Ikalawang Kabanata

9 0 0
                                    

alam mo bang wala sa plano ko ang pumunta sa prom na 'yon?

bukod sa tingin ko'y gastos lang ito,

aksaya lamang sa panahon.

pero mabuti na lang at pumunta 'ko.

masaya ako no'ng gabing 'yon.

sumayaw, tumawa at tumalon.

pero nang mapagod ako,

tumanggi na muna ako sa mga imbitasyon.

hinubad ko ang sapatos ko't minasahe ang paa ko.

nakakainis naman at ngayon ko pa naiwan ang tsinelas ko.

nanatili ako sa kinauupuan ko at nag laro na lamang ng 8 Ball Pool sa telepono.

nang may biglang humatak sa pala pulsuhan ko.

mayroon pa nga siyang 'binulong sa 'kin pero 'di ko na maalala kung ano.

basta pag kurap ko,

ikaw na ang katabi ko.

may teleponong nakatutok at nandoon ang mga kaibigan ko,

pati na rin ang iyo.

sa mga oras na 'yon, ramdam ko ang panghihina ko.

nanginginig ang kamay at tuhod ko.

malakas ang kabog ng dibdib ko,

at tila may paru-paro sa tiyan ko.

kung pwede lang itigil ang oras,

baka ginawa ko na no'n.

biro lang, 

mamamatay ata ako sa kahihiyan pag nagkataon.

matapos makuhaan ng litrato, 

nakipag apir ka pa sa 'kin na ikinagulat ko. 

kamay mo, 

nahawakan ko?

mabuti na lang pala talaga,

pumunta 'ko.

matapos no'n ay tumalikod na 'ko.

hindi ako gano'n ka-angas para manatiling gano'n malapit sa 'yo.

naranasan mo na bang mawalan ng pandinig sa gitna ng maingay na paligid?

gano'n kasi ang naramdaman ko.

dahan dahan akong nag lakad pabalik sa mesa namin.

hindi ko pa rin alam ang dapat kong gawin.

pero mabuti at nakita ako ng kaibigan ko.

napansin niya 'agad na wala ako sa wisyo.

hindi ko alam kung bakit ako umiyak sa balikat niya.

hay nako,

ang babaw ko talaga.

akala pa nga nila'y,

may nalaman ako kaya gano'n ang reaks'yon ko.

narinig ko rin ang kaibigan kong lalake na sinabing, "bakit ka umiiyak? tara, ako sasayaw sa 'yo."

akala niya ata ay may inaya akong sumayaw pero tinanggihan ako.

ngunit hindi,

sad'yang masaya lang ako.

paano kaya kung hindi ako pumunta?

paano kung pinili kong manatili sa bahay at

i-rewatch na lamang ang chainsaw man?

baka hindi kita nakita.

baka hindi ko ito nasulat at nagawa.

mabuti na lang 'noh?

pumunta 'ko.

Mga Katha ni JulianaWhere stories live. Discover now