"Pok squared ka ba ha? Pokpok!" Narinig kong pahabol na sigaw ng babae na hindi ko naman kilala pero may galit sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad at napairap. Why don't she just be thankful that I didn't even bother to throw a glance at her kanina? Aba't may pahabol pa eh! Hindi ko na sana papansinin pero ano?!
Ang plano ko sana ngayon ay mag relax, maging mabait kahit isang araw manlang! Kanina pa ako nag c-crave sa mga tusok tusok diyan sa labas, pero parang gusto ko na lang tusukin ang mata ng babaeng 'to.
May squared pa siyang nalalaman eh ang hina naman niya sa math!
Maging mabait kahit isang araw sucks. Kaka hablot ko lang ng buhok niya ngayon.
Nagpumiglas siya pero hindi ko siya hinayaan na hawakan manlang ako, hinatak ko siya at doon ko siya sinampal. Naiirita rin talaga ako sa pisngi nitong parang pinatungan ng hotdog sa sobrang pula!
"Tinulungan na kitang i-blend 'yang blush mo ah?"
"S-shit! Tama na!" Para na siyang maiiyak ako. Oh bakit bigla siyang maiiyak? Siya naman itong nag initiate na makipag away, tas ngayon iiyak? Eh sa totoo lang ang tagal ko nang nagtitimpi eh! Ilang linggo na 'tong nagpaparinig at nagsasabi ng kung ano ano tungkol sa'kin na hindi naman totoo!
Sucks to be living this way. Sa mundong 'to mabilis lang madungisan ang pangalan natin, even defending ourselves won't do because they won't believe you anyway. They talk about you as if they know you. How ironic right? Hindi ka nga kilala pero ang bilis maniwala sa sinasabi ng iba.
Sanay na ako. Lalo na sa ugali kong 'to—palaban, talagang iisipin nila na tama lahat ng sabi-sabi tungkol sa'kin.
"Anong nangyayari rito?!" Rinig kong sabi ng isang babae—familiar 'yon ah? Iyong nasa disciplinary office, ipapatawag na naman ako roon!
Shit. Pagod na akong mag explain. Judge me na lang.
Binitawan ko ang babae, I smirked out of satisfaction. Foul ang mga sinasabi niya pero mas malala naman ang naiganti ko!
"Ewan ko sakaniya ma'am, bigla na lang akong sinampal!" Sabi noong babae.
Napairap ulit ako, madali talagang mag mukhang biktima lalo na kung hindi naman naabutan, at alam ang buong nangyari. Ayaw ko na talaga rito sa Pinas! Balak ko talagang mag ibang bansa, maganda kaya sa London?
"Ma'am, bakit ko naman po siya biglang sasampalin kung wala siyang ginagawa sa'kin?"
She should at least be thankful that I managed to deal and understand her being immature for weeks! The only reason why she's mad is her boyfriend keeps on liking and replying to my stories. Hindi ko naman rinereplayan 'yon, unfriend ko na rin kaya bakit sa akin lang siya galit?!
"Ma'am, nagpapapansin kasi sa boyfriend k-"
"Ang pangit pangit ng boyfriend mo! Bakit ako magpapapansin doon?!" Eh sa totoo lang ako 'tong maganda kaya panay papansin ang boyfriend niya sa'kin.
What does she think of me? Has a low standard? My standard is higher than her boyfriend! Sa nipis pa nga lang ng kilay noon ay lagapak na!
"Do you like her boyfriend, Ms. Smith?"
"Ma'am, ang layo layo ng boyfriend niya kay Kyle Echarri!" Nakaka offend ah?! Mukha ba akong papatol doon?
"Go to the Disciplinary Office now! Both of you!" Singhal niya sa amin.
"Ma'am, siya na lang! May class pa po ako, si Sofia baka nag c-cutting na naman 'yan eh!" Isa 'yon sa mga kuwento tungkol sa'kin, cutting?! May nag c-cutting bang with high honors since elementary?
YOU ARE READING
Get You With My Charms || JarFyang
Teen FictionAshley Sofia Smith grew up with a strong, and fierce personality, at the same time she's very bubbly and clumsy. Often misunderstood by others but still continues to live and achieve her dreams. Will a london boy be able to deal with her attitude af...