Chapter 2

144 5 1
                                    

Nandito na kami sa condo ni Jas ngayon. Kilig na kilig naman si gaga kasi lahat ng crush niya nandito. Pero kulang na lang mahimatay siya nang kausapin siya ni Dylan.

Naka upo lang ako sa sofa ngayon habang umiinom ng coke. Inuman 'to pero wala akong balak uminom ng alcohol, pulutan lang habol ko. At isa pa wala naman si Jarren dito eh, boring!

I was examining Dylan while he was talking with Jas.

Totoo, gwapo naman talaga 'tong si Dylan, pero mukhang hindi sineseryoso buhay niya. Kanina pa tawa nang tawa si Jas habang kausap siya. Mukhang kay Dylan pinaka tinamaan 'tong si Jas kasi siya ang pinaka guwapo.

Dy or Dylan wasn't hard to be seen since familiar na ako sa mukha niya, he's also tall. Pero ang weird lang kasi pagkatapos nilang mag usap ay bigla na lang siyang tumahimik. Ang daldal nito kahapon kaya medyo bago na bigla siyang tahimik sa sulok ngayon?

Lumapit ako sakaniya para makausap siya, kaysa naman hangin ang kausapin ko rito?

"Tahimik mo ah?" Sabi ko nang makalapit.

"Gago, wala akong kakilala rito"

Hindi ko na napigilan na humagalpak ng tawa. Ang lakas kasi ng trip nito ni Jas at nag invite ng wala manlang ka common friends o kung ano. Kawawa naman 'tong lalaking 'to.

"Sofia" Offer ko sa kamay ko.

"Dylan" tinanggap niya naman 'yon.

We both turned out attention to Jas after that, iba na ang kausap ni Jas ngayon, tiningnan ko si Dylan para makita ko ang reaksyon niya pero wala, his emotion remained blank, and usual.

"Type mo si Jas? Reto kita?" Kung hindi ako magkaka lovelife, dapat 'tong dalawang 'to na lang ang magkatuluyan.

He looked at me and chuckled a bit. Puro na lang 'to tawa! Hindi talaga nagseseryoso sa buhay, pero naging best friend niya 'yon si Jarren na parang hindi tinatablan ng pagmamahal?!

"Study first ako, sorry" Tumawa na naman siya bago ulit binalingan si Jas.

I only nodded at his response.

Ay, hindi niya type.

"Study first? Nice, babalikan ko 'yang sinabi mo kapag hindi ka nakapag graduate ng Cum Laude ah!" Biro ko sakaniya, madalas kasi kaming mga babae ang nagsasabi na study first kaya nakaka tawa lang na marinig 'yon galing sa lalaki.

"Hoy, grabe! Multi-tasker naman ako kapag mahal ko 'yong tao" Sabagay, halata na rin naman sa mukha niya na matalino siya.

"Nice!" Nakipag apir ako sakaniya ng marinig ko 'yon, mukhang makakasundo ko ang isang 'to ah!

"Ikaw? Papa-reto ka kay Jarren?" Binalingan niya ako ngayon, he was grinning as if he already knows na type ko ang kaibigan niya.

"Hoy, wala akong sinasabi ah" Pagiging defensive ko pa. "Ikaw bahala, pero maganda na rin kung gusto niyang mareto sa'kin" pahabol ko pa.

"Sus, puwede naman subukan" He smirked.

"Hoy, hindi nga?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at yinugyug siya sa tuwa.

"Oo, sanay naman na akong ginagamit para mapalapit sa crush nila, grabe! Okay lang talaga!" Natawa na naman ako sa itsura niya.

"Dali na, kahit facebook or cellphone number na lang ibigay mo. Ako na bahala sa landi" Pagsingit ko pa.

"Aba malamang! Alangan naman ako pa lalandi kay Jarren para sa'yo" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Cellphone number na lang!"

"Wait" Sabi niya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya.

"Amin na phone mo" Saad niya at agad ko namang ibinigay ang phone ko sakaniya, he examined it at bahagyang napa kunot ang noo.

Get You With My Charms || JarFyangWhere stories live. Discover now