Chapter 5

1 0 0
                                    

Chapter 5

Tinutuo nga niya na maging seatmate kami kinabukasan. Maaga akong umalis sa building dormitory para sana maghanap ng maayos na mauupuan, pero hindi ko akalain na mas maaga pa pala ang mga kaklase ko na’to. Akala ko puro mga katarantaduhan lang ang alam nila, iniisip din pala  ang pag-aaral.

“What are you staring at?” Napabalikwas ako ng upo dahil sa seryosong boses niya.

Sana pala tiniis ko nalang na katabi si Cain kesa dito sa boss daw kuno nila na galaw ko nalang ang binabantayan mula pa kanina. Wala pa ang next class kaya maingay na naman ang mga damuho sa gigilid.

“W-wala. Labas muna ako.” Dali-dali akong tumayo at hindi na hinintay ang sagot niya. Hindi ko namalayan na naka tulala na ako sa kanya. Sa sobrang dami na ganap kahapon hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin, ang tungkol ba sa wierdo na paaralan na’to , ang nangyari kagabi ba na paghaharap ng bawat building o ang pakikitungo saakin ng boss daw kuno.

“Saan punta mo, girlfriend ni boss?”  ayan na naman ang naglalakad na fake news. Hindi ko namalayan na nakasunod pala siya saakin.

“Bakit nandito ka? Bumalik ka na sa room.” Pagtataboy ko. Pero ang luko sinabayan ako sa paglalakad.

“Hindi pwede pinasundan ka ni boss saakin. Saan ba punta mo?”

May dumaan na chinitang babae sa harap namin kaya nakuha nito ang atensyon ni Cain. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa maglaho ang babae. Apaka babaero din nito eh.

“Bumalik ka na. Dito lang ako sa baba tatambay.” Nasa labas na kami ng building H kaya huminto ako at ganun rin siya.

“Edi tatambay din ako dito.” Wika niya sabay higa sa bench na dapat sana ay uupuan ko. Inirapan ko siya at naupo sa katapat lang na bench.

Gusto ko sana maglibot sa buong campus at maghanap ng pwedeng pagtanungan tungkol sa paaralan na’to. Alam ko na kahit anong tanong ko dito kay Cain hindi siya magbibigay ng kahit kunting impormasyon saakin. Kailangan ko lang ng tyempo na makaalis sa paningin nila.

“Cain, may tanong ako.” Hindi siya gumalaw pero alam kong narinig niya ako. Nakadantay ang kaliwang braso niya sa mukha habang nakapikit.

“Wala akong sagot.” See?  Wala pa ngang tanong.

Hindi ko pwedeng itanong ang narinig ko kagabi dahil baka malaman nila na gising ako at narinig ko lahat.

“Mag-aral ka nalang na parang isang ordinaryong estudyante dito. Si boss na ang bahala sa lahat. Hindi ka niya papabayaan.” Ayan na naman po siya.

“Cain, ito na ang huling paliwanag ko tungkol diyan saamin ng boss niyo. Wala kaming relasyon, okay?” Bigla siyang napaupo at nanlalaki ang mata na tiningnan ako.

“Susumbong kita kay Boss. Parati mo nalang siya de-ne-deny. Alam mo ba na masasaktan ‘yon pag nalaman niya.” Napatampal ako sa noo ko.

“Tumahimik ka nalang pala, Cain.” Useless lang kung ipagpipilitan ko pa dahil naka set narin naman sa isip nila na may relasyon kami ng boss nila.

“Maglaro nalang tayo. Nabobored ako dito. Walang ka chika. Hindi naman kita machika tungkol sa ganap namin eh. Kaya laro nalang.”  Ngumiti siya nang napaka lapad habang naupo sa harap ko. Inirapan ko siya.

“Ayoko. Sagutin mo nalang mga tanong ko para hindi ka mabored” umiling siya.

“Bumalik nalang kaya tayo sa taas. Si boss nalang chikahin mo.” Mas lalong ayoko. Nakakatakot tumingin ang blue eyes na’yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Queen Of Building HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon