PROLOGUE
Nagkukumahog na nilinis ko ang nabasag na tasa. Dahil sa pagkahulog nito ay nakalikha ito ng malakas na ingay na siya'ng dahilan ng paglingon saakin ng customers sa coffee shop. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko naisip na masusugatan ako sa bubog nito nang pulutan ko ito isa-isa.
"Alam mo? Ang tanga-tanga mo! 'Yan na ngalang ang trabaho mo hindi mo pa magawa ng maayos!" galit na sigaw ng Auntie ko saakin.
Nakalapit na pala siya na kanina lang ay kausap pa ang ibang staff. Galit at gusto na ako nitong sabunutan kung wala lang mga tao na nakatingin saamin. Nakaupo ako habang hawak pa ang isang bubog na napulot habang nakatingala sa kanya. Namumula ang mukha nito sa galit .
"Pasensya na." hingi ko nang paumanhin. Pero mas lalong namula ang mukha niya sa sobrang pagpigil ng galit saakin.
"Sumunod ka. Tumayo ka diyan," Nauna itong umalis at pumasok sa opisina niya.
Bumalik ang lahat sa ginagawa nila na parang walang nangyari.
Naaawa'ng mga mata na lumapit saakin ang isa kong katrabaho.
"Ako na dito, Dau. Sumunod ka na doon baka mas lalong magalit 'yon sa'yo."
Tumango ako at iniwan sa kanya ang gawain ko.
Parang walang nangyari dahil balik and lahat sa dati'ng ginagawa nila. Napahinga ako nang malalim.
Binuksan ko ang pinto ng opisina ni Auntie. Nakapameywang siya habang nakatalikod saakin. I know, by looking at her back she's furious because of what happened earlier.
"Wala ka nang ginawa'ng tama simula na magtrabaho ka rito, Daureen. Puro nalang palpak. Pag s-serve na ngalang sa customer ang gagawin mo hindi mo pa magawa ng tama! Kaya pati buhay mo palpak rin eh."
Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. I know. Wala akong silbi, wala akong alam sa mga gawain. Ano nga bang alam ko. I wasn't used to work in my entire life, ngayon lang. Simula nang hindi nakapagpadala si Papa ng sustento sa akin, pinatrabaho niya ako sa cafe niya pambayad sa pagpapatira at pagpapakain saakin. Wala narin akong may nagawa dahil wala naman akong ibang pamilya na pupuntahan maliban sa kanya.
"Simula nang iniwan ka ng ama mo saakin, hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam. Alam mo? Hindi na kita kayang buhayin, Daureen. May mga anak rin akong pinapaaral. Kahit libre ang trabaho mo rito. I can't afford to sustain your needs until you graduate." Humarap siya saakin.
She's my father's only sister. Iniwan ako ni Papa si kanya noong fifteen years old palang ako. Nagpapadala lang ng pera si Papa sa kanya para saakin pero nitong taon lang hindi na naka padala si Papa. Triplets na lalaki ang anak ni Auntie Kris at nasa ibang bansa nagtatrabaho ang asawa niya. Kaedad ko lang ang triplets na pinsan ko.
"Even I want to keep you here, Dau, I can't. Itong maliit na coffee shop lang ang negosyo namin at nasa kolehiyo narin ang mga pinsan mo. Hindi namin kaya ng Uncle mo na pati ikaw ay gagastusan namin." Yumuko ako at tumango.I understand her.
"Dau, this is not just about your performance here, it is about surviving and living. Sana maintindihan mo. At sorry sa nasabi ko kanina. Mainit lang ang ulo ko dahil sa alam mo naman may nagpupumilit na bilhin itong building namin." She is really look stressed. Inangat ko ang tingin sa kanya.
I know kahit hindi ako sanay mabuhay na mag isa kakayanin ko. Because this is what life is, surviving.
" May nahanap po akong school na full scholarship ang offer at dormitory po."
"Really? That's good. So kailan ka aalis?"
Napangiti ako nang mapait. She dosn't even ask me about the school. Mas excited pa siya na aalis ako sa puder nila.
BINABASA MO ANG
Queen Of Building H
General FictionDaureen Baby Petrache grew up without parents by her side. Her Aunt Kris raised her when she was 15 years old. Her life under her Aunt's care wasn't good as what she expected, she experience a rough life with her. She was eager to find her parents b...