Chapter 4
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko nang marealize na late na ako sa klase!
Dahil sa nangyari kagabi, hindi na ako nakatulog ng maayos. Alas kwarto na ata ako nakatulog sa sobrang pag-iisip.
Takbo't lakad ang ginawa ko para lang makaabot sa building H. Wala nang mga estudyante na pagala-gala. Tahimik ang buong paligid at tanging lagaspas ng hangin at mga huni ng ibon ang naririnig sa paligid. Sama mo narin ang sobrang bigat ng hinga ko sa pagod.
Napahawak ako sa hamba ng pintuan ng classroom dahil sa pagod. Huminga ako ng malalim at tumingin sa loob.
"Good morning, Miss Petrache. Late ka ata, pumasok ka na."
Nakangiting mukha ni Sir Vans ang sumalubong saakin. Naputol ang kung ano man ang sinasabi nito sa klase dahil sa pagdating ko. Nilibot ko ang tingin sa buong room. Lahat sila mga nakangiti. Hindi ba sila nagtataka na late ako? Bakit nakangiti ang mga 'to. Maliban pala sa tatlo na malamig lang ang tingin saakin.
Tumango ako kay Sir Vans at dumeritso sa upuan ko. Nakasunod pa ang mga tingin saakin ng mga kaklase ko. Maliban ulit sa tatlo na focus ang tingin sa harap.
"Na-late ka ata, girlfriend ni boss."
Umusog ng kaunti palapit saakin si Cain para bumulong.
"Nagising kasi ako sa kalagitnaan ng gabi dahil mukha mo ang lumabas sa panaginip ko." Sagot ko.
Nilabas ko ang notebook ko ang ballpen para makinig kay sir Vans. Pero ang seatmate ko ata walang plano na tigilan ako sa kakadaldal niya.
"Oh edi gwapo?" Umirap ako sa hangin.
"Bangungot kamo. Hindi na nga ako naka tulog ulit dahil natatakot ako pumikit baka mukha mo na naman makita ko. Edi tege ako panigurado."
Umismid siya. Akala ko titigil na 'to pero napahinga ako ng malalim ulit. Wala na akong may naiintindihan sa sinasabi ni Sir Vans. Late na nga ako hindi pa nakikinig sa klase. Eh kasi itong katabi ko, apaka daldal.
"Ang sakit mo naman, girlfriemd ni boss. Alam mo ba na maraming kababaihan ang gustong matulog ng maaga---"
"Hindi,"
Ang daldal niya super!
"Dahil gusto nilang makita ang mukha ko! Mga excited matulog ng maaga para sa mukha ko ang makita nila sa panaginip nila."
At ang hangin niya. Nilapag ko ang ballpen ko sa mesa ko at tiniklop ang notebook. Wala na. Wala na akong may naintindihan sa klase dahil rito sa katabi ko. Pwedeng mag request ng katabi? Maka request nga mamaya kung pwede palitan 'tong si Cain. Si Peewee kaya?
Nilingon ko si Peewee na nakapangalumbaba sa mesa niya at pipikit na ang mata. Pwede na. At least tahimik siya. Dumapo ang tingin ko sa tabi nito, si Cinth. Titingin siya harap, kay Sir Vans tapos susulat sa notebook niya. Titingin ulit tapos susulat. Ah baka nag te-take notes. Ayus to katabi, mukhang matalino.
Sa likod nila dumapo ang tingin ko sa mga nakaupo. Si Zheck na naka crossed arms habang mariiing nakikinig kay Sir. Ayus rin 'to. Kaso napaka seryoso, katakot. Si Crys na katabi niya tulog naman. Pero napansin ko ang isang bagay na nasa ilalim ng mesa niya kung saan may maliit na kulambo ang nakapalibot sa paa nito at kinikiskis niya pa. Napaka seryoso na tao pero mahilig rin sa kulambo.
May isang tao na nakaupo sa likuran nila. Napaayos ako ng upo dahil sa intense na tingin nito. Nakasalubong ko ng tingin ang kulay blue nitong mata. Teka, kanina pa siya nakatingin saakin. Nakakunot ang noo niya na tiningnan ang apat na kaibigan niya sa harap at balik tingin ulit saakin. Nakita niya ang pagtitig ko sa mga kaibigan niya kanina.
BINABASA MO ANG
Queen Of Building H
Aktuelle LiteraturDaureen Baby Petrache grew up without parents by her side. Her Aunt Kris raised her when she was 15 years old. Her life under her Aunt's care wasn't good as what she expected, she experience a rough life with her. She was eager to find her parents b...