Nagsinungaling ako kay Jarren. 1st Year pa lang talaga ako, pero ano naman 'di ba? Wala naman siyang pake kasi hindi naman siya interesado.
"Pisteng Dylan Yturralde kasi 'yan, aanhin ko 'yan?" Ismid ko kay Jas na halos magmakaawa na sa harap ko.
Friends na kami ni Jas since highschool, ayaw mahiwalay sa'kin kaya sinundan ako rito sa UST kahit na college na kami.
Sinong nasa tamang katinuan kasi ang mag i-invite ng lalaki para sa inuman mamaya sa condo niya tapos hindi niya naman pala ka-close?
"Sige na please, ayain mo na siya" pagmamatakol niya na parang bata.
Linapag niya ang invitation card at binigay sa'kin ang isa, gusto niya ako ang mag aya sa lalaking 'yon sa sobrang hiya niya.
At jusko para inuman lang sa condo niya mamaya tapos bibigyan pa ng invitation card? Ako nga hindi binigyan eh bastang aya na lang siya, ganon niya kagusto 'yon?
Maganda naman siya, matalino, kaya niyang mapa-payag 'yon na pumunta without even trying kaso torpe 'to. Hindi nahawa sa kapal ng mukha ko.
"Kahit naman pumunta siya sa inuman, hindi mo mabibingwit sis!" Asar ko pa.
"Bakit, 'yong anak nga ni Mrs. Garcia, hindi interesado sa'yo" Aba! Ang tagal ko na ring hindi nakikita 'yon ah, parehas lang naman kami nasa UST?
"Crush ko 'yon eh! Siya lang ginawan ko ng invitation card pero hindi niya alam" Mahina siyang natawa.
"Gaga ka, sana ayos ka lang ah?" Singhal ko at kinurot siya sa pisngi.
Madami naman siyang crush, lahat naman ata 'yon invited sa inuman mamaya, tas itong isang lalaki na 'to ayaw palampasin?
"Sige na, makapal naman mukha mo eh" pangungulit niya pa lalo, napahilot ako sa sentido ko.
Binato ko sa mukha niya ang invitation card.
"Ulol, hindi ko nga kilala 'yan tapos ako mag aaya?!"
"Sige na, kahit 'yan na lang ambag mo sa inuman" Sabi niya kaya lumiwanag ang mukha ko.
Oo nga 'no? Hindi ko na kailangan mag ambag ng pera para sa drinks at pulutan. Makakapag ipon ako kahit hindi naman talaga!
Alam talaga nito kung paano ako kunin, bukod sa lalaking matangkad, moreno, at makapal kilay!
"G! Anong course ba non?" Agad naman siyang natuwa at sinabi sa'kin kung saan ko mahahanap 'yong Dylan na 'yon.
Habang naglalakad ako papunta sa building nila, I can feel some stares on me. Mostly by men, sanay na rin naman ako kasi ano pa nga bang aasahan ko sa mga lalaki ha?
I'm not blind, especially since I'm blessed with this face, half pa naman ako. At sa hulma na rin ng katawan ko dahil sa edad ko ngayon.
My parents' love story is not so happy ending. Syempre dumaan din naman kami sa hirap, pero may kaya lang kami ngayon, thankful pa rin naman ako. At least may magandang mukha 'di ba?
But, actually sanay na rin akong ma-cat call at mabastos, pero tangina lang, sometimes I wonder what's going on on men's head, at ganito sila ka bobo?
Pero dapat bang masanay na kaming mga kababaihan na laging ganito? Why can't men have some character development, at iwasan ang pagiging manyak? Hindi dapat kami masanay sa ganito, at lalong dapat hindi ma-normalize 'to.
Nang makarating ako sa building nila ay namangha ako, wow edi matalino naman pala crush ng babaitang 'yon? Sosyal ah!
"Hi, miss ganda" tawag noong isang lalaki na mukhang sinundan ako rito.
YOU ARE READING
Get You With My Charms || JarFyang
Fiksi RemajaAshley Sofia Smith grew up with a strong, and fierce personality, at the same time she's very bubbly and clumsy. Often misunderstood by others but still continues to live and achieve her dreams. Will a london boy be able to deal with her attitude af...