuya mula ng talunin sila ng KARASUNO pero hindi ko makita sa mukha nya ang lungkot mula ng matalo sila.
"Magagawa ko rin kalimutan ang lahat kuya." yun lang ang tanging nasabe ko.
"Saan mo balak mag aral? Lilipat ka ba ng Tokyo?" tanong ni kuya.
"Wala akong balak iwan ang MIYAGI kuya pero ayoko ng mag aral sa SHIRATORIZAWA balak kong mag aral sa SEIJOH....
"Ano? Bakit dun? Alam mo maraming school na magaganda pwede kitang irecommend wag lang sa Aoba Johsai."
"Nakapag desisyon na ako kuya. Sige na aalis na ako."
Umalis na ako at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya.
Isang oras bago ako nakarating sa school ng seijoh. Malaki ang school nila pero mas nakahihigit pa rin sa laki ang school ng SHIRATORIZAWA. Maraming tao ang naglalakad sa loob ng campus pero nahagip ng tingin ko ang lalaking nakikipag landian sa babaeng kasama nito.
"Oikawa sigurado ka bang single ka? Ang sabe kasi ng mga classmate ko marami ka daw girlfriend sa ibat ibang section....
"Wag ka maniwala sa kanila. Hindi ko kayang lokohin ang babaeng ganyan kaganda." pambobola nito sa babaeng kasama nya.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa lalaki. Alam kong Volleyball player sya dahil sa suot nyang jersey.
"Miss naliligaw ka ba? Kung gusto mo pwede kitang samahan."
"Mukhang di naman sya naliligaw Kindaichi."
"Tama ka hindi ako naliligaw." sagot ko sa dalawa.
"Parang ngayon lang kita nakita rito. Ako nga pala si Kindaichi at ito naman si Iwaizumi. Mga Volleyball player kami." pakilala nito saka ngumiti sakin.
"Hindi ko naman tinatanong kung sino kayo. Aalis na ako." sabe ko at iniwan silang dalawa.
"Ang sungit naman nun." bulong ni Kindaichi
"Hindi ka dapat nagpapakilala sa mga babae lalo na kung katulad nun. Ang mga babaeng kagaya nya hindi tayo bibigyan ng atensyon maliban kung si Oikawa ang kaharap nya." seryosong sabe ni Iwaizumi.
Hindi ako nag aral sa Seijoh para magkaroon ng mga kaibigan. Wala akong pakialam sa mga nararamdaman ng tao ang gusto ko lang maging magaling at makilala sa larangan ng Volleyball katulad ni kuya.
YOU ARE READING
𝐎𝐈𝐊𝐀𝐖𝐀 𝐓𝐎𝐎𝐑𝐔 𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓
FanfictionOikawa Tooru is a notorious playboy of Aoba Johsai High. What if he meets a woman who has no intention of falling in love. This is just a Fanfiction I don't own any characters from HAIKYU𝐔. Credits to the rightful owners of the pictures that I us...